Talumpati ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kadiwa ng Pangulo sa Bataan
Maraming, maraming salamat sa pagpakilala.
Sa ating mga local leaders, si Governor, si Mayor ng Bayan ng Limay; lahat ng aking mga kaibigan dito. Parang nakikilala ko โyung mga boses ninyo โyung mga malalakas sumigaw sa rally. [cheers] Kung minsan โyung aming mga nagiging pagpunta sa Kadiwa eh parang rally na rin kayaโt mabuti naโฆ [Please sit down.]
Mabuti na rin โyung dahil nabibigyan naman ako ng pagkakataon na magpasalamat sa lahat ng ating mga kasamahan na tiga-lalawigan ng Bataan sa inyong naging napakaganda at napakabigat na suporta at ang ipinakita ninyong kumpiyansa sa ating mga kandidato lalong-lalo na sa akin at kay Inday Sara. Kayaโt maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. [applause]
Kaya naman ay kami ay niluklok ninyo sa itong mga posisyon na ito upang gawin ang maaaring gawin para pagandahin ang buhay ng ating mga kababayan na mga Pilipino.
Kaya po namin naisipan buoin itong programang ito na โyung Kadiwa. At ito po ay nagsimula noong panahon pa ng aking ama. At ito ay napakasimple lang ang konsepto nito ang ginagawa natin ay pinag-uusap natin, pinag-uugnay natin ang magsasaka, โyung nagsasaka mismo, hanggang sa palengke. At ito โyung palengke, โyung Kadiwa.
Ngayon lahat ng dating binabayaran ng kung โdi โyung magsasaka, kung hindi โyung mga nandito sa palengke, โyung mga โ halimbawa โyung pag-transport, โyung packaging, lahat โyan, ay tinutulungan na ng gobyerno para nga mabawasan ang presyo ng ating mga bilihin.
Alam naman natin sa kasalukuyan ay โyan ang pinakamabigat na problemang hinaharap nating lahat at pataas nang pataas ang presyo ng bilihin. At naging problema ito dahil tayo ay naging โumaasa na tayo masyado bago nung pandemya, umaasa na tayo masyado sa importation. Napabayaan natin ang agrikultura at kaya mababa ang ani ng ating mga magsasaka.
Kayaโt dahan-dahan naming inaayos ang agricultural sector dahil napakalawak nito ay dahan-dahan ay nagiging mas maganda naman โyung ating tinatawag na value chain para diyan sa ating mga magsasaka. Kayaโt ang dulo niyan ay itong Kadiwa.
At alam niyo po ay nasimulan ito Kadiwa ng Pasko ito noong umpisa, noong nakaraang Pasko. Ngunit naging napakaganda ang reception ng taong-bayan kayaโt sinabi namin itutuloy na namin.
Ngayon naman ay nakikita namin kailangan talaga palawakin pa. At alam ko โyung mga Kadiwa โpag pinupuntahan ng tao ay lalong-lalo na โyung bigas na mura, โyung asukal na mura, โyung sibuyas na mura, โyung ibaโt ibang โ nauubos agad.
Kayaโt ang kailangan nating gawin talaga pagandahin ang produksyon natin. Hanggaโt gumanda ang produksyon natin, mapipilitan talaga tayong mag-import. โPag napilitan naman tayo na mag-import, ayan na tataas na naman ang presyo ng bilihin.
Ngunit siguro ang maaaring gawin at kaya ang ginagawa ng pamahalaan ay paparamihin natin ito. Kaya paparamihin natin โyung supply. Iyong nagiging viable na operational na Kadiwa sa kasalukuyan lampas na ng tatlong daan. Pero kulang na kulang pa โyun.
Pararamihin natin ito para kahit sa malalayo, sa mga lupalop ay makakaabot ang Kadiwa dahil lahat naman tayo dito sa Pilipinas ay nangangailangan ng tulong dito.
At bukod sa ating pagdala ng mga bilihin na mas naipagbibili ng mura ay nabibigyan din natin ng pagkakataon ang ating mga local na negosyante na gumagawa ng may sariling produkto, may pino-process na nakita natin dito sa mga display ay hindi na โyung โ bastaโt โyung hilaw na lang na ube, โyung hilaw na lang na patatas, eh lahat ng โ โyung kape, โyung cacao pino-process na dahil โyan ang nagpapaganda ng presyo ng ating pinagbibili. At kaya naman binibigyan din natin ng pagkakataon ang mga local businesses.
Kayaโt asahan ninyo kahit sa ngayon ay nagsisimula pa lang tayo ay ini-instruction-an ko na ang Department of Agriculture, ang ating DTI โ Department of Trade and Industry, pati na ang DILG para talaga hindi lamang iilan, kung hindi paramihin natin maramdaman ang Kadiwa ng Pangulo sa buong Pilipinas.
Maraming, maraming salamat po. [applause] Magandang umaga po sa inyong lahat. Mabuhay po kayo!
โ END โ
SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)