Speech of President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Bawat Bayan Makikinabang: Negros Oriental

Speeches 17 August 2026

Maraming, maraming salamat po at magandang hapon po sa inyong lahat, at mayong adlaw kaninyong tanan.

Kami po ay nandito upang subaybayan at tingnan kung paano ang nangyayari dito sa ating programa na Bawat Bayan na Makikinabang. Ito ay ang katotohanan po dito, dalawang bahagi ang programang ito dahil mayroon tayo na, unang-una, ‘yung tinatawag na LGSF at saka ‘yung isa naman ay para sa mga barangay.

Ano po yung LGSF? Ang ibig sabihin po ng LGSF, ‘yan po ang Local Government Support Fund.
Ito po ay pondo na nasa national government na dapat gagamitin para sa tulungan ang mga local government sa kanilang mga pangangailangan.

Ngunit ang problema, alam ninyo po, naranasan ko po ito dahil ako ay naging governor sa Ilocos Norte ng siyam na taon. Kaya nalalaman ko kung paano, paano nagamit itong LGSF na ito. Pero ang katotohanan, sa siyam na taon ko, sa tatlong termino ko bilang governor, hindi po ako nakakita ng kahit na ano galing dito sa LGSF.

At ‘pag tinatanong ko po sa aking mga kaibigan, mga congressman, mga governor, mga mayor kung papaano ba maka-avail dito sa pondong ito, eh wala namang makapagsabi sa amin. Ibig sabihin, dati wala masyadong sistema.

At ngayon, kaya’t noong ako ay nahalal bilang Pangulo, sabi ko ito na ‘yung pagkakataon ko.

At ang gagawin ko ay aayusin ko ang sistema at ilalagay ko talaga para sa mga local government.

Alam ninyo po, lagi ko pong sinasabi, sa buhay politika, ako ay lumaki sa local government dahil nga naging governor ako ng halos 10 taon, isang dekada. At nakikita ko po na hindi masyadong maganda ang pag-uugnay ng… kulang. Hindi naman sa hindi maganda pero kulang ang pag-uugnay ng national government at sa local government.

Eh ‘ika ko, sayang naman ito dahil ang daming kakayahan ng local government. Kaya’t ito nga ang ating ginawa, ay ginamit na natin ang LGSF at ito ay para mas mabilis bumaba ang benepisyo sa taong bayan. Ay sabi ko, imbes na ang national government pa ang gagawa,

Eh napakatagal ‘pag national government. ‘Pag national government, magpapadala kami ng isang team dito. ‘Yung isang team magus-survey. Pagkatapos ng survey, ibabalik na ‘yun sa Maynila. ‘Yung Maynila, titingnan ‘yung listahan doon sa survey kung tama o hindi. Tapos, a-approve-in bago, ibababa ulit.

‘Pag na-approve na, bababa ulit, bibigay na naman sa… natatawa sa akin ‘yang mga mayor dahil alam nila ito eh. ‘Ayan, mga mayor, alam na alam nila lahat. Lahat ng mga local government, alam na alam natin ito. ‘Yung prosesong ‘yun ha, ‘yung pag-survey ng national government, ‘yung pagdala sa Maynila, pagpataas, darating pa sa akin.

Antayin pa ‘yan, ilang buwan ‘yun. Pagbaba, ilang buwan na naman ‘yun. Halos… mabilis na ‘yung six months na maramdaman ng tao ‘yung ating ginagawa. Eh kako, sayang naman ‘yung oras at talaga naman mayroon tayong ninanais na paabutin sa ating mga kababayan na sila naman ay makaramdam kaagad ng kung anuman ang mga naibibigay nating serbisyo, kung anuman ang naibibigay natin na benepisyo ay dapat mas mabilis.

Kaya’t ating ginawa ay binigay na natin sa ating mga local government. ‘Yung Local Government Support Fund ay binigay na natin sa local government. Dahil ito ang aking paniniwala: ang governor, ang mayor, ang barangay official, wala nang mas nakakaalam na sitwasyon doon sa kanilang lugar kung hindi sila.

Nung ako’y governor, sabi ko, akong pinakaeksperto sa buong mundo dito sa probinsya ko. At ganoon din ang lahat-lahat ng local government official. Kaya’t nasabi ko, nalalaman nila kung ano ba talaga ‘yung tunay nilang pangangailangan.

Alam ninyo po, maraming bagay, maraming issue sa local government na pare-pareho lahat ng local government. Ngunit marami rin issue na iba-iba. Kaya’t hindi mo masasabi na isa lang ang gagawin mo, lahat mabebenepisyuhan. Hindi po nangyayari na ganoon. Kaya‘t iniiwan na natin sa local government, sila ang magdesisyon kung saan nila gagamitin ang pondong ito.

Ang hiningi lang namin ay isama itong rice giving program para sa ating mga kababayan na nangangailangan. Ayun na nga, pagka gagawin namin na national government ang gagawa ng listahan napakatagal. ‘Ika ko sa kanila, sa karanasan ko, ang local government na local government executive, ‘yang listahan ng mga nangangailangan, halos araw-araw binabalik-balikan ‘yan at tinitingnan kung sino ‘yung… sino idadagdag, sinong puwede nang tanggalin, sino nang.. may namatay na, may bago na naman, etc., etc.

Lahat ‘yun ay ginagawa na ng local government. Eh sabi ko, bakit tayo pa ang gagawa? Kaya’t, ‘di sabi ko, gamitin natin ang mga listahan ng ating mga local government official at magbigay sila kung sino ang mga qualified beneficiary para bigyan natin itong tulong ng rice giving program.

Ito po ay, ito po ‘yung nakikita ninyong tigsasampung kilo na sako ng bigas at ibinibigay po natin sa mga household na alam natin na nangangailangan ng tulong. At alam ninyo po, noong ako ay unang umupo, in-interview po ako at tinanong sa akin kung ano ba ang talagang gusto mong mangyari, ano bang hangarin mo, ano bang pangarap mo para sa Pilipinas.

At inisip ko na mabuti, at napakasimple lang. Sana naman mangyari na dumating na ang araw na wala nang gutom na Pilipino. Kaya’t iyan po ang aking pangarap. [applause] Kaya’t sinama na po natin itong ganitong klaseng programa na may tigsasampung kilong sakong bigas para sa lahat ng mga qualified beneficiaries.

Sino bang mga qualified beneficiary? Ang qualified beneficiary, alam mo ‘yun, sino po ang nangangailangan ng tulog na hindi nakakatiyak sa kanilang pagkain, hindi nakakatiyak na kakain ng tatlong beses sa isang araw, hindi nakakatiyak na sila ay kakain ng…na mapapakain nila ang kanilang mga pamilya. ‘Yan po ang ating mga hinahanap at sinasabi natin kailangan natin tulungan para naman masabi natin, napupunta na tayo dun sa araw na ‘yun na masabi natin ay mabawasan na ang pangangailangan ng ating mga kababayan na hindi nga nakakatiyak sa kanilang pagkakain.

Kaya’t alam po ninyo, ito naman ang ginawa natin, kasabay po nito, ‘yung sa Kadiwa Center natin, ‘yung 20 piso na bigas, ganundin po ‘yung mga 4P, ‘yung mga nasa ilalim ng 4P, binibigyan po natin. Kung may kakayahan naman, kahit kaunti ay kaya na ‘yung 20 piso para sa bigas. Ito ay subsidized din ng national government.

Ito po lahat ay galing sa national government at binibigay natin sa local government para makarating sa tao kaagad. At natutuwa naman ako, kakarating lang ng bagong istatistiko, naibigay sa akin noong isang araw at sinabi na mula noong sinimulaan natin itong mga programang ito, six and a half million Filipinos have been removed from poverty. [applause]

Ibig sabihin, anim at kalahating milyon na Pilipino na dati ay nakakasubok ng gutom ay hindi na ginugutom. Kaya’t maganda naman ang naging epekto. Ako’y natutuwa na ‘yung ating mga ginagawa ay mayroon talagang natutulungan at marami talaga tayong naiaahon sa kagutuman at sa kahirapan.

Kaya po, ito ay papatuloy po natin. Alam ninyo po, huwag ninyo pong isipin na ang pagbibigay ng tigsasampung kilo na sako ng bigas ay minsanan lang. Ito po ay gagawin natin ng anim na beses sa isang taon, every two months po. Bawat dalawang buwan, magbibigay po uli tayo nito. [applause]

‘Yung ibang probinsya, nakadalawang ikot na eh. Dito, you’ve done wow, nakaisang ikot na dito sa Negros at patuloy po ‘yan. Huwag ninyo pong iisipin ng ngayon lang ‘yan. Hangga’t nangangailangan ang ating mga kababayan, hangga’t mayroon pang kailangan alagaan, alalayan, tulungan, ay ibibigay po natin lahat ng ating kakayahan upang tumulong, upang mapaganda ang inyong buhay.

At kasama po diyan, ‘yung sabi ko sa inyo na dalawang bahagi’ yan. ‘Yung isa pang bahagi ay yung… ay binigay naman natin para sa mga bara-barangay. Dahil ‘yan din po ay naranasan ko po sa pagka-governor ko. Alam ko naman may share talaga ang barangay pero ‘pag humingi ‘yung barangay, ano ‘yung sinasagot sa inyo? “Sorry, nagamit na eh, naubos na dahil nagamit sa ibang bagay.”

Eh kung minsan ay talagang kailangan, pagka binagyo, kapag may nangyari ay kailangan talagang gawin ‘yun. Kaya’t ang gagawin, ang ginawa ko po, sabi ko, mayroon din tayong pondo sa Office of the President na nanggaling sa Office of the President. Itong pondo ito ay binuo namin para tulungan ang ating mga bara-barangay. Kada barangay, bawat barangay sa buong Pilipinas ay binibigyan ng Office of the President ng 200,000 pesos. Bawat barangay po ‘yan. [applause]

Ang hinihingi lang namin ay ‘yung kalahati noon ay gagamitin para sa ating mga iskolar. Nandito ‘yung mga iskolar natin, sila na ngayon, ang tukoy sa kanila, sila ay mga presidential scholar na ngayon dahil galing po sa Office of the President.

Ang sinabi natin sa mga barangay official, ‘ika namin, ‘yung 200,000 ay pakiusap lang, ‘yung 100,000, ‘yung kalahati, mamili kayo ng limang scholar bawat barangay. At doon sa limang scholar na ‘yun, magbigay kayo, bigay ninyo ‘yung 100,000. In other words, 20,000 bawat isang iskolar.

Kaya po, ‘yan po ang mga naging programa natin para sa lahat ng barangay sa buong Pilipinas para magkaroon sila ng presidential scholar. At ito po, at ang hiningi po natin sa mga chairman, sa mga opisyal ‘ka ko sa kanila ay hanapin ninyo ‘yung mga estudyante na malapit nang magtapos at mukhang… baka mahirapan na magtapos dahil kulang sa pambayad, kailangan magtrabaho, kung anuman ang dahilan. Kaya’t bigyan natin ang suporta nitong 20,000 na ito upang maipatuloy nila ang kanilang pag-aaral at makapagtapos sila.

At sa ating mga iskolar ay, ito po, ito sa ating mga iskolar, ito po ay para pagandahin natin ang edukasyon dito sa Pilipinas. Alam ninyo po, lagi ko pong sinasabi noon pa, ito po ang turo sa akin, na ang pinakamahalagang serbisyo pagkatapos natin pakainin ang ating mga kababayan, ay kailangan natin sila, kailangan ‘yung mga kabataan ay ang importanteng serbisyo para sa kabataan ay ang edukasyon.

Kaya po ang budget ng 2026 at saka ‘yung susunod na budget sa susunod na taon, ang pinakamalaking budget sa lahat ng departamento sa national government ay nasa DepEd, nasa Department of Education dahil kailangan talaga natin na turuan na mabuti at i-training nang mabuti ang ating mga kabataan. Kaya natin ginagawa itong programang ito.

At sinasabi ko sa ating mga iskolar, eh sana mapakinabangan ninyo itong mabuti para makapagtapos kayo. Dahil ang pag-aaral ay ibang klaseng biyaya ‘yan. At ito, ang pag-aaral, ‘pag maganda ang inyong training, kapag maganda napag-aaralan ninyo, ang kaalaman ninyo na makukuha ninyo sa magandang pag-aaral, ‘yan ay yaman na sa inyo na talaga ‘yan. Hindi na makukuha sa inyo ‘yan, hindi na mananakaw, hindi maaagaw ng kahit sino man sa inyo ‘yung inyong kaalaman na natutunan ninyo sa eskuwelahan o sa training o kung saanman.

Dahil ito ay makakatulong sa sarili ninyo para pagandahin ang buhay ninyo, para pagandahin ninyo, tulungan ninyo ang iyong mga pamilya, tulungan ninyo ang mga community ninyo. At sa ganoong paraan, mararamdaman ‘yan sa buong Pilipinas na mayroon tayong mga manggagawa, mga workforce na napakadunong, na napakarunong, na napakaraming alam at maraming training at handang-handa, hindi lamang magtrabaho kung hindi ito ay handa para maging leader na pagdating ng panahon.

Alam ko kayo, sa edad ng mga estudyante, iniisip ninyo malayo pa siguro ‘yan bago… kailangan na pumasok sa seryosong trabaho. Siguro matagal pa rin pero magugulat kayo darating din ang araw na… kaming mga nakaupo ngayon dito, anong sabi, walang forever – walang forever kahit sa amin. Kaya’t kailangan pagdating ng araw na wala na kami, kayo naman ang mamumuno.

At ‘pag sinasabi kong namumuno, hindi ko ibig sabihin na gobyerno lang. Lahat ng inyong gagawin, basta’t magandang trabaho ninyo, kung saan man kayo, magnegosyo kayo, mag-public service kayo, maging professional kayo, maging kahit na ano, basta’t maganda ang inyong gagawing trabaho ay umaasa sa inyo ang Pilipinas para ipagpatuloy kung anuman ang nasimula namin, na ipagpatuloy para sa pagganda ng buhay ng bawat Pilipino, para sa pagpaganda ng ating minamahal na Pilipinas.

Kaya’t asahan ninyo, asahan ninyo na hindi namin titigilan ang suporta na ibinibigay natin sa edukasyon dahil kagaya ng sinasabi ng… na tinuturo sa atin ang pag-asa ng bayan ay ang ating kabataan. Totoong-totoo po ‘yun. Kaya’t itutuloy-tuloy po natin ito, pagbubutihin natin ito. Gamitin ninyo sa tama ‘yung ating naibigay na tulong na 20,000 at sana naman pagka nagkita tayo ulit ay may hawak na kayong diploma, may hawak na kayong certificate, may hawak na kayong papakita na may kaalaman na kayo. [applause]

At patuloy din po ito. At lagi kong sinasabi sa mga local government officials, pagka naging maganda itong ating ginawa, kapag mapakita natin na itong mga programang ito, ito ‘yung rice giving program, ito ‘yung LGSF para sa lokal, ‘yung para sa barabarangay, sa mga iskolar—ah, teka, bago ako magtapos, ‘yun palang natirang isandaan libo, ‘di ba, dalawandaan libo ‘yung bibigay natin sa bawat barangay. Isang daan libo ay sabi natin, bibigay natin sa ating mga iskolar. ‘Yung natirang isang daan libo ay hindi na kami magsasabi sa inyo, kayo na ang bahala roon.

Dahil kagaya na sabi ko, alam ninyo ang pangangailangan ninyo. Eh kadalasan, alam din ninyo ang solusyon. Kaya ‘yung 100,000 na ‘yan, iniiwan na namin sa inyo, saan ninyo gagamitin. [applause] Sa pag-iikot namin, iba-iba ang pinaggamitan ng mga barangay. Mayroong barangay bumili rin ng bigas para makapag-distribute, makadagdag dito sa distribution namin.
Mayroon bumili ng motorsiklo, mayroon bumili ng monobloc, mayroon bumili ng computer, mayroon bumili ng Starlink, kung ano-ano.

Kung saan ninyo nais gamitin, gamitin ninyo para makatulong sa inyong barangay, para makatulong sa inyong komunidad at sa inyong mga constituent. ‘Yun naman ang pinakamahalaga na makapagbigay tayo ng tulong sa lahat ng ating mga kababayan na nangangailangan.

Asahan po ninyo at lagi kong sinasabi sa ating mga local government official, ‘pag maging maganda ang resulta nito ay titiyakin natin na sa darating na panahon, dagdagan pa natin ‘yang budget na para dito sa local support na binigay natin. [applause]

Kaya asahan po ninyo na ‘andito po ang inyong national government kasama ang lahat ng local government official na magandang ang pagkooperasyon, maganda ang ugnayan, maganda ang pagsasama at asahan ninyo na kami nandito nasa likod ninyo at lagi namin tinitiyak na ‘yung mga kababayan natin na dapat tulungan, ‘yung mga kababayan natin na kailangan na maalalayan, ang mga kababayan natin na may pangangailangan pa rin ay gagawin namin ang lahat na maari nang gawin ng national government para tumulong sa inyo.

At kami po ay hindi nang-uutos lamang na sinasabi, ito ‘yung gawin ninyo, ‘yan ang gawin ninyo. Hindi po, kami din ay nakikinig. Kaya kung anuman ang inyong mga hinain, kung anuman ang inyong mga naiisip na kailangan ayusin o mayroon kayong naisip na dapat gawin
ay sabihan ninyo po kami, sabihan ninyo lahat, iyong mga local government officials nandiyan lagi, nandiyan din po ang mga ahensya ng national government, sabihin ninyo kung ano po ang nasa isip ninyo upang alam namin.

Kailangan namin malaman kung ano ang mga pangangailangan. Hindi natin malalaman ito kung hindi ninyo po sabihin sa amin. Kaya’t kailangan ay nag-uusap ang pamahalaan at saka ang mamamayan ay madalas na nag-uusap at malaman ng lahat kung ano ba ang nangyayari sa inyong lugar, kung ano nga ang pangangailangan.

‘Yan po ay asahan ninyo na ang inyong national government, ang inyong gobyerno, ang buong pamahalaan mula sa national, lahat ng departamento sa national hanggang sa local, hanggang sa bayan, hanggang sa lungsod, hanggang sa barangay ay nandito upang tulungan kayo at inasahan ninyo na kung ano ang serbisyo, kung ano ang benepisyo na sa palagay ninyo ay kailangan ninyo hangga’t maari, hangga’t kaya namin gagawin, gagawin po namin upang tulungan kayo, upang mabigyan kayo ng ginhawa, ng kaunting ginawa sa inyong mga buhay at sa inyong mga pamilya, sa inyong mga anak, sa inyong mga komunidad.

At sa ganoon ay mararamdaman ‘yan sa buong Pilipinas. Dahil kung ginagawa po natin ito, grassroots ito na programa. Hindi po ito ‘yung malalaking project. Mayroon din po tayo maraming malalaking project pero importante na may grassroots program tayo para nga maramdaman kaagad ng ating mga kababayan na nangangailangan, na kailangan tulungan ng nanggagaling na pamahalaan na tulong at serbisyo para sa inyong lahat.

Asahan po ninyo ‘yun, hindi po tayo, never po na nawawala, hindi po nawawala sa pag-iisip ng inyong pamahalaan kung ano ang maaari pang gawin upang tulungan kayo, upang pagandahin ang buhay ninyo, upang pagandahin ang ating minamahal na Pilipinas.

Maraming salamat po. Magandang hapon po. [applause]

—END—