Speech of President Ferdinand R. Marcos Jr. during the Bawat Bayan Makikinabang: Sulu
Maraming salamat SAP (Special Assistant to the President) Anton. Assalamu alaikum.
Please take your seats.
Magandang umaga sa inyong lahat.
Maraming salamat sa napakainit na inyong salubong na ibinigay sa atin.
At ako naman ay natutuwa na nakarating ako dito sa inyo para naman tingnan itong aming bagong programa na nailabas.
Ito yung bagong programa na galing, una-una, dalawa po ito. Yung una po ay galing po sa LGSF. Ano ba yung LGSF? Ang LGSF ay Local Government Support Fund.
At ito ay pondo na nasa national government para maibigay sa mga local government. Ngunit nung nakaraang taon, hindi natin nalalaman kung paano ang sistema na para pag-release, paano pag-avail dito sa LGSF.
At alam ko ito dahil governor din ako nang matagal, 9 years akong governor sa Ilocos Norte. At alam namin kapwa governor, alam namin yan na may LGSF pero nagtatanong nga kami, saan ba namin makuha yan? Paano pag kailangan ng pondo para makatulong? Eh wala na namang masyadong magandang sistema dati.
Kaya sa 9 years ko, bilang gobernador ng Ilocos Norte, hindi ako nakakita ng kahit isang kusing dyan sa LGSF na ’yan.
Kaya sabi ko, nung ako ay naupo na, bilang Pangulo, eh kako eto na ang pagkakataon ko para ayusin ang sistema na yan.
Kaya”t ang ginawa natin. Ang LGSF imbes na ang national government ang nag-implement, sabi ko ba’t tayo gagawa eh nandyan na ang local government. Eh walang ginawa ang local government kung hindi maghanap ng paraan para tulungan ng taong bayan.
Kaya sabihin natin sa kanila, sila na ang mag distribute, sila na ang gummit kaya”t yan po ang aming ginawa.
At ang una namin sa hilingin sa ating mga local government, eto po sa mga gobertador, magbibigay tayo sa ating mga mayor, mamaya meron pa są baranggay official pero itong LGSF para sa ating lungsod, municipality para sa ating mga probinsya.
At kasama dito sa pagbigay nating LGSF, ito na pag-distribute ng tig isa-10 kilo ng bigas para sa doon sa mga nangangailangan.
Dahil, ay kumuha kami ng listahan sa ating mga local government, doon sa lugar din nyo, sino ba, bigyan nyo kong listahan, sino ba ang nangangailangan ng tulong? Sino ba ang hindi nakakatiyak, nakakain ng 3 beses isang araw.
Dahil po, hindi ko makakalimutan, nung ako yung unang naupo na-interview po ko at ang unang tanong sa akin, ano ba ang pangarap mo para dito sa termino mo bilang Pangulo?
Naisip ako sandali at naisip ko, sabi ko, ang pangarap ko talaga, ang dream ko talaga ay makita na wala ng gutom na Pilipino. Kaya lahat ng dapat na hindi nakakatiyak sa kanilang pagkain, yan ang unahin nating tulungan.
Kaya pinatibay natin ang agrikultura para maganda ang ating food supply, pero sabi ko, kailangan natin bigyan talaga yung mga nangangailangan.
Paano natin gagawin?
Dati, ang dating gawin ay pupunta mga team na nanggaling national government, bababa sa local government, tapos magsa-survey, sino ba dito ang mga kailangan, eh kaso są kanila pag ginawa natin yan, napakatagal nyan, kasi bawat ng team, tapos magbibigay sila ng application, tapos aakyat ulit. Alam naman natin yan eh sabi ko, eh nakaalis na ako, hindi pa natin nagagawa.
Kaya sabi ko, bakit pa natin gagawin ng national government? At alala ko, noong governor ako walang ginawa ang local government executive kung hindi magbuo ng listahan araw-araw sino ba dito sa mga kasama natin ang kailangan ng tulong.
Kaya’t hindi na kailangang mag-survey. Magtanong tayo sa mayor, magtanong tayo sa governor at sila’y magsasabi sa atin.
At ibigay na natin sa kanila, sila na para yung bigas tayong bumili, ibigay na natin sa kanila at sila na bahala ang mag-distribute para mas mabilis, para umabot na agad.
Kaya’t yan po ang naging programa natin sa LGSF. Diyan natin ginamit ang Local Government Support Fund. At ito ang mga ating benepisyaryo ay ang mga poor at saka near poor.
Yung sinasabi kung hindi natin tulungan ay bababa sa poverty line. At sabi ko yun ang nilalabanan natin na hindi sila bumaba. Bago pa mangyari yan, unahan na natin.
Kaya diyan po ang ating ginawa. Kaya ito, meron tayong tigsa-sampung na kilong sako ng bigas para sa ating mga benepisyaryo dito… I think mga 3,000 ang ating beneficiary para dito.
At huwag po kayo mag-alala. Ito po ay hindi minsanan lang ito. Magbibigay kami ng sako ng bigas 6 na beses sa buong taon.So kada 2 buwan, mayroon na naman po dito.
Patuloy lang patuloy natin ginagawa. Ang pangalawa naman na programa, na bago nating programa, ay para sa mga barangay.
Dahil kagaya ulit, ganito na naman ako sa karanasan ko bilang governor,ay nakikita ko yung mga siyempre may sharing sa IRA. May sharing 10% dapat sa barangay, pero lagi nangyayari, hindi mo naman masisisi yung ibang official pero pag humingi ng pondo ang barangay, laging sagot wala na nagamit na namin eh. Napunta sa ano, nagka bagyo eh, nagkakaroon. Basta’t wala na, wala na makuha.
Eh kako, paano naman yan? Dahil marami silang inaalala, marami din silang kailangan gawin.
Tapos, kasabay dito, ang aking naging priority sa pangalawang bahagi ng aking termino bilang Pangulo ay sabi kong mag-prioritize tayo ng edukasyon.
Kaya, ginagawa namin hinahabol namin ang kakulangan sa sa classroom. At yan din, kasama-sinama ko kasi ang dating gawi ay sinasabi-sabi ko, bakit ang gagawa na naman ang DPWH, DepEd, DPWH, iilan lang ang magagawa, eh kako ang daming local government, kaya yan by administration.
Hindi naman komplikado yung classroom eh. Sabi ko, pabayaan muna sila. Bigay natin yung pondo sa kanila. Eh, parang magiging maayos yan kasi yung simple lang na ko sabi, bigay natin yung plano, bigay natin yung pondo, bahala na sila by administration.
Kung may savings sila, di maganda. Eh, mag-saving sila para may magamit sila sa iba.
At, isa pang naisip ko, sabi ko, nakakasiguro ba tayo, yan ang tanong may nakakasiguro ba tayo na gagamitin sa tama yan. Sabi ko, hindi nakakaintindi ng local government.
Ang local government hindi kaya gawin yung ginawa sa mga flood control na yan, hindi pwede, dahil pag hindi magandang trabaho, pinupuntahan tayo sa bahay kakatukin tayo, kakatukin tayo alas Dos alas Tres ng umaga, bakit ang pangit ng ginawa ninyo? Bakit ganito? Bakit yung ganyan wala pa Bakit yung pinangako ninyo? Walang pa.
Kaya’t meron tayong nagbabantay. In other words, lahat ng inyong constituent kaya malakas ang loob ko na magiging maayos ang programa ito at magbibigay kung ano man ang benepisyong binibigay ng national government bastat kailangan sa local government, ay alam na alam ko na tiyak na mabilis na lalabas at tama ang pupuntahan.
Ang pangalawang program ay para naman sa barangay. Ito yung tinatawag namin, Socio-Civic Development Program, SCDP.
Ang Socio Civic Development Program, itong ginawa po natin, ay may pondo ang national government ulit, naisip ko ulit ang situation ng ating mga barangay. Kako bigyan na natin yung barangay para meron din silang hawak na pera.
And ang ginawa natin, all the barangay, lahat ng barangay sa buong Pilipinas, binigyan natin ng 200,000 pesos.
Yung 200,000 na yan, ang hinihingi lang natin sa ating mga barangay official eh kako są kanila yung kalahati ganitin ninyo para kumuha tayo ng scholar.
So, sa 200,000, yung 100,000 dyan ay gagamitin para tulungan ang mga skolar na pipiliin ng barangay at sila ang tinatawag ngayon, sila ang naging presidential scholar.
Yan ang, yun yung presentation kanina sa labas, yan po ang mga pre-presidential scholar natin.
So, sabi ko, mamili kayo, bawat barangay, mamili kayo ng lima para na gagawin natin yung skolar, na tutulungan natin at yung lima na yun, magkakatanggap ng PhP20,000 at ito ay gagamitin nila para sa kanilang pag-aaral at para makapagtapos sila at hiningi ko ko lang sa mga barangay official piliin ninyo yung mga magtatapos na, pero delikado baka hindi makapagtapos dahill kulang sa pambayad, kailangan magtrabaho, anuman ang dahilan?
So, mamili kayo para mapatapos sila ang kanilang pag-aaral dahil napaka-importante niyan.
Kaya’t yan, ang ating socio civic development program, yung 100 libo nasa Inyo na yon kung saan yung gagamitin dahil malakas ang paniwala ko na, at alam ko namang totoo ito, wala yung nakakaalam sa problema sa isang barangay, kung hindi, ang mga barangay, official dahil hindi mo naman pwede sabihin, maraming may maraming common problems.
Pero bawat barangay, meron din sa sarili nila doon lang nagka-problema yan.
Kung nasa bundok, kung nasa tabing dagat, iba iba ang mga hinaharap na problema.
Ang nakita ko lagi, ang lagi ko sinasabi ng maganda, makinig tayo sa local government dahil hindi lang naman problema ang dinadala nila, ang dala din nila ay possible na mga solution.
Kaya sabi ko, imbes na tayo ang maghahanap pupunta na naman tayo doon, titignan naman natin ano bang kulang dito, water system, kalsada, at tubigi, kung ano ba pa natin itatanong? Bigay natin yung pondo bahala na sa kanila.
So yung isang 100,000 na natira sa 200,000 ay bahala na ang mga barangay opisyal kung saan nila ilalagay.
Yung mga pinuntahan namin, iba-iba. Yung iba, bigas din. Bumili din ang bigas at namigay din ang bigas.
Yung iba, bumili din ang vehicle. Yung iba, may sariling programa. Meron inayos ng kalsada may nagbuhos ng baranggay road, at yan po ay ang pagkakaisa at koordinasyon ng national at saka local government.
dahil sa aking palagay, dapat na, dahil pinag-uusapan po natin lagi mula pa lang nang simula, sabi ko, kailangan na whole of government approach. Kapag may problema, hindi lang ipapasa sa isang departamento. Kailangan tingnan ng buong pamahalan paano natin aayusin ito.
E kadalasan, ang problema pagka nasa national ka, ang mga problema hindi kayang ayusin ng isang department lang. Kailangan magtulungan.
Kaya’t sabi ko, isama na natin, hindi lang mga iba’t iba’t department, isama na natin yung mga local government.
At ako’y nakakatiyak, basta tuloy-tuloy, ang magandang koodinasyon natin, magandang pag-uugnayan national at saka local, maraming marami tayong gagawin.
Kaya’t, at itong, itong, yung pondo na yan, itong LGSF at saka yung socio-civic development program ay sinasabi ko sa ating mga leader ay ayusin natin,gawin natin ng maganda ito at kung maayos at maganda ang resulta nitong programa nito dito sa 2026, titiyakin ko na sa 2027 mas malaki pa ang may maibibigaynatin para sa ating mga kababayan.
Kaya patuloy lang po at tinitingnan po natin, alam naman natin na mula nang nagkagyera sa Iran, sa Middle East, ang daming naging problema, nagtaas ng presyo, medyo nagbababala ng konti, pero kahit papano meron pa rin, meron pa rin naghihirap.
Kaya at asahan ninyo, andito ang inyong pamahalangan, andito kami lahat. At kami ay hindi lang nag-uutos sa inyo kung ano yung gagawin ninyo.
Kami nakikinig din sa inyo kung ano ang pangangailangan ninyo. Kaya pagka meron kayo talagang problema, ay huwag kayong magdalawang isip.
Lumapit kayo sa mga local government officials. Lumapit kayo sa mga national agency, kung anong pangangailangan, kung kaya nang gawin ng ating pamahalaan, alam ko sa local, kung kaya nang gagawin, gagawin.
Kami naman sa national, kapag meron kayong nilapit sa amin na kaya namin ayusin kung kaya natin gawin, asahan ninyo na gagawin natin yan.
Hanggat mari kami ay gagawin namin lahat para tulungan kayo.
Asahan ninyo, laging nandito, laging kasama ninyo, laging katabi ninyo ang inyong pamahalaan, hindi kayo kinakalimutan hindi kayo binabaliwala, kung hindi kayo ang gitna, kayo ang sentro ng lahat ng aming ginagawa.
Lahat ng aming ginagawa ay para sa taong-bayan.
Asahan ninyo, hindi po titigil ito, patuloy po ito hanggat masabi na nga natin na lahat ay lahat ng ating mga kababayan na nangangailangan ay inaalalayan natin, tinutulungan natin, nabigyan natin ng kaunting ginhawa para maging mas maganda naman ang kanilang buhay.
Yan lang po. Ito po ang ating dalawang programa. Maraming salamat sa inyong pagdating. Magandang magandang umaga po sa inyong lahat
END