Video Message by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Mass Oath-taking of Teachers & School Heads from the CARAGA Region

Speeches 24 May 2026

Maayong adlaw sa inyo tanan!

Binabati ko po ang ating mga newly promoted teachers at school heads.

Alam ko po naman na marami sa mga guro, taon o dekada pa ang inaantay bago magkaroon ng promotion.

Kaya po isinulong natin ang Expanded Career Progression o ECP System.

Sa sistemang ito, may mas malinaw na landas para sa inyong career growth.

Congratulations po dahil dumating na ang araw na hinihintay ninyo.

Walang katumbas ang sakripisyo ng guro. Nakita ko ito sa aming tahanan, kaya malapit kayo sa puso ko.

Hindi naman tayo papayag na ang sakripisyo ninyo ay hindi masuklian ng pagkilala at suporta sa inyong propesyon.

Kaya nabanggit ko noong SONA na walang public school teacher ang magre-retire na na Teacher I.

Gumagawa rin tayo ng mga hakbang para makatulong sa ating mga guro tulad ng dagdag na teaching positions, administrative officers at project development officers upang mabawasan ang inyong paperwork.

Nagdagdag din tayo ng araw sa inyong uninterrupted annual vacation service credits. Ibinigay na rin natin ang PhP10,000 na teaching allowance. Pinalawak din ang coverage ng Special Hardship Allowance para sa mga guro at DepEd personnel na nasa malalayong lugar.

Mga ma’am at sir, maraming salamat sa inyong dedikasyon, pasensya, at pagmamahal. Salamat hindi lamang sa pagtuturo ng kaalaman sa ating kabataan, kung hindi pati na rin ng mga magandang asal at pagmamahal sa bayan.

Katuwang ninyo ang gobyerno tungo sa mas maginhawang buhay. Hindi namin kayo pababayaan. Daghang salamat ka ninyong tanan.

Mabuhay po ang ating mga guro.

— END —