Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr.
Magandang araw po sa inyong lahat at magbibigay na ako sa inyo ng pahayag tungkol sa kalagayan ni Zaldy Co.
Nananatili po siya sa kustodiya ng Czech Republic at isinasagawa natin ang lahat ng mga kinakailangang hakbang para sa kanyang pagbalik dito sa Pilipinas.
Inutusan ko ang Department of Justice kasama ang Department of Foreign Affairs na pangunahan ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Czech Republic upang matiyak na maayos at naayon sa proseso ang lahat ng kinakailangan.
Magpapadala rin ng high level coordination team upang tutukan ito.
Ang ganitong mga proseso ay may sinusunod na mga legal na hakbang sa pagitan ng mga bansa kaya’t nangangailangan na sapat na panahon upang maisagawa ng tama.
We will bring Zaldy Co home and we will do so in accordance with the law. He will answer to the Filipino people.
Maraming salamat po.
— END —