Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the “Kumustahan” with the Walang Gutom Refuel Project Beneficiaries in Manila

Speeches 16 October 2025

Magandang umaga po.

Sorry po guguluhin po namin kayo nang kaunti habang kayo ay nagsa-shopping dito. Ito po ang – para ipaalala ko sa ating mga kababayan, ito po ‘yung ating tinatawag na Walang Gutom Program.

Ang bago rito po ay hindi lamang natin iniintindi ‘yung ating – ‘yung food supply ika nga, ‘yung kakulangan ng pagkain. Ngunit bukod pa roon, eh titiyakin namin na may sapat na pagkain at bukod pa roon, ay titiyakin natin na tama po ang kinakain po ninyo para balansyado po, ang tinatawag na balanced diet.

Mayroon tayong mga bigas; may mais, para naman mayroon tayong sinusunog; mayroong tayong protein na tinatawag, isda at saka karne; at siyempre gulay para naman maging healthy, para kumpleto. Kumpleto po ang diet ninyo.

Hindi na po maaari na isang bandihadong kanin tapos isang pirasong sardinas. Hindi na po puwede ‘yun.

Kaya ito po ang ating programa. Patuloy po natin ang ating ginagawa. Ito ay nasa Walang Gutom Program.

Dahil po, kung maalala ninyo, noong bago akong upo, tinanong sa akin, ano ang pangarap ko sa aking termino bilang Presidente? Ay, ang sagot ko, sana naman magawa natin na pag-alis ko bilang Pangulo ay wala nang gutom na Pilipino. Kaya po may mga programa tayong ganito. [applause]

Sa programang ito, magkasama po ang food assistance, ‘yung pagbigay po ng mura na pagkain; nutrition education, na nakakaunawa kung ano ang mga kailangan na kainin na iba’t ibang klaseng pagkain para maging malakas po ang ating katawan, matibay po ang ating kalusugan. At…

Ngunit dito sa Walang Gutong Program, ang bawat pamilya ay may credit – nakakatanggap halos ng P3,000. At ito ay food credit na nandiyan po sa inyong EBT card. Ginagawa po natin pinakamadali para nandoon lahat nasa  –imbes na…

Dati nagsimula ito mayroon pa tayong kaunting notebook eh. May notebook tayo na gano’n. Ngayon, hina-high – high-tech na po tayo ngayon.

Kaya mayroon na lang kayong card. At susunod, ay ‘yung tiningnan namin na sistema na imbes na kailangan pang mag-rehistro – imbes na maglagay doon sa parang booklet, ay diyan na lang po sa computer. Kayang-kaya po. Tuturuan po kayo namin kung papaano gawin.

Napakasimple lang po. Hindi po kayo dapat magulat. Kayang-kaya po ninyo magawa ‘yan. Kaya bukod pa diyan, kinokonekta na rin po natin na para hindi – ‘yung pagbayad, puwede na ninyo ikonekta sa GCash, itong – ‘yung pambayad. Para lahat eh ginagawa sa telepono o sa computer, para mas madali.

Bumaba na po – dahil dito sa programang ito, bumaba na po ang hunger rate, ang mga gutom sa household beneficiary. Lahat po sa benepisyaryo natin, bumaba na po ang gutom. [applause]

Dati, dati sa… Noong Oktubre, noong nakaraan na taon, ay 48.7 percent – 48.7 percent po ang sinasabing a hunger rate na ginugutom pa.

Dahil sa programang ito, ‘yang numerong ‘yan ay bumaba na po at naging 41.5 percent itong Marso ng 2025. [applause] 

Palagay ko, pagkatapos ng taon, makikita natin mas bababa pa. Dahan-dahan po na natutupad po ang pangarap po ng inyong Pangulo, ang pangarap po ng lahat ng Pilipino na wala nang ginugutom na pamilya dito sa atin.

Kaya’t magpapasalamat… I’d like to thank of course the ADB [applause]  because this is their program, the Agence Française de Développement (AFD), and the OPEC Fund for all their assistance for what they have done here. Ito po ay programa nila, dinala nila sa atin, at tayo naman, in-adopt po natin.

Kaya’t magpapasalamat. Kaya pagka dumaan po kayo dito sa ating mga kaibigan, eh pasalamatan naman ninyo. [applause] 

Sa tulong ninyo, ay layunin na na – dadami po ng… Sa ngayon, ay 600, ay… Dadami na sa 2026, sa susunod na taon, dadami na sa 600,000 ang magiging benepisyaryo ng Walang Gutom Program. [applause] 

At siguro pagdating ng 2027, paabutin na po natin ng 750,000 na pamilya. [applause] Kaya’t maaabot na natin dahil po ang hangarin namin ay umabot sa ‘yung 1 million. ‘Yung pinaka mahirap na 1 million na pamilya.

Eh dahan-dahan po dahil siyempre ginagawa pa rin po natin ‘yung sistema. Dahan-dahan po maaabot na natin lahat ng poorest, pinakamahirap na 1 million na pamilya ay makukuberan (cover) nitong ating programa.

Kaya patuloy natin. Maganda naman ang naging resulta. Kaya patuloy natin ang ating pagbigay ng tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. At kami po ay tuloy-tuloy na ginagawa – kumukuha po kami ng impormasyon para malaman namin wala naman po na dapat kasama sa programa na hindi makita.

Kaya inaayos po natin lahat ng impormasyon para wala naman sa ating mga kababayan ng kailangan ng tulong na hindi natin natutulungan.

Kaya titiyakin po natin na lahat ng ating kababayan na nangangailangan ay maisama sa programa.

Mayroon din po tayo, para na… Mag –isasamantala ko na po itong pagkikita natin. At mayroon po tayong mga iba’t ibang programa para sa feeding, para sa pagpakain.

Mayroon po, baka hindi ninyo po alam, mayroon tayong programa na tinatawag First 1,000 Days. And the First 1,000 Days, ang pagbilang niyan, it starts from conception. Nagsisimula ‘yung 1,000 Days sa pagka nabuntis na ang nanay.

So, buntis pa lang, nandiyan na ang programang ito. Ito, mga buntis at ang kanilang anak may edad na 0 hanggang 2 taon ay kasama – na kasama sa 4Ps, makakatanggap ng P350 kada buwan para suportahan ang nutrisyon ng kalusugan ng ating mga anak, mga bata.

Dahil po eh ‘yun ang nagiging parang – ‘yung tinatawag na stunting, hindi po lumalaki ‘yung ating mga anak dahil kulang sa kain. At kung minsan masyadong madalas magkasakit dahil po ‘yung ganoon din. Hindi po nakakakain ng magandang – na dekalidad na pagkain at saka hindi balansyado ang kain nila. Kaya’t…

Mayroon din po tayong Supplemental Feeding Program. Ito naman ay binibigyan natin ng pagkain at gatas ang mga batang naka-enroll sa mga Child Development Center. Kung saan po tayo nag-aalaga ng mga maliliit na bata ay mayroon ding feeding program ‘yan.

Pagka pumasok naman sa eskwelahan at kulang ang pagkain nung estudyante, mayroon din po tayo – ang DepEd po, mayroon ding feeding program po sa kanila.

Dahil isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit hindi makapag-aral nang mabuti ang mga bata ay dahil may sakit. Napakasimple lang. Kaya… Eh may sakit dahil mahina ang kain, hindi maganda ‘yung kinakain.

Kaya tinitiyak natin na ang mga estudyante natin ay nabibigyan nang sapat na pagkain para makapag-aral naman sila nang mabuti, makapag-training sila nang mabuti, at maging matagumpay naman sila sa kanilang gawain.

Ito ay para sa mga tinatawag na malnourished, ‘yung kulang talaga sa pagkain. Ito ‘yung programa para doon sa mga estudyante naman.

Kaya tinitiyak po ng inyong pamahalaan na lahat po ng pangangailangan, lalong-lalo na ang ating mga kabataan, ay kailangan natin tulungan at bigyan ng lahat ng pagkakataon upang makabili ng ganitong klaseng mga magandang

produkto at makapagbigay sa inyong mga pamilya, sa inyong mga anak, ng balansyadong kain para kumpleto po.

Para lumaki nang maganda. Para rin ‘yung pag-develop po nung utak ng bata ay maganda. Kaya po namin – isa sa dahilan ito kung bakit…

Dahil po ang bata, ang development, kung kailan lumalaki at nagiging importante ‘yung utak, mula sa one years old hanggang six-seven years old ang pag-develop po ng utak ng bata.

Kaya’t inaalalayan natin mabuti ‘yan. Kaya’t mabuti na lang mayroon tayong programa nito. Makakatiyak tayo na ang ating mga kabataan ay ready po sila pumasok sa eskwelahan. At pagkatapos ng eskwelahan ay ready po sila na maging bahagi ng ating lipunan at sila po ay magiging malusog, sila po ay magiging malakas, sila po ay makakatulong po sa kabutihan, kagandahan ng ating minamahal na Pilipinas.

Maraming salamat po.

Magandang umaga po sa inyo lahat. [applause]

— END —