Video Message of President Ferdinand R. Marcos Jr. PBBM VLOG 283 After SONA
Isang magandang araw sa ating lahat at sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.
Halos dalawang linggo na ang nakaraan nang ihatid ko ang ikalimang State of the Nation Address. Nababasa ko ang mga sari-sari niyong reaksyon at nagpapasalamat ako sa lahat ng sumabaybay at nakinig sa ating mensahe.
May ilang katanungan ang ating mga kaibigan na sasagutin ko sa vlog na ito mula sa paghahanda ko sa sona hanggang sa ilan pang mensahe na ating tinalakay.
Una, tinatanong ako kung ako ba ang nagsulat ng aking speech dahil paano ko pa raw maisusulat ito sa busy ng aking schedule.
Ang katotohanan, ang buong-buo ‘yung unang bahagi at saka ‘yung huling bahagi ako mismo ang sumulat no’n. Mahabang proseso ang pagsulat ng SONA speech.
Inumpisahan namin ilang linggo bago pa nung SONA may team kami. Pinag-usapan namin ano yung dapat isama. Lahat sila nag-research doon sa bawat subject matter, yung mga statistiko, yung mga pangyayari, kung ano yung mga nangyari, kung ano pa yung itutuloy nating gawin.
Ginawa namin yung flow. Ano yung mauuna, ano yung mahuhuli, ano yung nasa gitna.
Pagkatapos non, syempre nilinis na namin. Pinaganda ko ‘yung ‘yung lenguahe. Nagbago tayo ng kaunting mga salita. ‘Yung iba in-english ko, ‘yung iba ginawa kong tagalog.
Dahan-dahan binuo namin. We fine tuned it so that alam niyo po iba ang ang pagsulat para sa mga babasahin.
Alam nyo po, iba yung pagsulat para sa babasahin, iba yung pagsulat sa pagsasalita. Kailangan gawin natin for rhetoric rather than for reading.
Ang final na draft, ang pinakahuli na na ang actual na speech na ginamit ko, tiniyak ko na nasa boses ko ang lalabas.
Ay may nagtanong sa akin kung tapos na ‘yung SONA eh kako hanggang sa pinakahuling oras meron pa rin akong binabago. At ang katotohanan nung lumabas na ‘yung speech ko meron pa rin akong binago habang ako nagsasalita.
Kaya pag basta’t may naisip ako na mas maganda ang pwedeng pagkasabi eh ‘yun ang aking ginagawa.
Pangalawa, Mr. President, nakailang draft kayo bago niyo ma-finalize ang speech? Nasabi niyo ba ang lahat ng gusto niyong sabihin.
Naku, ang hirap sabihin kung ilan ‘yung draft kasi pinaghati-hati namin.
So ‘yung una, nung unang meeting namin ay tinignan namin yung unang 1/3 inayos namin tapos susunod na meeting ah the next third hanggang sa huli ah hanggang natapos namin tapos titignan namin ‘yung isang buo.
Syempre kailangan namin ayusin kasi yung sa simula masyadong mahaba kasi basta isulat niyo isulat niyo isulat niyo saka natin aayusin.
So dahan-dahan naming ginawang mas maiksi para naman hindi umabot ng dalawang oras kalahati ang ang speech. Masyadong mapapagod ang tao pati ako mauubos ang boses ko.
Eh ang kasunod na katanungan, nasabi niyo ba ang lahat ng gusto niyong sabihin?
Ang katotohanan hindi. Marami kaming nailagay na kailangan na namin hindi namin na maisama. dahil masyado ng mahaba kaya’t ah abangan na lang ninyo sa susunod na SONA.
Pangatlo, ang tikas lagi ng pagdadala niyo ng barong. Sino ang mananahi pumili ng damit ninyo?
Ang mga damit ko, ang mga lalo na mga barong ko ay ang kapatid ko si Irene siya ang naghahanap. Laging naghahanap yun pag may nakita siya na magandang barong o magandang damit ay kukunin niya sasabihin niya o gamitin mo ito.
Siguro mga 1 month before nung sona meron na siyang pinadala na barong sabi niya ito limang magandang magandang barong mamili ka.
Pang-apat, ano ang special preparation ni PBBM sa araw ng SONA?
Dapat pag araw ng SONA ay wala ng kailangan gawin. Dapat naghahanda na lang ako ng sarili ko para sa pag talumpati, para sa pagbigay ng SONA.
Halos hating gabi na kami natapos nung Sabado. Tinapos ko na. Sabi ko ah ayusin na natin to. Ito na yung final draft.
Buong araw ng linggo pina-practice ko, tina-timing namin kung gaano kahaba pina-practice ko na yun yung practice na nakatayo sa podium may micropono pati yung boses ko pina-practice ko na lahat.
Pagdating ng Lunes, walang laman ang schedule ko kung hindi SONA.
Hawak ko na yung speech ko. Paulit-ulit ko ng binabasa. Hindi ko binabasa ng malakas ng boses dahil mauubos ang boses ko. Pero binabasa ko para tiyakin ko na pamilyar na ako. Talagang halos memoryado ko na.
Yung araw ng Lunes ng araw ng SONA ay wala ng laman ang schedule ‘yun kundi ‘yung SONA lang.
Pagkatapos ng SONA ay nakatanggap tayo ng mensahe mula sa isang grupo ang adbokasiya ang kalusugan ng kabataan.
Gusto ko sanang i-share sa inyo ang mga sulat na ito. Supposedly ay hinihiling nila na talakayin ko ito sa SONA. Ito nga yung sinasabi ko na hindi lahat ng bagay ay matatalakay pero hindi nangangahulugan na hindi ito importante. Napaka Importante nito.
Maraming salamat kay Aliyah Mae Lozari ang convener ng Youth for Health Coalition.
Kaya’t babasahin ko po ang kanilang sulat na ibinigay sa akin.
Magandang araw po. Ako po ay isa sa mga kabataan na binanggit niyo sa mga nakaraang ninyong sona maging sa mga commercial niyo sa TV noong eleksyon. Nais ko lamang po magbigay sa inyo ng pananawagan upang siyasatin ang tunay na estado ng ating bansa tungkol sa kalusugan ng ating mga kabataan. Nagugutom po ako sa bahay at sa school. Nagda-dialysis na po si Papa at si Mama na lang po ang nagtatrabaho para sa amin. Ang sinabi niyo, “The strength of the nation lies in the well being of our people.” Pero paano po ‘yun kung ang mamamayan niyo po ay may sakit? Kung wala naman po ay nagdudusa sa gutom, lubos na gumagalang. Ang pagpirma niya kulot.
Totoo yan at hindi magiging maganda ang kalagayan ng ating bansa kung ang ating mga kababayan ay ginugutom. Kaya’t meron po tayo diyan na walang gutom program upang makapagbigay ng tulong para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng pagkain at hindi nakakatiyak na makakain ng tatlong beses sa isang araw.
Meron naman tayong ginawa na programa na nagbigay tayo ng pondo sa ating mga local government para makapagbigay sila ng mga tigsa-sampung (10) kilong sako ng bigas sa ating mga kababayan na talagang
nangangailangan. At ito’y ginagawa namin hindi minsanan kung hindi anim na beses sa bawat taon.
At bukod pa roon, mayroon tayong ginagawa na feeding program para sa ating mga kabataan sa mga eskwela. So lahat nung mga kinder, grade 1 ay binibigyan natin ng pagkain para yung hindi nila iniisip kung saan sila kakain kundi makapag-aral sila ng mabuti.
Tapos yung grade two and above lahat ng mga nangangailangan meron din silang feeding program para hindi na nila inaalala, hindi nila nararamdaman yung gutom at makapag-aral sila ng mabuti.
Ito po ay naging isa sa pinakamalaking problema kung kaya’t hindi makapasok ang ating mga kabataan.
Kasama pa doon yung yakap program. Hindi lamang ang mga estudyante kundi pati mga magulang pati na yung mga guro ay nagpapatingin at kung kailangan nila binibigyan sila ng konsultasyon, binibigyan sila ng gamot dahil ginagawa ang lahat para tumulong sa kanila.
‘Yung ama ng sumulat sa atin ay nagda-dialysis ay pinadami na natin ang suporta ng PhilHealth para sa mga nagda-dialysis at saka ‘yung tulong natin para sa mga gamot ay dinagdagan natin. Kaya’t halos libre na ang mga dialysis patient.
Bukod pa ron ay para sa mga nag-cancer, para sa mga HIV, AIDS, para sa mga mental health, lahat ‘yan ay pinarami natin at ito’y tulong para naman mas maging maginhawa ang buhay ng ating mga kababayan at makatulong tayo sa kanilang kalusugan.
Ito isa pang sulat galing naman kay Ali.
Ako po si Ali at mahalaga sa akin napag-usapan ang kalusugan ng kabataan dahil dito magiging simula ang pagiging produktibo naming bilang mamamayan. Ilan po sa mga pinsan ko ang nabiktima na ng mga taong under ng influence ng alak.
Ganun din sa masamang epekto ng second hand smoke. Sana po ay madinig ang aking boses na gawing priority ang mga batas tungkol dito kagaya ng House Bill 3887 at iba pang health taxes.
Noong nakaraang SONA ay nabanggit ninyo po tungkol sa pag-address ng issue sa malnutrition. Sana po ngayon ay mabanggit at mai-priority ninyo ang mga health issues gaya ng pag-address sa bisyo na bumibiktima sa mga kabataan.
Ay naku, tamang-tama itong sulat mo Ali.
Kaya naman dun sa mga health issues ay talaga naman pinatibay natin ang pagtulong sa ating mga kababayan pagdating sa health care.
Nandiyan na yung ating zero balance billing. Lahat ng magpapatingin o magpapa magpapagamot sa DOH sa Department of Health ng mga ward ay zero balance billing na, at mga gamot na tinanggal na rin natin wala ng binabayad na VAT.
Sa mga iba’t ibang ah suliran na hinaharap ng ating mga kababayan.
Nandiyan ang DSWD marami po silang ginagawa para tumulong para doon sa maging naging biktima na dito sa mga iba’t ibang problema na ganyan at napaka importante na maganda ang kalusugan ng ating mga kababayan.
Ang sabi nga nila at sa palagay ko ay totoo.
Kahit gaano ka kasikat, kahit gaano ka kayaman kapag ikaw ay may sakit, hindi magiging maganda ang buhay mo.
Kaya’t yan ang aming inuuna. Kaya’t napakataas na priority ang kalusugan ng ating kabataan, ang kalusugan ng ating mamamayan.
Dalawa pa lang yun. Dito sa maraming iba’t ibang sulat na natanggap natin.
Lahat ng sumulat po sa akin ay asahan ninyo bata man o matanda ay babasahin ko lahat ito.
Titiyakin natin na kung meron pa tayong maaring gawin matugunan ang mga inyong binabanggit na problema ay asahan ninyo gagawin naman inyong pamahalaan ito.
SONA speech: “Sa mga pang-aalipusta hindi tayo matitinag, sa manlulupig hindi tayo pasisiil.”
Alam ko na ang sona ay higit pa sa isang talumpati marami pang trabaho ang kailangang gawin para maisabuhay ang lahat ng ating tinatalakay at minimithi bilang isang bayan.
Ang inyong aktibong pakikilahok sa mga usaping panlipunan ay mga katangian ng pagiging isang bagong Pilipino.
Kaya’t maraming salamat sa inyong mga liham at mensahe.
Mabuhay po kayo.
Mabuhay ang Bagong Pilipinas.
— END —