Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. During his Visit to Century Pacific Food Inc. – Calamba Distribution Center

Speeches 20 March 2026

Simple lang naman, nandito tayo upang tingnan ang ating mga – ang supply ng pagkain at ang presyuhan ng pagkain. Dahil lahat ng ahensya ng pamahalaan… Siyempre nilalapitan natin ang mga partner natin na food suppliers para sa pang-araw-araw ng taong-bayan.

At kami naman nakita naman ninyo – ito isa lamang ito, 10 percent pa lang ito sa kanilang stock. Ibig sabihin, hindi lamang ang Century kundi ang iba’t ibang mga food processors at saka retailers ay maayos naman ang stock natin.

At bukod pa roon ay sila naman ay pumapayag na to keep the prices na hindi muna – basta – hindi tataas ang presyo hanggat kaya nila. Kaya siguro mga isang buwan, ‘yung iba baka dalawang buwan hindi magagalaw ‘yung presyo.

Kahit na dumating na tayo ay patuloy naman natin tinitingnan ang supply.

Ang supply ay hindi kailangan na mag-alala ang taong-bayan. Ang food supply natin ay sapat kahit na pangmatagalan.

Ang presyo natin ay kagaya… Kaya magpapasalamat tayo sa mga private sector kagaya ng Century na sila ay pumayag na huwag itaas muna. Huwag itaas ang presyo ng bilihin.

Kaya patuloy natin mino-monitor ito para naman ang pang-araw-araw na pangangailangan ng taong-bayan ay naaalagaan at naaalalayan.

Thank you.

— END —