Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Paglulunsad ng Trabaho at Negosyo
Thank you, Trade and Industry secretary, Secretary Cris Roque who I will…I was listening to Joey when he introduced – to say that he, she is one of the hardest working Cabinet Secretaries.
We should amend that. The hardest work – one of the hardest working people that I know.
And also, Go Negosyo Founder Joey Concepcion. Another one of the hardest working people that I’ve ever met. And he is such an inspiration dahil kami sa trabahong ito, at matagal na rin naming ginagawa ito na pino-promote natin ang mga MSMEs. But Joey has been doing this for decades and it is clearly a labor of love for him and we should be very grateful to have champions for MSMEs like Joey. [palakpakan]
And the Pasay City Mayor, Mayor Emi Calixto-Rubiano; my fellow workers in government; our partners in the private sector; distinguished guests; ladies and gentlemen, magandang umaga sa inyong lahat.
Masaya ako na makasama kayo ngayong araw upang ilunsad ang Trabaho at Negosyo.
Marami sa mga kababayan natin na nagsimula sa maliit na pangarap—isang food cart sa kanto, isang puwesto sa bazaar, isang online store na pinapatakbo na nagsimula lamang sa kanilang mga bahay.
Ngunit, hindi madali ang pagsimula at pagpapalago ng isang negosyo.
Maraming MSME ang nahaharap sa iba’t ibang hamon: Kakulangan ng puhunan, limitadong access sa mamimili, access to market, mabilis na pagbabago ng ekonomiya at ng teknolohiya.
Kasabay nito, marami ring mga kababayan natin ang nahihirapang makahanap ng trabaho—lalo na iyong mga tumutugma sa kanilang kakayahan at ang kanyang – kanilang pinag-aralan.
Kaya narito tayo ngayon upang magbigay sa MSMEs at mga kababayang naghahanap ng trabaho ng inspirasyon, suporta, at pagkakataon.
Today, we live in a very uncertain world.
What many of us have studied and developed a decade—or even just a couple of years ago— are sometimes we find no longer relevant.
Industries are being reshaped by digital technology and artificial intelligence or AI. Traditional jobs are transforming. The skills that were once optional, now they are essential.
Naniniwala ako kayang makasabay naman ang mga Pilipino.
Alam naman natin na sa kabila ng mga hamon, maabilidad at madiskarte ang ating mga kababayan. Marunong tayong maghanap ng paraan. Hindi natin sinusukuan ang problema kahit na ano ang hinaharap natin.
Hindi hadlang ang makabagong mundo sa ating pag-unlad. Bagkus, gagamitin natin ito upang magtagumpay pa sa buhay.
Panatilihin lang natin ang tiwala sa ating mga sarili, huwag matakot sa teknolohiya, pagbutihin ang ating mga kakayahan, at samantalahin ang pagkakataon na dumadating sa atin.
Tulad na lamang ng pagkakataong ibinibigay ngayong araw—ang Trabaho at Negosyo—na programa ng Go Negosyo.
Dito, may learning session kasama ang industry expert at thought leaders at magbabahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa larangan ng pagnenegosyo.
May job fair na nag-uugnay sa ating mga kababayan at employer mula sa iba’t ibang sektor.
May mga one-stop-shop pa na serbisyo na isinasagawa ngayon para magbigay ng pre-employment assistance at advisory service ang ilang ahensya ng gobyerno gaya ng DTI, ng TESDA, BIR, at iba pa.
Makakaasa po kayo na patuloy ang Administrasyon na ito sa pagpapa-unlad ng kasanayan ng ating mga kababayan, ang pagpapalakas ng mga programang makakatulong sa bawat Pilipino na makahanap ng trabaho.
Sa pamamagitan ng mas pinalakas na employment program, kabilang na ang skills training at business mentoring, mas napapalapit natin ang trabaho at pagkakataon sa ating mga mamamayan.
Noong nakaraang taon, nakapagsagawa tayo ng mahigit 2,300 job fair sa buong bansa. Mula rito, higit 74,000 na job seeker ang kaagad ang nakatanggap ng trabaho.
Itong Enero lamang, 47 job fair na ang naisagawa natin sa – at mula rito, mahigit 2,400 ang hired-on-the-spot.
Ibig sabihin, dito sa job fair pa lang, nakakuha na sila ng trabaho.
Kasabay nito, pinapalawak din natin ang mga programa para sa reskilling, upskilling, at saka ‘yung enterprise-based training ng ating mga manggagawa.
Ibig sabihin, specialized training na po ito. Ang magtuturo ang mismo magiging employer ninyo.
Para naman sa ating mga MSME, ginawa nating mas simple at mas mabilis ang serbisyo ng gobyerno. Sinisikap din natin na palawakin ang access sa puhunan at patibayin ang mga programang tumutulong sa paglago ng kabuhayan.
‘Yun pong binanggit ni Secretary Roque tungkol sa pagtulong sa pautang, pagtulong sa pag job matching.
Sa pamamagitan ng mga Negosyo Center, mas napapalapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga negosyante. Dito maaari kayong mabigyan ng payo, magkaroon ng mentorship, at makakuha ng tulong upang mapalapit ang inyong mga negosyo sa mamimili.
Inaasahan natin na ang mga programang ito ang magbibigay ng dagdag na lakas sa kabuhayan ng ating mga kababayan.
Ang isang sari-sari store owner ay maaaring makapagpalawak ng negosyo sa pamamagitan ng tinatawag na e-commerce.
Ang isang bagong graduate mula sa probinsya ay hindi na kailangan pang lumuwas sa Maynila upang magtrabaho—basta’t may sapat na kasanayan at internet.
We equip our people not only to survive, but to succeed in this changing world.
Sa layuning ito ng pamahalaan, katuwang natin ang ating mga kaibigan at partners sa pribadong sektor.
Through the advocacy of Go Negosyo, we promote a positive mindset towards business—not as a last resort, but as a strong complement to our collective role in nation-building.
Truly, we cannot diminish the role of the private sector in helping the government address employment gaps—from identifying skills needed by industry to easing the path of doing business in the country.
Kaya’t hinihikayat ko po kayong lahat dito na pakinabangan ang learning session, gamitin po ninyo ang kaalaman mula doon upang mapalakas pa ang kakayanan ninyo dito sa trabaho at negosyo.
Because when we build skills, we build confidence. When we create jobs, we restore the dignity of our people. And when we strengthen our economic foundations, we build a stronger nation for tomorrow.
Maraming-maraming salamat po.
Mabuhay ang mga negosyante at manggagawang Pilipino!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas!
[palakpakan]
— END —