Video Message of President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Opening Ceremony of the 2026 Palarong Pambasa

Speeches 24 May 2026

Maayong gabii kaninyong tanan, sa mga batang atletang kalahok ng 2026 Palarong Pambasa.

Malugod ko kayong binabati.

Alam ko sa pagsali sa palarong ito, bitbit ninyo ang pangalan ng inyong paaralan at rehiyon.

Ngunit bukod pa riyan, dala ninyo rin ang pangarap at inspirasyon ng inyong kapwa batang atleta.

Kaya para sa inyo at sa ibang batang atleta, patuloy ang pamahalaan sa pagsuporta sa iyong pagsasanay sa larangan ng palakasan.

Masaya akong ibalita sa inyo, sa kauna-unahang pagkakataon, maglalaan ang Philippine Sports Commission ng mga incentive para sa mga medalista sa regular sports at sa para games bilang pagkikilala sa inyong husay.

Alam ko na gagawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya, ngunit huwag ninyong kalimutan mag-enjoy na rin.

Marami kayong matututunan sa Palarong ito na madadala ninyo kahit saan man kayo magpunta.

Dito ninyo ang matutunan ng disiplina, tiyaga, respeto at malasakit sa kapwa.

Lagi ninyong isipin na kami ay susuporta sa inyo kasama ng inyong mga magulang, mahal sa buhay, guro, at mga coach.

Dalangin ko ang inyong tagumpay sa paligsahang ito.

Daghang salamat.

Mabuhay ang ating mga atleta!

Mabuhay ang Bagong Pilipinas!

— END —