Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inspection of the Camalaniugan Bridge

Speeches 14 October 2025

Good morning.

Nandito ngayon tayo sa Cagayan para tingnan at inspeksyunin itong ginagawang tulay sa Camalaniugan, which is the town in that direction.

Ito pagpunta mo rito, ‘pag natapos na ito, Aparri ang bagsak nito. Well, Aparri hanggang diyan pero Aparri ang bagsak – ang lagpas mo rito. At ito ‘pag tinuloy mo ito, sa amin na ang bagsak, sa Ilocos Norte.

We are looking at one of the most beautiful bridges that we have created in the Philippines. And I’m happy to note that it was done as well in time and it was done properly.

The design was done locally. Kaya kahit parang ginaya ‘yung mga tulay sa ibang bansa ay talagang ito lahat galing sa atin.

At bukod pa doon, ipinagmamalaki ng ating mga mayor na kung titingnan ninyo mayroon diyang flood control at ang pagkasabi niya sa akin ganyan ang itsura ng tamang flood control.

Kaya dito sa Cagayan thank you – sa ating mga mayor, sa ating mga chief executives, nandito si Gov. Egay Aglipay. [applause] Binabantayan nila nang mabuti itong malalaking project para hindi masabi na nagkaproblema, na-ghost project, na hindi natapos, iyong mga nakikita nating problema sa ibang project kung minsan.

Kaya nakakatuwa na makita natin na kung ano ang tunay na kakayahan ng pamahalaan kung talagang lahat ng bawat – tiyakin na ang bawat sentimo ay mapunta sa tama.

Kaya mabuhay kayong lahat sa inyong ginawa dito. Congratulations sa ating mga local executives at siyempre sa ating mga – sa Secretary Vince na siya ang nag-monitor about this. Pinuntahan nga nila ito noong ano pa – about three months ago? [DPWH Sec. Vince Dizon: Last week po, last week lang.]

So, sana mabuksan natin by Christmas ito. Humanda ka na. [applause] [Crowd: Thank you. Salamat, Presidente! Salamat]

Malaking bagay ito kasi Aparri- Claveria – Aparri – Ballesteros, hanggang Ballesteros mayroon ng magandang daan. Anim na libo ang dadaan dito bawat isang araw.

So, madami talagang traffic. Tamang-tama nandiyan ‘yung Aparri Port. Lahat nung mga gamit na dati kung saan-saan – ang layo ng dinadaanan, eh ngayon dito 20 minutes na lang.

Kaya sige, balikan natin ito. Balik tayo rito sa ribbon-cutting. [applause]

— END —