Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr.
Magandang araw po sa ating mga minamahal na kababayan.
Mayroon po akong ibabalita sa inyo.
Simula Martes, Abril 14, may malaking rollback sa presyo ng langis.
Mahigit dalawampung piso ang ibaba sa diesel; ang gasolina naman may bawas na PhP4.43 kada litro; Kerosene, PhP8.50 kadal litro ang ibababa.
Malaking tulong ito lalo na sa ating mga drayber, sa mga komyuter, at sa bawat pamilyang Pilipino na araw-araw naaapektuhan ng mataas na presyo ng krudo.
Hindi pa ito sapat kaya tuloy-tuloy naman ang ginagawa ng inyong pamahalaan para maibsan ang epekto nito sa inyong pang-araw-araw na buhay.
Hindi po tayo titigil hanggaโt hindi natin napababa ang gastos sa biyahe, sa pagkain, at sa kabuoang pammumuhay ng ating mga kababayan.
Sa mga susunod na araw at linggo, may iaanunsyo po ako na mga dagdag na hakbang at tulong mula sa gobyerno.
Hindi natin hahayaang mapabayaan ang bawat Pilipino sa gitna ng mga hamong ito.
Kaya tuloy-tuloy ang trabaho ng pamahalaan nang may maramdaman na ginhawa ang bawat pamilya. At โyan ang tinututukan namin araw-araw.
Maraming salamat po.
โ END โ