Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Balik Sigla, Bigay Saya 2025 Nationwide Gift-Giving

Speeches 6 December 2025

Maraming, maraming salamat.

Magandang umaga sa inyong lahat, lalo โ€” Good morning boys and girls. [Good morning!] Merry Christmas [Merry Christmas!]

Alam ninyo, alam nโ€™yo dito sa Palasyo, puro ito, lahat ito, opisina ito. Kaya pagka pupunta ka rito na hindi Pasko, makikita mo iyan, iyang mga tao dito, โ€˜yung mga nandito, nagtratrabaho dito, makikita mo walang nakangiti, seryoso lahat โ€˜yan dahil malalim ang mga iniisip. Ang dami kong inuutos na kung anu-ano, kailangan nilang gawin.

Ngayon lang, pag nandito kayong mga bata, kaya makita mo sila lahat nakangiti, lahat magaang ang loob at lahat naramdaman ulit ang tunay na Pasko dahil nakita natin iyong inyong mga ngiti, iyong inyong magagandang mga mukha.

At maalala namin, nung kami rin ay bata, ten years ago lang naman yun, ten years ago, โ€˜nung kami ay bata rin at nag-i-enjoy din kami sa Pasko.

Kaya ako, kami ay nagpapasalamat kami na kahit na mabigat ang hinaharap natin na mga hamon ay kahit papano meron tayong isang kaunting panahon, lalo na pag Pasko, na kailangan naman natin maalala na, ang mga swerte natin sa buhay, ang mga biyaya natin sa nakaraang taon.

At ang pinakamalaking biyaya, the biggest treasure that we have here in the Philippines are these, our children, the future of our country.

Pero yung mga bata, talagang bilib ako, enjoy na enjoy dito. Nakita mo yung sumasayawโ€“ nakita ko โ€˜yung maliit, sino ba yun? With feelings eh, talagang napapasabay kami.

Tama yan, mag-enjoy kayo. Kaya namin ginawa ito para makita namin ulit ang mga kasiyahan na dala ng Pasko, ang mga pag-alala sa mga masasayang Pasko rin namin. At kayo mga bata, kayo ang nagdadala niyan para sa amin.

Kaya maraming maraming salamat, welcome ulit sa Malacaรฑan Palace. Talagang nabubuhay namin.

Alam mo, kaming mga nagtatrabaho sa pamahalaan, kapag kami nakikita namin kayo, naaalala namin kaya kami nagtatrabaho, hindi para sa sarili namin, kung hindi para sa inyo.

Kaya tumitibay ang loob namin, lumalakas ang loob namin, nagiging kami mas masipag kapag nakikita namin kayo, kayo ang dahilan sa lahat ng aming ginagawa.

Kaya Merry Christmas sa inyo lahat, maraming salamat sa pagdala ninyo ng saya dito. [applause]

Merry Christmas. Happy New Year! [applause]

== END ==