Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr.
Mga kababayan, alam natin kung gaano kamahal ang panganganak. May check-up, laboratory tests, ospital, at gamot.
Kapag kinulang ang pera, napipilitan tayo maghintay o magtipid. Dito nagsisimula ang panganib.
Maraming ina ang nanganganak na walang doktor. Hindi dahil ayaw nila ng tamang pang-alaga, kung hindi dahil hindi nila kaya ang paggastos.
Ito ang nais natin baguhin.
Simula ng April 30, mas pinalawak at mas mataas na ang maternity benefit ng PhilHealth.
Para sa normal na delivery sa ospital, mula PhP9,750, magiging PhP29,000 na ang sasagutin.
Para naman sa cesarean section, mula PhP37,000 ay magiging PhP58,000 hanggang PhP62,000 na.
Sa maraming pagkakataon, kung sa ward manganganak, kahit sa private hospital, maari ng wala ng babayaran paglabas.
Pinalawak din ang prenatal care mula apat na check-up, magiging walo na ang sasagutin ng PhilHealth, kasama na ang mga bakuna at saka laboratory tests.
At pagkatapos naman manganak, may tatlong follow-up visit na sakop na rin.
Simple lamang ang ating layunin, nais natin na matiyak na ang bawat ina ay makakapagpanganak nang ligtas at hindi nag-aalala kung saan kukuha ng pambayad.
Nais natin na walang buhay ang malalagay sa panganib dahil lamang sa kakulangan ng pera.
Maraming salamat po.
— END —