Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. During his Visit to Bogo City, Cebu
Nandito ngayon tayo sa lungsod ng Bogo para tingnan ang mga naging problema na dinala ng lindol noong isang araw.
At ang pinakamalaking damage na dinala ng lindol ay infrastructure damage, mga building, tapos ‘yung mga kagaya sa ospital. Ito tingnan ninyo itong city hall. Ganyan talaga ang naging effect.
Kaya nahirapan kami nang kaunti dahil wala kaming pupuntahan — wala kaming paglalagyan rather ng mga na-displace na pamilya dahil hindi tayo nakakasiguro sa mga evacuation center.
Kaya ang pinag-usapan namin, ang desisyon namin, ang gagawin natin kukuha tayo ng mga tent na malalaki at itatayo natin — kagaya ng sinabi ko sa ating mga LGU executives — ito ‘yung mga tent ng Red Cross na ginamit noong COVID. At ito ay mabilis itayo at kahit umulan hindi problema. Kaya ‘yun ang dadalhin namin dito sa ngayon.
And we will then — doon sa kung saan ilalagay ‘yung gagawa ng tent city, kung tawagin, ay lalagyan din natin ng siyempre lahat nung facilities. Titiyakin natin na may food supply, may water supply, may kuryente kung kailangan mag-genset. Kung anuman ang pangangailangan ng tao ay titiyakin natin na mayroon.
But we can announce ‘yung, number one, ‘yung kuryente, I am assured by the Department of Energy Secretary, Secretary Sharon Garin, that we are going — Bogo will have electricity complete for the entire city by the end of today.
Bukod pa doon, ‘yung dinaanan naming ospital na nasa labas pa lahat ng pasyente, ang DPWH nakapagpadala na ng mga engineer. Tiningnan ‘yung ospital at ngayon kinilear (clear) na nila, safe na ‘yung ospital. Puwedeng ibalik sa loob ang mga pasyente na.
Ang ospital dito hindi naman nawalan ng kuryente dahil may genset at kaagad prinarioritize (prioritize) ng Department of Energy na magkakoneksyon kaagad.
So, that’s — those are the ano… Tapos magre-release kami nang kaunting tulong, both from the Office of the President, ‘yung aking — the amounts that I enumerated earlier — both from the Office of the President and in the form of LGSF or Local Government Support Fund in the amounts of, well, 150 million for the province, 75 million for the other towns, and maybe smaller amounts for those — depending on the need.
And I assured all of our local executives that this is not — hindi ito minsanan lang. Baka naman isipin ninyo na pag-alis namin dito tapos na lahat. Hindi.
We will continue to monitor. We will continue to coordinate with the leaders — the local leadership to make sure that maganda ang takbo ng ating rehabilitation and all the support na binibigay natin.
We are providing – I don’t think I — siguro hindi ko na kailangan ulitin, pero again we are providing for all of those who have been displaced, lalong-lalo na ‘yung mga nawalan ng bahay, binibigyan natin ng P10,000 na cash assistance at least sa umpisa. Kung kailangan pa nila baka maulit. Titingnan natin kung papaano na ang takbo ng ating recovery.
I would like to assure everybody na hindi tayo — basics lang muna, hindi tayo mauubusan ng pagkain, hindi tayo mauubusan ng tubig para sa ating mga naging biktima.
Minamadali na lang natin ang kanilang magiging — kung saan sila — para naman may masilungan sila dito at hindi sila… Dahil marami — tama rin naman — natatakot na bumalik sa building.
Mas gusto nila dito sila sa labas. So, ‘yun ang susundan natin. ‘Yun ang kanilang kagustuhan, ‘yun ang ating susundan. So, that’s why ang proposal is the tent city.
So, this ongoing – this ongoing recovery program will continue until we are satisfied na lahat ng naapektuhan ay nabigyan na ng – basta’t may kinakain na, may tinutulugan na, may pinupun – ‘yung mga commercial enterprise ay tumatakbo na. That’s the important part.
So, ganoon ang naging situation dito sa Bogo. Iyan ang situation in the other towns of Cebu. At we will continue to monitor and we will continue to assist.
Thank you very much. Good afternoon.
— END —