Video Message of President Ferdinand R. Marcos Jr.

Speeches 18 March 2026

Magandang araw po sa ating mga minamahal na kababayan.

Alam niyo po paggising ko kaninang umaga nakita ko โ€˜yung mga headline at ang pinag-uusapan ay โ€˜yung naaprubahan na fare hike para sa ating mga nagpapasada.

Sa aking palagay dahil nga may problema pa rin tayo dahil sa giyera sa Middle East ay sabi ko siguro hindi ito ang panahon para magtaas ng pamasahe para sa ating mga kababayan.

Kayaโ€™t inutos ko sa DOTr na suspendihin muna ang fare hike at i-defer muna natin โ€˜yan.

I-postpone na muna natin โ€˜yan dahil nasa gitna ngayon tayo nitong sitwasyon na ito na kailangan ay patuloy ang ating pag-alalay sa ating mga commuters, sa lahat ng mga ating manggagawa, mga estudyante, lahat ng gumagamit ng ating transport system.

Huwag pong mag-alala ang ating mga transport workers dahil mamadaliin po namin, dadagdagan po namin ang suporta sa inyo para naman ay hindi kayo masyadong mahirapan.

Ang DOTR ay inutusan ko na simulan na ang libreng sakay sa buong Pilipinas at puwede po ninyong gamitin na muna โ€˜yan para pangbawas sa gastos sa pang-araw-araw.

At sa MRT at saka LRT ay magdidiskwento po tayo doon sa pamasahe. Bukod pa doon, sa mga toll road ay mayroon din tayong inutos na diskwento para mas maliit na ngayon ang bayad ng taong-bayan sa paggamit ng mga toll road.

Kahit na na may malaking gulo na nangyayari ay bastaโ€™t kaunti lang ang mararamdaman o sana man โ€“ kung kaya naming gawin โ€“ sana walang mararamdaman ng ating taong-bayan sa kanilang araw-araw na pagtrabaho, sa ating mga estudyante na araw-araw pumapasok.

Alalahanin po ninyo na ang inyong pamahalaan ay laging nandito. Lagi kaming nag-iisip ng panibagong paraan upang matiyak na ang inyong pamumuhay ay normal, maayos, at ligtas.

Maraming salamat po. Magandang araw po.

โ€” END โ€”