Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. following his attendance at the Opening of the Central Luzon Expressway (CLLEX) Contract Package 4 Aliaga-Cabanatuan Section
PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.: All right. Good morning. Magandang umaga sa inyong lahat.
So, nandito naman tayo sa…Well, malapit na tayo sa Cabanatuan. Nandito naman tayo sa Nueva Ecija ngayon para buksan itong apat na kilometro na section na nagbubuo ng east-west na daan mula Tarlac hanggang dito sa Cabanatuan.
At ito ay kasama ulit doon sa ating instruction na buksan lahat ng maaaring buksan na na mga connector road para maging mas mabilis ang daloy ng traffic.
At malaking bagay ito dahil ang dating tumatag – ang biyahe na tumatagal dati ng isang oras at kalahati, 1 hour 15 o 1 hour 30 minutes, ay magiging 20 minutes na lang, 20 minuto na lang.
At malaking bagay ito dahil unang-una alam naman natin ngayon ang inaalala natin ang konsumo ng krudo, ng gasolina ay sa pagbawas na pagtagal ng – sa bawas ng tagal ng biyahe ay mababawasan din ang konsumo sa fuel. At malaking bagay ngayon ‘yan at eh lagi nating inaalala ‘yan.
At mayroon pa ring isa pang malaking advantage itong ginawa nating pagbukas nito at pagbilis ng pagdaan ng traffic, alam niyo naman ang Nueva Ecija ay ‘yan ang rice granary ng Pilipinas ngayon.
At ito ay makakatulong bawasan ang transport cost at sa ganoon, sa pagbawas ng transport cost ay mananatili ang presyo ng bigas. Dahil dito nakita naman, bagong tanim ang ating mga – ang ating mga palay kaya malaking bagay ‘yung – kahit na apat na kilometro ang ating pinag-uusapan, ang magiging epekto nito ay napakalaki.
Hindi lamang sa pagbawas sa oras ng biyahe, hindi lamang sa pagbawas sa konsumo, kundi pati sa pagpapanatili ng presyo ng bigas na alam naman natin, ‘pag tinamaan ang langis ay maraming sumusunod, pati pagkain. Kaya ‘yan ang inaabangan natin at inaalala natin at binabantayan natin nang mabuti.
Ang dadaan dito ay mga siguro 11,500 na tao – na behikulo. 11,500, 11,400 vehicles ang dadaan dito kada bawat araw. Kaya malaking bagay itong binubuksan natin.
Kaya patuloy natin ginagawa ito para maging mas madali ang pagbiyahe ng tao at maging…Mabuksan na natin. Dahil kung pupunahin ninyo ang mga highway natin, ang takbo North-South. Ito ang isang – ‘pag nabuo ito, ‘pag nakaabot na tayo hanggang sa east coast ng Luzon ay ito na ‘yung pinakauna na east-west na daan, na highway.
At again, mabubuksan lahat ng mga iba’t ibang area, mapapagaan ang pagbiyahe, mababawasan ang konsumo ng gasolina, ng krudo, at pananatilihin natin ang presyo ng ating pagkain.
Maraming-maraming salamat. Patuloy po natin itinutuloy ito.
[Official: [inaudible] libre po ‘yung ano –]
THE PRESIDENT: Ah! Oo nga pala, nakalimutan ko. Mayroong karagdagang magandang balita. Dahil gina… Itong kalsadang ito ay siguro hanggang Disyembre ay toll free ito. Kaya libre muna. Kaya puwede nang dumaan ang mga iba’t ibang truck para puwede na silang mag – marilyebo natin pa ang traffic sa MacArthur para ‘yun, ulit, bibilis.
Basta’t bumilis ang biyahe eh nababawasan ang bayad sa konsumo at ‘yung produkto na dinadala ng ating mga truck ay hindi tataas ang presyo. Kaya ‘yan ang malaking epekto dito.
At hindi lamang dahil di – hindi lamang dito sa daan na ito, kung hindi sa mga iba’t ibang daan na nakapaligid dito sa ating binuksan ngayong araw.
Q: Mr. President, may we know your plans lang po for the Holy Week?
THE PRESIDENT: For the Holy Week, I will spend a few days in Ilocos Norte. And I will be back in Manila by the weekend. All right? Okay. Maraming salamat.
— END —