Video Message of President Ferdinand R. Marcos Jr. on the Occasion of the 31st Migrant Workers Day

Speeches 7 June 2026

Magandang araw po.

Binabati ko po ang lahat ng ating overseas Filipino workers at kanilang pamilya sa pagdiriwang natin ng ika-31 Migrant Workersโ€™ Day.

Ngayong araw, binibigyang-pugay natin ang kabutihan, galing at tibay ng loob ng ating mga OFW sa ibaโ€™t ibang panig ng mundo. Sa inyong pag-alis upang makipagsapalaran sa ibang bansa, nabibigyan ninyo ng mas magandang kinabukasan ang inyong mga pamilya at ang bansa.

Ngunit kapalit nito ang pangungulila sa mga mahal sa buhay, mga pagdiriwang na malayo sa pamilya at mga hamon na tanging kayo lamang ang nakakaunawa.

Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy kayong lumalaban taglay ang mga katangiang Pilipino. Masipag, maaasahan, mapagmalasakit at matatag sa anumang pagsubok na dala ng buhay.

Dahil dito, patuloy namin kayong ipinagmamalaki. Bilang inyong pamahalaan, muli naming ipinagtitibay ang aming pangako na ipaglaban ang inyong mga karapatan, pangalagaan ang inyong kapakanan, at palawakin ang suporta para sa inyo at sa inyong mga pamilya.

Tinitiyak natin na may maaasahang kayong tulog kapag kailangan, may sapat na proteksyon habang kayoโ€™y nasa ibang bansa at may malinaw na oportunidad sa inyong pagbabalik at muling pagsisimula dito sa Pilipinas.

Sa pangunguna ng Department of Migrant Workers at mga katuwang na ahensya, patuloy naming palalakasin ang mga programang tunay na tumutugon sa inyong mga pangangailangan.

Sa bawat Pilipinong manggagawa sa ibayong-dagat, maraming salamat.

May this Migrant Workers Day remind us that every OFW story is a story of courage, of hope, and of nation-building.

Sama-sama nating itaguyod ang isang bagong Pilipinas kung saan ang bawat manggagawang Pilipino, saan mang panig ng mundo naroon, ay protektado, may oportunidad, at may dangal.

Mabuhay ang ating mga OFW!

โ€” END โ€”