Talumpati ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. sa 12th Labor Day Celebration
Maraming salamat sa ating Special Assistant to the President, Secretary Anton Lagdameo.
[Magsiupo po tayo. Please.]
The honorable members ng – the Cabinet, ang ating DOLE undersecretary, Undersecretary Benedicto Ernesto Bitonio Jr.; at General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao; at siyempre, ‘yung ating idol, ang dating senador at ang ating champion na si Manny Pacquiao [palakpakan]; ang aking mga kasamahan sa pamahalaan; mga kababayan, maayong buntag ka ninyong tanan!
Ikinatutuwa ko po na makita ang marami po nating mga kababayan dito sa GenSan, mga karatig na bayan, at lahat ng taga-SOCCSKSARGEN na nakikiisa sa mga aktibidad ngayong araw na ito.
Ito pong mga activity na ito ay alay namin sa ating mga manggagawa, lalo na dito sa Region 12.
Bilang pagkilala sa inyong pagsisikap, sa inyong sakripisyo, at pagpupunyagi, nandito po kami upang ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayan.
Dama po namin ang hirap na pinagdadaanan ng ating mga manggagawa, lalo na ngayon na tumaas ang presyo ng langis, ng kuryente, at ang mga bilihin.
Ngunit, hindi po kami tumitigil sa paghahanap ng mga paraan upang dumami pa ang trabaho, angkabuhayan, at ang mga oportunidad para sa ating lahat.
Hangad namin: Disenteng trabaho para sa bawat Pilipino.
Kaya ko pinapadali ang ating – ang iba’t ibang paraan ng [pamumuhunan] sa bansa upang dumami ang ating – ang trabaho na available.
Noong nag – nakaraang taon, halos dalawang trilyong piso ng investment ang ating naaprubahan. Lilikha ito ng halos 150,000 trabaho.
Tuloy-tuloy din ang mga job fair sa buong bansa para maipalapit ang trabaho sa bawat Pilipino.
Mula [Hulyo] ng 2022 hanggang Pebrero ngayong taon, lagpas 6,600 job fair na ang naganap natin sa buong bansa. Higit isang milyon at kalahating job seeker ang ating inalalayan. At sa bilang na ito, lagpas 250,000 jobseeker ang hired on the spot. [palakpakan]
Ngayong Araw ng Paggawa, naghahandog tayo ng job fair sa buong bansa kung saan mahigit 150,000 trabaho ang puwedeng ma-apply-an.
Gaganapin ang mga job fair na ito sa 89.. Oh, no. It is 94? 94. 94 na lugar sa iba’t ibang lugar ng bansa nang isa hanggang dalawang araw hanggang sa katapusan ng Mayo.
Dito naman sa KCC Mall, mayroong information booth at pre-employment services mula sa mga ahensya ng gobyerno para sa mga naghahanap ng trabaho.
Sa pamamagitan ng job fair na ito, nais naming ipatuloy na bumuti ang bilang at kalidad ng trabaho na available sa ating mga kababayan.
Dumami ang bilang ng [may] trabaho sa bansa. Noong Pebrero, umakyat ito sa halos limampung milyon.
Dumadami rin ang wage and salary workers, na nasa lagpas ng tatlumpung milyon.
Patuloy din tayo na ipinapabuti ang sektor ng paggawa.
Pinagtibay natin ang edukasyon at training program upang tumugon sa nagbabagong pangangailangan ng labor market.
Sa ating Administrasyon, lampas sa limang milyong estudyante na ang nakatapos sa ilalim ng TVET.
Mayroon din tayong lagpas 500 micro-credential o short courses na naibibigay na may sertipikasyon pagka nagtapos na.
Nagsagawa rin tayo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa halos apatnapung paaralan sa buong bansa nitong Marso.
Nakakuha ng trabaho ang lagpas sa isang libong Senior High School graduate at mag-aaral ng Alternative Learning System. Marami ring mag-aaral ang nakakuha ng mga libreng dokumento tulad ng birth certificate, NBI, at police clearance.
Dahil kaya na natin gawin ito, hindi niyo na kailangang puntahan sa opisina. Kaya na natin po gawin ito onlline.
Patuloy din ang pagsusuri ng minimum wage sa mga rehiyon.
Sa pamamagitan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards, naipasa ang 89 na wage order mula Hunyo 2023 hanggang Abril ng 2026.
Kabilang dito ang wage hikes na epektibo ngayong araw tulad ng sa rehiyon – Region X at sa Region XIII.
Ang arawang sahod ng manggagawa sa lugar na ito ay tumaas na sa 500 pesos at 475 pesos.
Batid din namin ang naging pahirap sa ating lahat ng gulo sa Middle East at ang pagtaas ng presyo ng gasolina. Kaya patuloy tayong nagbibigay ng suporta sa ating mga kababayan.
Ang Department of Migrant Workers at saka ang OWWA at iba pang ahensya ay nagbibigay-tulong sa mga OFW natin sa Middle East na sila’y makauwi at mabigyan ng agarang tulong pinansyal, pansamantalang matutuluyan, at transportasyon na pauwi sa kanilang mga probinsya.
Tinitiyak po natin na may sapat na suplay ng pagkain at binabantayan natin ang presyo upang mapigilan ang pananamantala.
Siniguro din natin na may sapat na suplay ng petrolyo.
Sa ngayon amay suplay tayo na kasya sa 54 na araw.
Sinuspinde natin ang excise tax sa LPG at kerosene mula noong ika-17 ng Abril.
Para naman sa mga tsuper at pasahero, ipinapatupad natin ang: 10 piso kada liter discount sa diesel para – sa mga napili mga na gas stations.
Ang Net Service Contracting na may 20 percent discount sa pamasahe, may Libreng Sakay, discount sa mga tren, at TUPAD Tuloy Pasada.
Nagbibigay din tayo ng AICS-Cash Relief Assistance at saka fuel subsidy sa mga operator at sa mga driver.
Nagbigay ang toll operators ng discount para sa freight food transport services. May mga piling daungan din ang nagtanggal o nagbigay ng diskwento sa terminal at saka sa cargo handling fee.
Ito po ay para mabantayan po natin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil pagkatumataas ang presyo ng langis ay alam naman natin lalo na ‘yung pag-transport, ito eh natatamaan at tumataas. Napapasa ‘yung pagtaas ng presyo sa taumbayan. Kaya ang ginagawa natin, hina – naghahanap po tayo ng ating magagawa para mayroon naman – may kaunting bawas doon sa pagtaas at hindi masyadong mabigat ang nararamdaman ng tao.
Ang SSS naman ay mayroong loan penalty condonation para sa mga miyembro at employer contribution delinquency relief at mayroongstructured payment terms para sa mga employer.
Ibig sabihin, ang SSS ay gumawa ng mga emergency measures upang ang mga utan na hindi pa nabayaran iko – hindi naman mawawala kung hindi na muna kailangan bayaran.Ang GSIS namam, nagpatupad ng Balik Ginhawa Program na nagbabalik sa mga miyembro ng katumbas ng kanilang hulog sa utang nang tatlong buwan.
Bukod pa po rito, pinagbubuti namin ang suporta sa kalusugan ng bawat Pilipino.
Kamakailan lang, inilunsad natin ang enhanced PhilHealth maternity benefits. At makakaasa kayong marami pang mga pagbabago sa sektor ng kalusugan. Ito’y mga gagawin natin sa mga susunod na araw.
Mga kababayan, may isang salitang Bisaya na may nakakaantig [na] kahulugan: Padayon.
Patuloy lang.
Tuloy-tuloy ang hanapbuhay ng manggagawang Pilipino.
Tuloy-tuloy ang suporta ng pamahalaan.
Dahil, a patuloy na pagkilos, malalampasan din natin ang lahat ng hamon.
Hangad natin ay disenteng trabaho para sa ating mga manggagawa tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Mabuhay ang ating mga manggagawa!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas!
Maraming-maraming salamat at magandang umaga po sa inyong lahat.
[palakpakan]
— END —