Speech of President R. Marcos Jr. during Bawat Bayan Makikinabang: South Cotabato and Cotabato Province
Maraming maraming salamat sa ating Special Assistant to the President, Secretary Anton Lagdameo, sa ating mga local government officials ng South Cotabato at ng Cotabato na nandito ngayon, at sa ating mga beneficiaries ng ating Presidential Scholars kung tawagin ngayon, at sa lahat ng ating mga minamahal na kababayan, maayong adlaw sa inyong tanan.
Magandang hapon po!
Ako po…Una-una po, bago po pag-usapan ang bagong programa na dinadala namin dito, yung Bawat Bayan ay Makikinabang, mapag-usapan ko muna yung ating mga nagawa dahil po ay noong isang linggo nakatanggap ako ng tawag sa gobernador, kay Gov. Jun Tamayo (Reynaldo Tamayo Jr.) na sabi nya tinamaan kami ng malakas na lindol.
Nagtawag ako sa lahat ng mga local government units para malaman kung ano ba talaga ang naging pangyayari.
At nagulat naman kami lahat na napakalakas pala ng lindol na dinaanan at pumunta kaagad ako sa GenSan. At dumaan din ako sa mga iba’t ibang lugar hanggang napasok namin yung Glan (Sarangani) dahil yun ang naging isolated na bayan.
At nagdala kami ng tulong, kabilang nito ay ang South Cotabato may mga maraming naapektuhan. Dito sa datos namin, nakalagay dito 21,000 na pamilya at saka 170 na barangay at nagdeklara ng state of calamity kaagad.
Kaya’t pagdeklara ng state of calamity na ibaba namin kaagad ang QRF. Ang QRF tinatawag yan Quick Response Fund at P20 million kaagad ang naipadala namin para magamit para sa mga kagamitan na pangangailangan lalo na yung mga nasirang, mga nasirang mga bahay at na-evacuate. Napunta sila sa mga evacuation center.
At tiniyak namin na ang DSWD ay dumating agad at saka DOH para tingnan kung ano yung mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
At ito kaagad, aming binigyan ng tulong.
Hanggang ngayon, galing lang kami sa isang Walang Gutom Program, kasama ko si Secretary Rex Gatchalian ng DSWD at naghiwalay kami, babalik na naman siya sa mga, babalik yata siya sa Glan para tignan ulit kung ano na ang kalagayan ng ating mga evacuees.
Dahil kahit wala nang lindol at kailangan natin i-assess yung mga iba’t ibang imprastraktura, yung mga pwede pang gamitin, yung mga hindi na pwedeng gamitin, at ano pa yung mga pangangailangan.
Sa kasalukuyan, nagbibigay na tayo ng cash transfer dahil tapos na yung relief phase at nakapasok na tayo, nakapagbigay tayo ng pangapak para sa pagkain.
Yung mga nasaktan ay nabigyan na ng dapat ng patingin sa ating mga medical team, at meron pa ngayon, para makabalik ang ating mga kababayan na sira ang bahay, kahit totally destroyed o partially destroyed, yung pong binibigay po natin na cash para may magamit sila, pampabili ng gamit para mapatayo ulit yung bahay nila o maayos nila yung kanilang mga nasirang bahay.
Kaya’t asahan po ninyo, patuloy po nating ginagawa.
Pinalitan din natin yung sistema ng QRF. Dati quick response man, pero isang taon bago mo makita.
Kaya’t pinatibay namin yung sistema para mas mabilis ang pagbaba ng QRF at ang assessment ginagawa na ngayon ng CDO. Dahil yung CDO imbis na maghintay ng team galing sa Maynila, para mag-assess kung ano yung kinakailangan gawin at mag-aantay ng QRF, ginagamit na namin yung mga CDO dahil sila ay nandiyan na.
So yung mga report nila yung ginagamit namin kung saan pupunta yung QRF. Kaya napabilis ang ating pagbaba.
Kaya aasahan po ninyo na patuloy ang ating pagtulong sa lahat ng mga naadamay at naging biktima ng napakalakas na lindol.
Siguro yung mga bata rito hindi na maalala na nagkaroon dati. Naalala ko sinama ako ng Father ko 1976, 1976, yung napakalakas, nagka-lindol, pero ang talagang maraming namatay sa tsunami, sa sa tidal wave. Dalawang libo ang naging ano natin noon.
Kaya’t talaga yun. Kaya nung nasabi sa akin na nagkaroon ng napakalakas na lindol na nakasentro dito sa inyo, sabi ko nakalala ko gaano kalaki ang kahirapan na dinaanan ng mga tao. Kaya tiniyak ko po na mapabilis ang pagdating ng tulong sa kanila. [applause]…
Isa pang sadya ko rito ay para tingnan ang pagkadistribusyon dito sa ating programa ng Bawat Bayan ay Makikinabang.
Ano ba ang ibig sabihin niyan, dalawang bagay po yan. Meron pong kasi, dati pa, matagal na ito, merong tinatawag na LGSF, Local Government Support Fund. Ito ay pondo para talaga ibibigay sa ating mga local government units.
Yun lang, sa nakalulong na taon ay hindi nagagamit sa local government kung saan-saan nagagamit yung pondo, kung saan-saan napupunta.
Alam ko yan dahil naging gobernador din ako eh. Gobernador ako sa Ilocos Norte na siyam na taon. Sa siyam na taon na gobernador ko, wala ako nakitang kahit na isang kusing sa LGSF na yan.
Pinatanong ko yung mga kapwa gobernador, sabi ko sa kanila, saan mapapababa ang pondo? Papaano ba tayo maka-avail, makahingi?
Sabi nila, hindi ,naman walang sistema. Basta kung sino, kung sino, medyo malakas sa Palasyo, malakas sa Malacañang, kung makalapit sila, yung ang nabibigyan. Pero walang sistema.
Kaya sabi ko, ito na yung pagkakataon ko na paguhin yung sistema para mapunta sa LGSF sa local government.
Kaya ang ginawa po natin, mga LGSF, at diniretso na natin sa ating mga gobernador, sa ating mga mayor, para meron silang magamit para sa kanilang mga inisyatibo.
Kasama po dyan sa proyekto yan, yung ating ibinibigay na bigas na tig sasampung-kilo na sako ng bigas para sa mga nangangailangan ng tulong dahil hindi sila nakakatiyak sa kanila pagkain sa araw-araw
Yan ang amin inuna, yannpong listahan iyon, kung sino ang magbibigay ng local government support fund, sino ang magpapadala, sino ang magbibigay ng bigas, ay kinuha po natin sa mga mayor, kinuha po natin sa mga barangay chairman at sa mga gobernador upang matiyak na…
Kasi kung idadaan po natin sa national government ulit, alam nyo naman pagka dumaan sa national, magpapadala pa kami ng tao, magpapadala ng taga-assess pa sila, mag-i-interview-interview sila. Napakatagal.
Sabi ko nga, sabi ko na naging karanasan ko bilang gobernador, sabi hindi na natin kailangan mag-assess. In-assess na namin yan sa local, alam na namin yan, nasa file na namin yan, araw-araw namin tinitignan yung file na yan.
Kaya hihingiin nyo na lang sa local government. Yan ang aming ginawa. Binigay na lang namin yung pondo sa local government at sabi ko sa kanila, kayo na ang bahala. Kayo na ang bahala dahil ang pinakakatiyak. At sabi ko naman, mas nakakasigurado na hindi magiging kagaya ng mga flood control na alanganin.
Dahil ang mga local government, pag hindi magandang trabaho, sisitahin nyo lahat. Pupuntahan kayo, kakatukin kayo sa bahay nyo, sasabihin bakit yung project ninyo walang kwenta. Yan ang dahilan, yan ang safety.
Kaya mas malakas ang loob ko na magbigay sa ating mga local government.
Alam kong nanakapagtayang taongbayan at alam ko naman na ang mga local government ay talagang tapat sa kanilang serbisyo sa tao.
Kaya’t iyon ang dahil matagal ko na rin po sinasabi, senador pa lang ako, kongresman pa ako, sinasabi ko na sa aking mga kasamahan, dapat mas maganda at mas malapit ang ugnayan ng national government at saka ng local government.
Dahil ang daming pwedeng gawin kapag maganda ang koordinasyon at ang tulungan ng national government at saka ng local government.
Kaya binago ko yung sistema, kaya ngayon ay masasabi ko na napakalapit na, malapit na yung pagsasama at maganda na ang pagsasama ng ating mga local government unit at saka ng national government.
Dahil kahit napakarami ang ahensya ng national government, hindi talaga kaya ang buong bansa na mapabilis na tulungan.
Eh ang dami-dami nating, ang dami-dami nating, we have 42,000 plus local government units sa Pilipinas. Lahat yan may local government executive. Lahat yan may Sangguniang. Lahat yan may mga katulong, may mga NGO. Kaya dapat magamit natin at dapat at adapat pagtulungan tayo.
Kaya po, yang pong ating ginawa, dyan po nauna, doon po sa LGSF.
Ito naman para sa mga barangay, ganoon din po. Kasi ang naranasan ko nung gobernador ako, lahat ng mga sa bara-barangay, siyempre mayroon silang 10 percent doon sa IRA share. Pero ang katotohanan ang nangyayari, pag may kailangan ang barangay chairman, sagot sa kanila yung ulan, nagamit na eh.
Wala na kaming maibigay dahil napunta sa ganito, nagka-emergency, nagkasakuna. So walang magamit ang mga barangay opisyal.
Sabi ko, itong gawin natin, may pondo naman ang national government, gamitin na natin para tulungan natin ang mga barangay.
At sa ganung paraan, nag-release po kami ng bilyon-bilyon na piso at ginawa po namin lahat ng bawat barangay ay binigyan natin ng 200,000 piso para meron silang magamit. [applause]…
Ang hiningi lang natin sa ating mga barangay opisyal, ang hiningi lang namin ay kalahati doon sa 200,000 ay gamitin nila para sa scholarship at mamili ng bawat barangay mamili ng limang scholars.
So bawat barangay may limang scholars. At yung scholar na yan makakatanggap ng 20,000 piso para magamit nila sa kanilang pag-aaral.
At ang sabi ko sa kanila, mamili kayo ng mga estudyante na malapit na magtapos, pero baka hindi matapos dahil kulang ang pambayad o kailangan magtrabaho, o kung ano mang dahilan.
At kung makatulong ng 20,000 piso, ay sana naman magkaroon sila ng tuloy-tuloy na pag-aaral at meron silang magagamit para hanggang makapagtapos sila. At ito po ay aming naging programa, kaya nandito ko na meron akong nakita ng mga …tawag po namin sa kanila yung mga presidential scholar.
Kaya sinasabi ko sa mga presidential scholar, gamitin nyo ito at mapakinabangan ninyo ito. Dahil ito ay ang pinakamahalagang maibibigay ng pamahalaan sa inyo.
Magandang pag-aaral, Meron kayong napag-aralan, meron kayong magandang edukasyon, meron kayong magandang training, at sa ganung paraan, ito ay isang kayamanan, Lagi kong sinasabi sa ating mga estudyante, kailangan na ipapakinabangan ninyo ito dahil ang pag-aaral… pag maganda ang training, makapagaganda ng pinag-aralan, marami kang alam, marami kang alam na gawin, ay makakapaganda ninyo ng inyong mga sarili na buhay.
Mapapaganda ninyo ang mga buhay ng inyong mga pamilya, mapapaganda ninyo ang inyong komunidad dahil makakatulong kayo sa pagpapaganda ng inyong komunidad.
At sa ganung paraan ay ang buong Pilipinas din ay makakaramdam ng kagandahan para naman ay mapa-ahon natin ng mabuti ang Pilipinas.
Kaya sinasabi namin sa 42,000, we have 5 scholars, ang mangyayari diyan ay hanggang 210,000 kada bawat taon meron tayong scholar.
At tuloy-tuloy po yan, hindi lang po isa-isa na dito, tuloy-tuloy po yan.
At kaya yun ang sinasabi natin sa ating mga barangay official, tiyakin ninyo na meron na mapakatapos naman ang ating mga kababayan dahil ang pinakamahalaga, ang pinakamahalaga na maibibigay natin sa ating mga kabataan ay ang magandang edukasyon.
Hindi lamang para pagandahin ang kanilang buhay, hindi lamang para pagandahin ang buong Pilipinas, kundi rin paghandahin sila para pagdating ng panahon, pagdarating ang panahon, ang inyong mga bata, akala ninyo matagal pa yan, malapit na yan.
Pagdadarating ang araw na kami na aking mga gurang wala na …[laughter].., hindi na kami puwede. Kailangan kayo na.
Kailangan nakaready kayo. Marami na kayong pinag-aralan, marami na kayong nasubukan, marami na kayong naranasan, ay kailangan nakahanda kayo para kayo na ang magiging leader, kayo na ang magpapatakbo ng buong Pilipinas, hindi lang po sa gobyerno, kundi sa mga private sector.
Lahat diyan ay kailangan meron kayong natutunan. Kaya gamitin ninyo ng mabuti ito.
Gamitin ninyo upang magkaroon kayo ng magandang training, upang maging mas magandang buhay ninyo, upang maging mas magandang buhay ng mga pamilya ninyo, upang maging mas maganda ang buhay ninyo, upang maging mas maganda ang buhay ng mga pamilya ninyo, upang maging mas maganda at mapaganda ninyo ang komunidad ninyo.
Napakalaki na kayamanan ito, at ito ay isang ibang klaseng kayamanan ito.
Ang kayamanan na ito, na pag nasa inyo na, at nasa ulo na ninyo ang inyong pinag-aralan, kahit anong mangyari, hindi yan malulusaw, hindi yan mawawala, walang pwedeng mag-agaw sa inyo at walang pwedeng mag-agaw na kaalaman ninyo sa inyo, walang pwedeng magnakaw niyan ng kayamanan na yan.
Kaya gamitin ninyo sa tama, gamitin ninyo, mag-aral kayo ng mabuti, at patuloy ninyo hanggang kayo ay magtapos.
At lagi kong sinasabi, ay makita naman tayo, makita tayo ulit pag meron na kayo mga diploma. Yun ang aking pangarap.
Salamat din sa mga barangay official, e yung natirang 100,000 ay kayo na bahala doon. Nasa inyo na, nasa inyo na ang initiative kung saan niyo gagamitin.
Yung mga nakita namin na napuntahan namin ng mga ibang barangay, ay ang ginawa nila, yung barangay bumili ng sasakyan para meron silang pampatrol. Yung iba bumili rin ng bigas, bigas din ang binili para maibigay sa tao.
At sari-sari, sari-saring din ng pera, ginamit niyo ang pera yan. Kaya magamit naman natin yung may initiative ng local government official, mga barangay official, dahil yan din, ganoon na naman.
Malakas ang loob ko dahil kayo ang nakakaalam, mga barangay official, ang nakakaalam ng mabuti kung ano ang sitwasyon sa kanilang lugar.
Wala nang mas marunong sa inyo tungkol doon sa lugar sa barangay ninyo. Wala nang mas nakakaalam kung ano ang mga kailangan ng mga constituents ninyo.
At kayo pa rin ang makakaalam kung ano ang problema man, kung ano ang mga solusyon na pwedeng gawin para pagandahin nga, para mas masolusyonan ang mga problema ninyo.
Kaya kami iniiiwan natin sa mga mga inisyatibo ninyo kung saan nyo gustong ilagay, gustong ilagay sa scholarship, gusto ninyo sa rice support program, gusto nyong gawin ang inyong kasanla, whatever, nasa sa inyo na yan.
At alam ninyo yung inyong pangangailangan. Patuloy po ito at lagi kong sinasabi dito sa dalawang proyektong ito, sa LGSF at saka para sa mga barangay, ang tawag-tawag natin dyan ay Socio-Civic Development Program, SCDP.
Ito po ay sinasabi ko sa lahat ng ating mga local officials. Kapag ito, unang panahon pa lang ito eh.
Kapag maganda ang takbo at maayos ang ating ugnayan, National Government at saka ng local government, asahan ninyo, sa susunod na taon, tataasan pa namin yung budget na yan para mas madami pa tayong matutulungan.
Yan lang naman po ang nakita ko na pananaw at nandito na po ang mga scholar natin, nandito na ang ating mga local government executives at iba’t ibang constituency.
At sa aking palagay, makakatulong ito. At asahan po ninyo, ang inyong pamahalaan ay hindi lang po kami nag-uutos sa inyo at sinasabi sa inyo, ito ang gagawin.
Kami ay nakikinig din. Nakikinig kami sa inyo kung ano ang sa palagay ninyo ang mga kulang, ang mga kailangang pang-gawin, para masulusyunan sa mga problemang nakikita natin. At kung kayo, huwag kayong magdadalawang isip. Huwag kayong magdadalawang isip
Lapitan po ninyo ang inyong chairman, lapitan ninyo ang inyong mayor, lapitan ninyo ang inyong governor at sabihin ninyo, yung mga government agency pati, sabihin ninyo. At kung kayang gawin ng pamahalaan, gagawin natin.
Hangga’t kaya naming gawin, gagawin namin ito para makatulong po sa ating mga kababayan.
Yun lamang po at sana naman po ito ay makakabuti sa inyong mga kabuhayan, sana po ito ay makatulong sa inyo, sa inyong mga pamilya. At itong po ay aming handog mula sa Bagong Pilipinas.
Maraming maraming salamat po.
— END —