Speech of President Ferdinand R. Marcos Jr. Inauguration of the Antong Dam and Irrigation System Project Sultan Kudarat

Speeches 25 June 2026

Maraming maraming salamat sa ating (NIA) Administrator Eddie Guillen.

[magsiupo po tayo]

Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangundadatu, Lutayan Municipal Mayor Datu Yassin Mangundadatu, at maraming pong kasama na kasama ng mga miyembro ng Gabinete.

Nandito po ang ating Special Assistant to the President, Secretary Anton Lagdameo, siya po ang ang katotohanan po, noong nagka-problema dito at sinasabi na napakabagal ang release ng pondo para sa rehabilitation nitong Atong Dam, si Anton ang nagsabi sa akin kailangan nating pabilisin at masyadong mahina ang pag release ng pondo.

At kung titignan po ninyo, ang buong project cost nito umabot ng isang bilyon, bago kami nakaupo ay ang ni release lang ay isang-daang milyon, isang-daang milyon, aabot ng sampung taon bago tayo nakabuo .

Kaya ginawa ko sabi ko sa kanila bilisan na ninyo, hindi maaring mag antay ang mga magsasaka dito sa Sultan Kudarat ng sampung taon. [applause]..

Kaya’t natapos natin mula 2021 nasira ay natapos na natin 2026 napabilis natin ng kaunti,  nakita naman natin maganda ang naging resulta.

Andyan din po ang ating Department of Agriculture Secretary Kiko Laurel, at kasama rin po natin sya sa mga ganitong klase proyekto dahil ang benipisyaryo talaga ay ang ating mga magsasaka,  kaya nandito po sya.

Mayroon din po kating binuksan na project są South Cotabato na para kami bumibili ng produkto sa ating mga farmer, tinatanggal na natin yung middleman at binibigay namin sa DSWD para sa pagpapakain sa Walang Gutom Program.

At babatiin ko rin ang ating mga Local Government Officials mga mayor, syempre ang mga benipisyaryo, yung mga association, irrigators association na nadito, mga kooperatiba na nandito, sila nagrepresent sa ibat-ibang grupo ng mga magsasaka, lahat ng ating mga minamahal na kababayan.

Maayong adlaw sa inyong tanan…Magandang tanghali po inyong lahat.

Isa pong karangalan para sa akin na makarating dito sa Sultan Kudarat dahil alam ko po na napakahirap na pinagdaanan ng mga magsasaka dito sa nakaraang ilang taon, hindi naging madali ang pinagdaanan ninyo.

Dahil noong 2021 nga, matinding pagsubok na nangyari sa atin dahil sunod-sunod, tuloy-tuloy ang pag-ulan, hindi na natigil ang pag-ulan at talagang wala, sinira na yung dating Antong Dam na erode na, kaya tinatanong ko kay Admin Guillen, sabi ko nga sa kanya, bakit hindi natin naayos na lang luma?

Ika nya, talagang nasira na yung ilalim wala nang pagpapatungan yung dam kaya nailipat dito na ginawa. Pero ang laking bagay alam naman po natin para sa pagsasaka ang pinakamahalaga ay ang patubig.

Kung walang magandang patubig ay wala tayong maasahan są ating ani at umaasa lang tayo sa ulan, umaasa lang tayo kumukuha sa well, kumukuha sa ilog, kulang na kulang po yan, kaya maganda na magkakaroon tayo ng gangtong klase na mga pasilidad.

Dahil dito, naantala ang patubig dahil sa nasira noon 2021, naapektuhan ang ani ninyo at ang pamilya ninyo ay naramdaman ang kahirapan dahil nga sa mga pagkukulang ng irigasyon.

Ngayon naman, sinasabihan po tayo, na binibigay sa ating mga datos na mayroon tayong hinaharap na sabi nila, siyamnapu… 90 percent ang possibility na magkakaroon ng El Nino.

Ibig sabihin pag nangyari uli yan haharap naman tayo sa tagtuyot balik na naman tayo sa dating problema.

Kaya’t sinabi ko sa Department of Agriculture at sinabi ko sa National Irrigation Administration ay bilisan na ninyo ang pagtatayo ng ating mga irrigation system.

Kagaya nang sinabi ni Eddie Guillen, hindi lang po ito lahat sa buong pilipinas nagtatayo tayo ng ganito upang ang mga magsasaka mas maganda ang magiging ani at ibang lugar na dalawang beses lang nagtatanim sa isang taon , nagkakapag tatlo – three planting (season) na.

Napakalaking bagay yon hindi lang para sa hanapbuhay ng mga magsasaka kundi pati rin sa food supply ng ating mga kababayan.

Kailangang mas mabilis, mas malawak, at mas matibay pa ang pagtatayo ng mga dam at irigasyon upang mapalakas ang agrikultura at makamit ang sapat na suplay ng pagkain sa ating mga kababayan.

Kaya narito tayo ngayon upang pormal na buksan panibagong ang rehabilitation project ng Antong Dam at masimulan na natin, kaya’t yan po ang ginawa naming, binuksan na po namin ang west gate para gumana, dumaloy na ang tubig.

{applause}

Mayroong higit sa isang libo’t limangdaang (1,563.09) na ektarya ng lupang sakahan ang mapapatubigan nito at kagaya ng nabanggit, meron pang expansion, magtatayo pa ng canal na ilang kilometro — mga ganun— para sa karadagang 700 hectares na papatubigan.

Magkakaroon na ng sapat na suplay ng tubig na magpapataas ng produksyon ng palay, saging, pakwan, gulay, mais, at iba pang pananim.

At ang pinakamahalaga sa lahat ay maibabalik na natin ang dating dalawang beses na pagtatanim kada taon.

Ngayon, mayroon na kayong maaasahan na patubig sa inyong mga sakahan.

Dahil  sa maraming residente at mag-aaral dito ay  kailangang tumawid at dumadaan dito {sa sapa araw-araw,} sinama na rin nila itong tulay, wala po są project yan nung una namin nakita wala pong pina uusapan na tulay, nagulat nga ako pagdating ko dito may tulay na eh. Inisyatibo na lang ng NIA yan ginawa nila at  isa na sa pinaka magandang footbridge na nakita ko sa buong Pilipinas.

[applause}

Bukod pa riyan, inayos na rin natin ang mga kalsada at mga lumang pasilidad upang magkaroon ng maayos at matatag na daloy ng tubig at imprastrakturang kayang tumagal sa lahat ng panahon.

Higit pa rito, ipinapakita natin ang pangako ng pamahalaan na pagbubuo, pag-aayos, at pagtatapos ng mga proyektong pang-imprastraktura para sa agrikultura.

Dahil sa Antong Dam at Irrigation System, mapapataas natin ang ani at kita ng ating mga magsasaka. Kasabay nito, mas mapagti-tibay natin ang seguridad sa pagkain para sa bawat pamilya at sa ating mga komunidad  sa buong bansa.

Sa proyektong ito, makikinabang ang higit sa tatlong daang at limampung (355 in the briefer) magsasaka na matagal nang nahirapan dahil sa pagkawasak ng dam noong 2021.

Patunay ito na kapag maayos ang pamamahala at tapat ang serbisyo, nagtutulungan ang national agency, nagtutulungan ang LGU, natutulungan ang ating mga mamamayan eh talagang nakita naman  ninyo ang pwedeng maging resulta.

Kaya ipagpatuloy po natin ang ating ginagawang pagkakaisa, pagtutulungan dahil marami po tayong magagawaw.

Basta’t mayos ang pamamahala, basta’t maayos ang koordinasyon sa lahat ng ahensya, itoy ginagawa natin, ito yung ipinapakita kung gaano kaganda ang polisiya ng whole of govt approach.

Ibig sabihin ang whole of govt approach na aming polisiya mula nung pag-upo ko bilang Pangulo sinasabi namin hindi bawat isang ahensya lang, dati pag may iirigation system na ganito NIA lang ang bahala.

Eka ko, maraming support yan maraming imprastrakturang kailangang ayusin, kalsada, yun ganito tulay, ganitong klaseng bagay ay hindi lang NIA ang dapat tumutulong. Kaya nandyan ang DA, ibat’t ibang ahensya ng gobyerno,  pati DBM kasama (Department of Budget and Management), kasi inayos natin budget para dito.

Inilapit sa akin ni Admin Eddie, sabi nya kailangan na kailangan na mapabilis natin, pinasabi ko sa DBM na hanapan ng paraan para buo na agad ang pondo para dito [applause]

Sa mga magsasaka ng Sultan Kudarat, kayo ang tunay na lakas ng proyektong ito.

Ang inyong sakripisyo at pagsisikap ang dahilan kung bakit ang bawat Pilipino ay may pagkain sa kanilang hapag. Ang inyong pagtitiyaga ay nagbigay-daan sa muling pagbangon na ito.

Gamitin natin ang proyektong ito na mabuti, alagaan na mabuti at tatagal ito hanggang sa mga anak ninyo mapapakinabangan pa nila ito, bastat alagaan natin ng mabuti. At tiyakin natin mga maintenance, maganda ang pagkagamit, maganda ang organizations irrigators, pagsasama ng mga cooperatives para pag distribute ng patubig ay pantay-pantay naman at lahat ay makakatikim dito sa ating bagong naging proyekto.

Sa pangarap na ito, nais ng pamahalaan na iparamdam sa inyo na hindi kayo nag-iisa. Katuwang ninyo kami sa paghahanap ng lahat ng maaring paraan upang mas mapabuti ang inyong hanapbuhay at ang inyong buhay, at ang buhay ng inyong mga pamilya at buhay ng lahat sa inyong komunidad.

Sama-sama nating itaguyod ang Bagong Pilipinas na may mas matatag na agrikultura at mas  may panatag na kinabukasan para sa bawat pamilyang Pilipino.

Daghang salamat. (Maraming salamat.)

Mabuhay ang ating mga magsasaka.

Mabuhay ang Bagong Pilipinas.

— END —