Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Bayani Awards 2025

Speeches 20 November 2025

Thank you, Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac for your introduction.

[Please – please be seated.]

Labor and Employment Secretary Benny Laguesma; the OWWA Administrator, PY Caunan; ang Bagong Bayani Foundation, Inc. President, Vice Admiral Eduardo Santos; of course, First Lady Louise Araneta-Marcos [palakpakan], who has recently been travelling to Europe to assist with the – on the OWWA with some of the activities that – so she has become our ambassador now for migrant workers [palakpakan]. It’s your new designation. ‘Di ba magka-Cabinet shake-up tayo, so kasama ka na doon sa ano –

Awardees of Bagong Bayani Awards 2025 and their families, my congratulations to you.

The DMW and BBFI officials; our key partners in development; and our stakeholders as beneficiaries of that development; fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen, magandang umaga sa inyong lahat.

Ngayong araw, magbibigay pugay tayo sa ating mga bagong bayani.

Kinikilala ng Bagong Bayani Awards ang kakayahan, karangalan, at kabutihang loob ng mga Pilipino na sa kabila ng pang-i-ibang bansa, ay nagagawang maipakita ang tunay na pagka-Pilipino.

Naitaguyod [nila ang kanilang] mga pamilya, at komunidad nang walang pag-aalinlangan.

Ito ang diwang nais makamit ng aking ama, ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr., nang itatag niya ang Bagong Bayani Awards sa pamamagitan ng Letter of Instruction No. 1320 noong 1983.

So, ngayon, papunta ngayon tayo sa today. And we still see the immense value that migrant workers have brought to their families and to our country. I am proud of the achievements that you have made.

Binabati ko ang lahat ng mga Bagong Bayani awardees ngayong taon. Kayo ang pinakamagandang larawan ng kasipagan at galing ng Pilipino.

Tuwing may kausap akong taga-ibang bansa, parating sinasabi sa akin: Ang husay ng mga Pilipino na nandoon sa amin.

Kaya maraming salamat sa inyong lahat sa pagbibigay karangalan sa ating bansa. [palakpakan]

Dahil alam naman po natin, hindi biro ang manirahan sa ibang bansa, makisama sa ibang lahi, at mawalay sa pamilya, ngunit patuloy pa rin ang inyong mga sakripisyo para sa inyong mga minamahal sa buhay.

Kaya bilang suporta, asahan ninyo na nandito lang ang inyong pamahalaan.

Through the Department of Migrant Workers, we shall continue to elevate protection, streamline services, and ensure that every OFW is treated as the hero that they are.

Sa ngayon, ginagawa na nating digital ang ilang proseso ng pagtatrabaho sa ibang bansa tulad ng OFW Travel Pass sa eGovPH App at ang Online Employment Contract Verification System.

Ang Overseas [Workers] Welfare Administration naman ay nakakapag-isyu na ng mahigit-kumulang na tatlong daang libong electronic card na magbibigay sa mga migrant workers ng mas madaling access sa mga serbisyo ng ating gobyerno.

Pinahahalagahan din natin ang inyong kalusugan sa pamamagitan ng OFW Hospital, ang OWWA Botika, at pinalakas na na mga programang medikal para sa ating mga OFW.

Sa AKSYON Fund, ang mga OFW na nasa kagipitan ay may maaasahang tulong na legal, medikal, pinansyal, at iba pa mula sa DMW Migrant Workers Offices at Regional Offices.

Bukod pa rito, may OFW Lounge na sa ating NAIA para sa inyong komportableng paghihintay ng inyong flight.

Mahigpit din ang pamahalaan sa pagprotekta sa ating mga OFWs sa pamamagitan na paglaban at pagpuksa sa human trafficking.

Sinusuportahan din ng ating DMW ang reintegrasyon ng ating returning OFWs sa pamamagitan ng start-up capital, financial literacy training, at livelihood support.

Lahat ng ito ay upang masiguro na hindi masasayang ang inyong pinaghirapan at maging matagumpay ang inyong pag-uwi.

Kaya naman po sa inyong pag-alis at sa inyong pagbalik, tandaan po ninyo na hindi kailanman kayo nag-iisa.

Gagawin namin ang aming makakaya upang maprotektahan at masuportahan ang bawat Bagong Bayani.

Mga minamahal kong OFW, kayo po ay ang nagsisilbing lakas at liwanag ng ating Bagong Pilipinas.

Muli, congratulations sa inyong lahat – sa lahat ng ating mga Awardee.

Ipagpatuloy po natin ang laban para sa mas magandang kinabukasan para sa ating mga kapwa, at sa ating mga kababayan, at lahat, kung – dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Mabuhay ang ating mga bagong bayani.

Mabuhay tayong lahat. [palakpakan]

Magandang umaga po sa inyong lahat.

— END —