Statement by President Ferdinand R. Marcos Jr.
Mga kababayan, nagpulong muli ang UPLIFT Committee upang talakayin ang pinakahuling development na nangyari sa Middle East, pati na ang mga hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto nito sa ating bansaโlalong-lalo na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
Kaya naman simula April 15, ipapatupad ng DOTr ang Service Contracting Program. Sa ilalim ng programang ito, babayaran namin ang ating mga operator at driver ng mula PhP40 hanggang Php100 kada kilometro. Dagdag ito sa kanilang kita mula sa pamasahe.
Para naman sa mga commuter, may kasamang hindi bababa sa 20 porsyento na diskwento sa pamasahe. Ang mga ruta ay nakatuon sa mga lugar na may koneksyon sa tren at pangunahing mga bus route upang maging mas maayos, mabilis at maaasahan ang biyahe.
Ipapatupad ito sa buong bansa. Sasaklaw sa humigit-kumulang 50,000 na PUV, 1,000 operator at aabot sa 15 milyong pasahero.
Ang Service Contracting Program ay ipapatupad sa off-peak hours upang masigurong may masasakyan pa rin ang ating mga kababayan kahit hindi sa rush hour.
Lahat ng sasali ay may GPS monitoring para naman matiyak na actual ang biyahe at maayos ang serbisyo. Patuloy ang biyahe, patuloy ang hanap buhay.
Hindi pa tayo titigil doon.
Magpapatupad tayo ng PhP10 kada litro na bawas para sa public utility vehicle na may maximum na 150 liters kada linggo sa loob ng tatlong buwan.
Sisimulan muna natin ito sa NCR sa susunod na linggo. Una sa Commonwealth, palalawakin natin ito sa mga susunod na araw sa Quezon Avenue, Espaรฑa, Zapote, A. Bonifacio, Rizal, at Marcos Highway hanggang mapalawak natin ito sa buong bansa.
Mahalaga ito dahil hindi lang transport cost ang tinutugunan natin. Pinipigilan din natin ang pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin.
Ang fuel subsidy ay ipapatupad lamang sa mga lehitimong gasoline station na aprubado at mino-monitor ng Department of Energy upang masigurong mapupunta ito sa tama at hindi ito maabuso.
Ginagawa natin itong lahat para manatiling maayos ang takbo ng inyong araw-araw na buhay.
Ang bawat desisyon na ginagawa natin ay may isang layunin lamang: maprotektahan ang Pilipino.
Maraming salamat po.
โ END โ