Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Pamamahagi ng Tulong Mula sa Gobyerno sa Occidental Mindoro
Maraming salamat sa iyong pagpakilala at magandang umaga po sa inyong lahat.
[magsi-upo po kayo at mahaba itong kwento ko.]
Ako’y— mabuti naman at nabalik ako dito dahil hindi talaga— pagka nakakatanggap ako ng mga report ay talagang malakas ang tama ng El Niño dito sa lalawigan ninyo.
At ‘yung iba— ‘yung pinanggalingan nga namin, ‘yung pinanggalingan nga namin ay nakita naming talagang tuyong-tuyo.
Kaya’t nandito, kasama rin natin— hindi umakyat sa stage, nandiyan si— ang National Irrigation— ayan, si Eddie Guillen, taga amin po ito pero siya’y nailagay natin sa irrigation at marami po tayong plano.
Mayroon tayong pinaplano na dam na ilalagay para ma-coveran (cover) hanggang San Jose, Magsaysay, at mapatubigan na. [applause]
Para naman kahit na mahina ang ulan ay mayroon pa tayong makukuhanan ng tubig.
Ito sa pamamaraan ng dam at magbibigay din tayo ‘yung tinatawag na solar powered pump.
Ito po ay mga bomba na may solar na hindi na kailangan ikabit sa kuryente. May solar siya, may sarili siyang pinagkukuhanan ng kuryente at ito— mabilis lang ito, hindi masyadong mahal, maraming— magdadala po kami rito para mapatubig nanaman.
Dahil alam naman po natin sa ating mga magsasaka, ang puno’t dulo, lalong-lalo na pagka palay ang pinaguusapan, ang puno’t dulo nitong lahat ay patubig.
Kasama syempre ‘yung ayuda, kasama pa syempre lahat ng mga ibang inputs ngunit, kahit kumpleto lahat noong ating Urea, ‘yung ating fertilizer, kahit kumpleto lahat ‘yung pesticide natin, kahit kumpleto ang ating mga farm equipment, pagka mahina ang daloy ng tubig ay mababa rin— mababa pa rin ang ani. Kaya’t ‘yun ay babaguhin natin.
Ito po ay aming ginawa at kung titingnan po ninyo ay dinaanan po rin natin yung Kadiwa doon sa kabila at makita po ninyo, ito po ang aming ginagawa upang tumulong at ang tinatawag namin dito it the whole-of-government approach.
Ibig sabihin lahat ng pamahalaan, lahat ng iba’t ibang departamento ng pamahalaan ay sabay-sabay na tumutulong.
Hindi lamang DA, hindi lang Departmetn of Agriculture, dahil pinaguusapan nga ang mga pagsasaka at— ngunit kasama na rin natin ang iba’t ibang mga kalihim ng iba’t ibang departamento upang silang lahat ay makipagcoordinate sa local government.
Nandito si Vice-gov, nandito si Mayor, andiyan para magsama-sama at maging maayos ang pagdala ng tulong sa mga nangangailangan.
Kaya’t kasama na rin natin— kasama natin silang lahat ay para makita nila kung ano ‘yung pangangailangan dito.
Ay patuloy din po ‘yung itong aming ginagawa. ‘Yung Kadiwa naman ay aming ginagawa para ipalapit— para mayroon mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na ipagbili ang kanilang mga nagawa, mga kung ano man, mga produkto nila ay mayroon silang pupuntahan para maipagbili nila ‘yan.
Kasama na diyan ‘yung tulong ng pamahalaan at ‘yung mga mas mura na agri products na pagkain, lahat ng bigas, pati isda, pati— mayroon— may nakita ako sa kanina marami ng asin dito, at ‘yun ‘yung binubuhay namin na idustriya.
Lahat po ito ay sama-sama upang makatulong at kailangan naming tulungan dahil talagang wala tayong magagawa at napakainit, napakainit at hindi na umulan.
Kailan ang last time na umulan dito?
November pa siguro, oo mga ganun. E ilang buwan na yun? Maglilimang buwan na na walang ulan, kaya’t hindi lamang dito pero sa buong Pilipinas, ‘yan talaga ang naging problema.
Hindi lamang ang Pilipinas kung ‘di ang buong Asya, ganyan din ang mga problema. Kaya’t sinama ko na lahat ng mga Secretary, Cabinet Secretary ng iba’t ibang departamento nang makita nila kung ano talaga ang pangangailangan, kung ano ang kailangan gawin, at para ma-implement kaagad ang mga tulong na ibinibigay sa inyo.
Nandyan po ang DOH, nandito ang DOH, may MAIP; yung DOLE may TUPAD; ang DSWD, mayroong ayuda; at marami pang—marami pa pong iba.
Ang DA mayroon— ang DA mayroon daw— pinaguusapan namin doon sa mga iba’t ibang lugar na kahit anong gawin natin ay wala talagang tubig, walang tumutubo ay bibigyan natin— mayroon tayong programa sa Crop Insurance, so baka makabawi tayo ng kaunti doon at ibibigay natin sa ating mga farmer.
Para naman mayroon silang hawak na pera para naman sa mga pangangailangan nila dahil wala talaga silang tanim, wala silang ani. Ay napakahirap naman pagka talagang masyado silang gugutumin.
Kaya’t ayun po, kaya po kami nandito upang bigyan ng tulong ang lahat ng nangangailangan dito sa gitna ng nararanasan natin na El Niño.
Asahan po ninyo na ang pamahalaan po ay— ang National government kasama ang ating mga legislator, kasama po ating mga cabinet secretary, kasama po ating local government, pinagkakaisa nating lahat ‘yan upang gawin lahat ng kailangan gawin, lahat ng kaya naming gawin upang tumulong sa mga tinamaan nitong El Niño at sa iba’t ibang pang problema.
At iyan po ay— kaya po ginawa po natin ‘yung Kadiwa, para hindi na po kayo kailangan pumunta sa opisina ng regional office o kung ano man, pati LTO, mayroon dyan; pati DOH, mayroon dyan; ‘pati yung sa DOLE, mayroon dyan; DTI, nandyan din nagbibigay; DA, nagbigay tayo ng kaunting tractor at saka ‘yung iba’t ibang mga gamit para sa post-harvest facilities at saka sa mechanization ng ating mga farmer.
Kaya po, asahan po ninyo na ito po, kaming lahat na sabay-sabay gumagalaw para tiyakin na kahit papano, kahit na tayo’y naghihirap dahil sa pagbago ng panahon at nararamdaman natin ‘yung climate change na tinatawag, ay asahan po ninyo nandito po kami upang gawin ang lahat ng kayang gawin ng pamahalaan, kasama ang local government, kasama ang inyong congressman, kasama lahat para tumulong sa taong-bayan.
Ayan po ang aming serbisyo po sa inyo at ‘wag po kayong mag-alala, hindi po kami nagsasawa na magserbisyo. Kami po— patuloy po kahit pagalis po namin dito. [applause]
Tuloy pa rin ang pag-monitor namin para tiyakin na wala namang maiwanan at siguro alam na ninyo ang aking pangarap para sa administrasyon na ito ay wala ng gutom.
Maraming salamat po, magandang umaga po sa inyong lahat! [applause]
—END—