Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Ilocos Norte Mass Graduation
Naninibago pa ako na ini-introduce ako ng anak ko na Congressman. Thank you. Thank you, Congressman Sandro for your introduction.
TESDA Authority Secretary Kiko Benitez; Secretary Rex Gatchalian, DSWD; Ilocos Norte 2nd District Representative Angelo Barba; of course, our Governor, Ilocos Norte Governor Cecile Marcos; [Ilokano] local executives LGU; the graduates – the most important group that is here today – graduates of the TESDA Ilocos Norte Batch 2026 — [palakpakan] congratulations sa inyong lahat; fellow workers in government.
Kadagiti padak ken ay-ayatek nga Ilokano, naimbag nga bigat kadakayo amin. (Sa aking mga kababayang Ilokano, magandang umaga sa inyo.) [palakpakan]
Para sa akin, wala ng ibang lugar na higit pa sa bayang aking pinagmulan. [palakpakan]
It is so nice to come home, to get the chance to come home and to be with all of you. It has been too long and I have missed your smiles and I have missed your warmth and I have missed your friendship.
Once again, nakasama ko ang mahal kong mga kababayan. Nakikita ko ang mga pagbabago na nangyayari dito sa probinsiya tayo. At nanumbalik sa akin ang dahilan kung bakit natin ipinaglalaban ang isang magandang buhay para sa bawat Pilipino.
Siguro naman ay hindi lingid sa kaalaman ng lahat na masinop ang mga Ilokano sa pera, talagang tinitipid lalo na pagka panahon ng pangangailangan.
Dala-dala ko sa Tanggapan ng Pangulo ang katangiang iyan. Likas sa atin na magtipid ng salapi at paglaanan ang ating mga pangarap, tulad ng pag-aaral.
And this is what I see today in our TESDA graduates.
Bawat isa sa inyo — each and everyone of you have dreamed that you will have training so that you will be able to get your new work, so that you will be able to earn, and so that you will be able to have a better life.
Maaaring mayroon sa inyo ang nagbabalak na mag-aral sa kolehiyo pagkatapos ng pagsasanay dito sa TESDA. At kapag nakapag-ipon na kayo ay maaaring mangyari ‘yan.
Alam po namin magaling at masipag ang Pilipino. Kaya pinapalawak namin at pinararating sa lahat ang mga training ng TESDA.
Today we are celebrating a landmark in your everyday — in what we see in your everyday industry and your training and the hard work that you have put in.
Ngunit, ito rin ang panimula ng isang maliwanag na kinabukasan dahil mayroon na kayong kakayahan.
That’s why, congratulations sa inyong lahat! [palakpakan]
So, to the 1,150 TESDA scholars that have finished today — that finished in Dressmaking NC II at tatahi ng mga produktong maipagmamalaki nating mga Pilipino.
Alam po ninyo, may isa tayong kababayan sa Puerto Princesa na nag-aral ng Dressmaking at nakakuha nung NC II. Ngayon, isa na siyang fashion designer na may sariling brand na “Maria Maria.” Balang araw, kayo rin makakapagsimula ng sarili ninyong fashion brand.
May dalawampu’t lima naman sa inyo ang kumuha ng Barista na certificate. Kayo naman ang magbibigay-buhay sa mga kape, sa mga café. Natikman ko na ‘yung nasa labas at talagang kayang-kaya nating makipagsabayan kahit saan. Kahit sa Maynila, kahit sa abroad.
Mayroon din tayong TESDA graduates na sa kanilang sipag at husay, nakapagtayo na sila ‘yung mga iba diyan, nakapagtayo na ng sariling kapihan. Hindi lamang nakakapaggawa ng kape, ngunit nakakapagbigay din sila ng trabaho sa kanilang mga kapwa Ilocano.
Patunay ito na bawat isa sa inyo ay maaaring maging susunod na boss ng sarili ninyong negosyo, ng sarili ninyong mga kompanya.
It is in your hands now that the training and the certification that is going to be the key to your progress and to the betterment of your lives.
That’s why you have to add to your industry, to your patience, and to your love of work.
Nitong nakaraang SONA, sinabi ko na ang pinakamahalagang puhunan ng ating bansa ay ang ating mamamayan.
Kapag namumuhunan tayo sa kakayahan ng Pilipino, namumuhunan tayo sa mas matatag na pamilya, mas masiglang ekonomiya, at mas magandang kinabukasan ng bansa.
Kaya ngayon — this year, [binigyan] natin ang TESDA ng pinakamalaking budget sa kasaysayan ng TESDA. [palakpakan at hiyawan]
Halos labingsiyam (19) na bilyong piso, 19 billion pesos, ang inilaan natin para sa scholarship program upang mas marami pang Pilipino ang magkaroon ng pagkakataong matuto at magkaroon ng magandang hanapbuhay kagaya ng ating mga graduates ngayon. [palakpakan]
We are also expanding our Enterprise-Based Education and Training, o EBET program so that it will coordinate with the training and the needs of our [employers]. Iyan po — sometimes the difficulty that we find is that we — although we provide livelihood training, kung minsan hindi pa rin nakakahanap ng trabaho. And that is why this is a very important aspect at nakikita naman natin that has begun to show some success because our trainees pagkatapos nilang mag-graduate ay kadalasan karamihan sa kanila ay nakakakuha kaagad ng trabaho.
Because of this, mas magiging handa ang graduates sa pagpasok sa trabaho.
Handa rin tayong tulungan ang mga kabataan na kailangang maghanapbuhay. Kaya dinagdagan natin ang pondo sa Tulong Trabaho Scholarship Program.
At alam natin na minsan nahihirapan ang mga estudyante pupunta sa kanilang training center araw-araw, pinapalawak din natin ang TESDA Online Program. And because of this, many more Filipinos will be able to learn and will be able to be trained at whatever time and whatever place that they are.
Kasabay nito, nilalapit din natin ang mga oportunidad sa mga kababayan nating higit na nangangailangan sa tulong ng TVET for Social Equity Program.
Pinapalakas din natin ang Micro-credentialing sa TVET upang mas mabilis makakuha ng training at certificate na kailangan ng ating mga manggagawa upang makasabay sa mabilis na pagbabago… The world is changing very, very quickly. That is why these training programs are very important because we have to continously train our workers because of the new technologies, because of the new situation, because of the establishment of our new supply chains around the world. And to be able to take advantage of that, we must train our workers and that is what we are trying to do with, not only in our schools but also in our Technical and Vocational training.
Mga kababayan, bahagi lang ang mga programang ito ng ating layunin na magbukas ng mas maraming oportunidad para sa bawat Pilipinong handang magsikap para umasenso.
Kasama sa mga layunin nating ito ang mga guro at ang pribadong sektor na patuloy na ginagabayan at hinahasa ang ating mga kababayan. And that is why we thank them very much. Maraming salamat. Thank you for all that you have done for our workers. [palakpakan]
To all our TESDA graduates, use what you have learned and use this training that you have undergone so that you can improve not only your own lives — not only the lives of your family, not only the lives of our communities, but also the lives of all Filipinos around the country.
Nawa’y dala ninyo ang tatak ng kasipagan at husay ng TESDA at Ilocos Norte saan man kayo tutungo.
Dalangin ng pamahalaan ang inyong tagumpay!
We are here waiting for you and we are here supporting you in every way that we can. And I just have to say a special thank you to our Cabinet secretaries and the reason that I do that is because the things that we are doing now — I just came from Vintar where we looked at the beginnings again — one of the beginnings of the cotton industry, and then here in TESDA. I want to thank all of you because these were our dreams. When I was governor, when I was congressman, ito ‘yung mga pinapangarap namin. Sa wakas nagawa na rin natin. And thank you for that. Thank you for your support for all Ilocanos and for Ilocos Norte. [palakpakan]
Mabuhay po tayong lahat. Mabuhay ang Bagong Pilipinas!
Dios ti agngina kadakayo amin apo. (Maraming salamat) [palakpakan]
— END —