Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Inagurasyon ng Mahayag Dam Project

Speeches 12 February 2026

Thank you to Special Assistant to the President Anton Lagdameo.

[Please be seated.]

The Cabinet members who are with us here today… After this we will be conducting a Regional Development Council meeting kaya sinama ko na silang lahat. And with us here the DA Secretary, Secretary Kiko Laurel, and the other Cabinet members who are here. Marami-rami ang Cabinet members dito ngayon.

The Zamboanga Del Sur 1st District Representative Joseph Kim Yu; Zamboanga Del Sur Provincial Governor Divina Grace Yu; Mahayag Municipal Mayor Manuel Saladaga and the elected officials of the municipality; officials and employees of the National Irrigation Administration led by Administrator Eddie Guillen – welcome home pala; Office of the Civil Defense Undersecretary Harold Cabreros; fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen.

Maayong buntag sa inyong tanan. [palakpakan]

Ito ay isang araw na ating pinakahihintay.

Sa umagang ito ay pinasisinayaan natin ang Mahayag Dam, isang major diversion structure para sa Salug River Irrigation System in Zamboanga del Sur.

Kung matatandaan ninyo, nasira at gumuho ang dam na ito dahil sa matinding pagbaha. Apektado ang marami nating kababayan sa apat na munisipalidad ng Zamboanga del Sur: ang Mahayag, Molave, Ramon Magsaysay, and Sominot.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahan nating mas mapapabuti ang water diversion, irigasyon, at iba pang gawaing pang-agrikultura ng rehiyon.

Makakatulong din ito sa pagbawas ng baha at sa pangkalahatang seguridad ng mga tahanan at kabuhayan dito sa Zamboanga del Sur.

Tinatayang higit tatlong libo’t isang daang magsasaka at ang kanilang mga pamilya ang makikinabang dito sa ating proyekto na ito.

Ibig sabihin, magiging tuloy-tuloy na ang suplay ng tubig. Hindi lamang mapararami ang inyong mga ani— mapapanatag din kayo na matutugunan ninyo ang araw-araw ninyong pangangailangan.

Sa panahon naman ng tag-ulan, mas magiging handa at ligtas ang mga komunidad.

Kasabay ng paglagay nitong dam na ito, nagbigay din tayo ng 20 solar-powered pump irrigation projects o SPIPs sa anim na raan [palakpakan] – sa 635 magsasaka sa rehiyon. Palalakasin ng SPIPs ang lokal na irigasyon gamit ang alternatibong enerhiya na malinis at abot-kaya.

Upang matiyak ang maayos na operasyon ng ating mga SPIP, pangangasiwaan ng mga irrigators association ang pamamahagi at paglilinis ng tubig. Tutulong naman ang National Irrigation Administration (NIA) sa pagpapanatili ng specialized solar panels at pump systems.

Dahil kumukuha ito ng enerhiya mula sa araw, hindi ninyo na kailangang gumastos sa kurudo o kuryente. Nakakabawas din ito sa carbon emissions na nagpapalala ng polusyon. Higit sa lahat, pinapalakas nito ang seguridad ng pagkain at kabuhayan ng ating mga magsasaka at ng buong bansa.

Sa pagsasaayos ng Mahayag Dam, hindi lamang tayo nag-iimbak ng tubig. Nag-iimbak din tayo ng pag-asa at magandang kinabukasan.

Kailangan mo pong maunawaan, ng ating mga kababayan dito, na ang ating ginawa rito ay noong nasira itong dam na ito, hindi po natin basta’t binalik ‘yung dati at ang ginawa natin ay mas malaki na at mas maganda na upang… Ang nangyari po kasi dito na-erode na – dumaan ‘yung tubig sa ilalaim kaya’t nasira, bumagsak.

Ngayon, nilagyan na natin ng bakal na six meters ang lalim para hindi na mangyari ulit ‘yun. Tapos dinamay natin ‘yung mga sluice. Dati dalawa lang ito, ‘di ba, ngayon apat na. Apat na.

And pati – at saka ‘yung mayroon silang pagka tumaas masyado ‘yung tubig, mayroon tayong – mayroon tayong release na sluice dito na bubuksan para kukunin ‘yung tubig para dadalhin sa ibang mga irrigation system para hindi na magbaha, hindi na masyadong malaki ang – hindi masyadong tataas ang tubig.

Kaya po ito’y magandang halimbawa sa ating sinasabi na “Build, Better, and More.” [palakpakan] Kaya po ay hindi lamang basta’t tinayo ‘yung dati, kundi pinaganda pa, pinatibay pa, pinalaki pa.

Makaaasa po kayong patuloy ang Administrasyong ito sa pagbibigay sa ating mga magsasaka ng mas mabilis na access sa ganiyang sari-saring teknolohiya, sa sari-saring pagsasanay, suporta pa para umangat at maging mas maginhawa pa ang inyong mga buhay.

Mula sa ating budget para sa taong ito, naglaan tayo ng higit 63 bilyong piso para sa mga programang pang-irigasyon ng NIA. [palakpakan]

Halos 300 bilyong piso naman ang ating inilaan na pondo sa mga programa at proyekto para sa sektor ng agrikultura. [palakpakan]

Ibig sabihin ay mas maraming imprastraktura at modernong makinarya para sa ating mga masisipag na magsasaka na inaasahan hindi lamang ng Zamboanga Peninsula kung hindi ng buong Pilipinas para sa ating tinatawag na food supply.

At ang kailangan maramdaman ng ating mga magsasaka ang ating pagsasalamat sa sakripisyo nila upang [mapakain] lahat ng mga Pilipino. [palakpakan]

Mula naman sa budget ng Department of Agriculture, higit 33 bilyong piso ang ating inilaan sa pagpapagawa at pagsasaayos ng farm-to-market road para sa taong ito. [palakpakan]

Tinatayang nasa 370 milyong piso pa naman ang ating inilaan para sa farm-to-market roads dito sa Zamboanga del Sur. [palakpakan]

Kasabay pa nito, [pitong daan at] tatlumpu’t isang milyong piso sa ating mga Small Scale Irrigation Projects. [palakpakan]

Prayoridad natin ang mga probinsyang umaani ng bigas, mais, mga high value crops, at ang mga lugar kung saan marami sa mga magsasaka ay rehistrado sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture. Higit sa lahat, tinututukan natin ang mga rehiyon kung saan marami sa mga magsasaka ang higit na nangangailangan.

Kaisa ng DA, Department of Agriculture, at saka ng NIA, layunin natin na tiyakin ang seguridad sa pagkain at sa kabuhayan sa buong bansa. Hangad din natin na mas mapadali ang pagbebenta ninyo ng mga ani at tumaas ang inyong kita sa tulong ng ating mga iba’t ibang programa.

Naniniwala po kami isa ang irigasyon sa pundasyon ng mas masaganang ani at mas matatag na ekonomiya.

Sa ating mga magsasaka: Maraming, maraming salamat po sa inyong pagsisikap upang magkaroon ng pagkain ang hapag kainan ng bawat pamilyang Pilipino.

Sulitin ninyo ang pagkakataong ito upang mapagaan ang inyong trabaho. Gamitin ninyo ang mga bagong makinarya, teknolohiya, at kaalaman upang mapataas ang inyong kita at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang inyong sarili at ang inyong pamilya.

Nawa’y magsilbi rin kayong inspirasyon sa ating mga kabataan na nangangarap paunlarin ang agrikultura at maglingkod sa ating bayan.

Dahil sa Bagong Pilipinas, ang bawat magsasaka ay makakatanggap ng angkop na suporta tungo sa masaganang ani, matatag na kabuhayan, at maunlad na kinabukasan. [palakpakan]

Maraming, maraming salamat po.

Mabuhay kayong lahat!

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [palakpakan]

— END —