Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. on the Events at the Senate of the Philippines

Speeches 13 May 2026

Magandang gabi po mga minamahal kong kababayan.

Ako ay nais magbigay ng isang statement tungkol sa mga pangyayari sa Senado ngayong gabing ito.

Mga dalawang oras kalahati ko nang mino-monitor ang sitwasyon. At noong una kong nabalitaan na nagputukan ay ang una kong tinawagan ay si Sec. Jonvic Remulla ng DILG. At tinanong ko, magpa-report ka sa mga pulis na nandoon na kung may nangyari, kung mayroon silang ginawa.

At tapos ang sunod na tawag ko naman ay sa NBI. At tinanong ko sa mga NBI at kay Director Matibag, eh kayo ba ay pumasok sa Senado? Sabi niya, โ€œWala. Wala kang instruction. Ang sabi sa akin, wala kang instruction, sir. Kaya baโ€™t namin gagawin โ€˜yun?โ€

Kayaโ€™t ang masasabi ko sa ating mga kababayan, โ€˜yung nakikita po ninyo na nakauniporme sa loob โ€“ sa mga news, ang mga nakauniporme doon, dalawang klase. Iyong PNP police na naka-duty sa Senado. Nandoon sila para bantayan ang Senado, para mag-crowd control, para maging secure ang Senado.

Iyong isa pang nakauniporme ay โ€˜yung Marines, may Marine detachment na nandoon talaga sa Senado, tiga-doon sila. Ang trabaho din nila i-secure ang Senado at magbigay ng โ€˜yung nakikita ninyong honor guard. โ€˜Yan lang ang sundalo o pulis na nasa loob, tiga-doon ang nandoon.

Iyong isa pang nakita ninyong grupo nakasibilyan at may hawak na mga mahahaba, mga OSAA โ€˜yun, โ€˜yun naman sa Sergeant-at-Arms ng Senado.

So lahat ng nakikita ninyong nakauniporme o armado ay tiga-doon. Nandoon sila talaga. Doon sila nag-du-duty.

At isa pa ay nais kong maibida sa inyong lahat, wala pong instruction kahit na kanino na hulihin si Senator Bato.

At ang nangyari ang NBI ay sinabihan ko noong lumabas โ€˜yung resolution ng Supreme Court, mga alas kwatro โ€˜yun kaninang hapon, ay sinabi ko, โ€œumalis na kayo diyan.โ€ Nag-comply naman sila.

Kayaโ€™t noong kausap ko si Director Matibag, sabi niya, โ€œwalang NBI doon. Nandito lahat kami sa opisina.โ€

At ayun po, nais kong mapaalam na sa lahat ng ating mga kababayan itong pangyayari na ito ay tayoโ€™y maging kalma lang po.

Nakausap ko na si Senate President Alan Cayetano at nag-agree kami. We agree that the thing to do now is to tell our people all to calm down and we will get to the bottom of this.

Aalamin natin kung sino ang gumawa nitong gulo na ito. Ito ba ay talagang nagka-engkwentro lang o ito ba ay may kasama sa mga destab o nagsisimula ng gulo.

Kailangan po natin malaman โ€˜yan. Kaya mag-iimbestiga sabay ang Senado at saka ang PNP tungkol dito.

At masasabi ko lang at para hindi po mag-aalala ang taong-bayan, hindi po gobyerno ang gumawa nito. Walang pumasok na tiga-labas na sundalo, na militar, na NBI sa Senado.

Hindi po natin alam kung sino โ€˜yun na sumubok na pumasok at dahil doon ay nagkaputukan. Aalamin po natin at kinukuha po natin, kinokolekta natin ngayon lahat ng ebidensya na nandiyan.

Maraming salamat po. Kalma lang po. Asahan ninyo โ€˜yung gobyerno po ninyo hindi gagawin ito.

โ€” END โ€”