Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Balik Sigla, Bigay Saya Year 3: A Nationwide Gift-Giving
Oh nakita ninyo, ang gagaling nitong mga pala ko eh. Ang lalakas ng boses. Naku, pasko na nga at nandito na naman tayo sa ating maligayang pasko na selebrasyon. Eh alam naman natin na ang pasko ay ang katunayan niyan ay talaga para sa mga bata.
Kayaโt alam ko, naramdaman ko na kaagad โyung pasko dahil andito na naman ang maiingay, ang malilikot, at makukulit na mga bata na kumakanta nang malakas na Christmas carol.
[cheers and applause]
Welcome back sa Malacaรฑang!
At alam niyo naman, bastaโt โpag pasko itoโy ino-open house namin dahil ganiyan talaga ang naging tradisyon sa pamilya namin, Pamilya Marcos, noong bata pa ako at dito pa kami nakatira. Bastaโt pasko mayroon kaming handa para sa ating mga maliliit na inaalagaan kaya nandito po tayo ulit.
At alalahanin ninyo, itong ating pagsasaya dito ay hindi lamang dito sa Palasyo kundi sa ibaโt -ibang lugar sa buong Pilipinas. At dahil, kagaya nga ng sabi ko, ang pasko naman ay para sa mga kabataan kayaโt tinitiyak natin na kahit sino at napadpad sa malalayo, sa kanilang pamilya, sa kanilang mga mahal sa buhay ay kahit papaano ay mayroon din silang pasko.
Kayaโt, maraming, maraming salamat. Lahat ng mga staff, lahat ng mga tumulong sa atin, siyempre led by DSWD ito. Pero โ kaya nga hindi maliit na selebrasyon ito, hindi maliit na preparasyon ito dahil nga hindi lamang dito kundi sa buong Pilipinas. Kayaโt gawin natin ang lahat โ nahirapan tayo nitong nakaraang taon, at tinamaan tayo ng kung ano. Nag-umpisa sa El Niรฑa โ La Niรฑa, nag tagtuyot ang ating agrikultura tapos sinundan naman ng mga โ ng ano โ una, โyung El Niรฑo, sinundan naman ng La Niรฑa na puro bagyo naman.
Kayaโt sana naman ay mag-Merry Christmas lang tayo. Kasiโt tayoโy nabigyan ng kaunting oras, kaunting pagkakataon na makasama ang ating mga mahal sa buhay. Nakapag-celebrate nang kaunti, magsaya nang kaunti, at kumain ng masyadong maraming lechon at saka mga hamon. Iyan ang pasko para sa Pilipino. At ang Pilipino ay talaga naman pagka pinagdiriwang ang pasko, naiba ang selebrasyon ng pasko ng Pilipino. Kayaโt ipagpatuloy natin ang tradisyon na โyan.
At, sa inyong lahat, Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon.[cheers]
โ END โ