Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Inspection of Bicol Mega Cold Storage Facility and Ugnayan with the Farmers in Camarines Sur
Mag-o-organize tayo ng grupo na magko-control dito para kayo ang magpapatakbo nito. Kayo ang magsasabi kung kailan ibebenta, sino – kaninong tatanggapin na produkto. Lahat.
Kinukuha nga ng ano ito — kinukuha ng San Miguel lahat ito dahil napakagandang facility. Pero pagka sila ang kumuha, sila ang kikita.
Eh, hindi naman tama ‘yun. Kaya nga namin ginawa ito para mas maganda ang kita ng ating mga farmer.
Alam namin na ang buong Pilipinas ang nagpapakain ay ang ating mga magsasaka.
At alam naman natin kung gaano kahirap maghanapbuhay na nagsasaka. Both national at saka local government, dapat parehong nagtutulungan, lahat ginagawa para maging naman – para naman ay maaasahan natin ang ating food supply.
Kaya kung ano man ‘yung pasalamat ninyo sa akin, times 100 ang pasalamat ko sa inyo. Maraming salamat po.
[applause]
— END —