Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. to the Presidential Scholars during the Bawat Bayan Makikinabang: City Of Lucena

Speeches 21 July 2026

Magandang umaga, ma-upo muna kayo.

Magandang umaga sa inyo. Babatiin ko lang yung ating mga Presidential Scholar.

At ipapaliwanag ko lang kung paano ang programa anong programa itong ating ginagawa. Please come join me.

Anong programa na ating ginagawa para sa ating mga, ngayon ay tinatawag na Presidential Scholar.

Ito ay naging bahagi doon sa ating ginagawang programa na aming tinatawag na Socio-Civic Development Program.

Ito ay binigyan ng pondo ng national government ng Office of the President upang tulungan ang bara-baranggay.

Kada barangay ay binibigyan natin ng 200,000 piso para sa kagamitan na kailangan nila.

At itong 200,000 piso…ay ang hiningi lang namin sa ating mga barangay opisyal ay mamili sa bawat barangay ay mamili ng lima na magiging Presidential Scholar doon sa kanilang barangay.

At ang pagbigay doon sa 200,000 na binibigay natin sa kada barangay ay yung 100,000, yung kalahati nun, ay sabi namin ibigay natin pantulong para sa ating mga magiging Presidential Scholar. Lima sa bawat barangay.

At dito sa Lucena, we have 165 ngayon na presidential scholar. At itong ang gagawin po, ang gagawin sa ating programa ay yung 100,000 ipibigay sa ating lima na magiging scholar na tigda 20,000 dun sa limang scholar.

Ito ay pampatulong sa lahat, sa inyong mga pangangailangan. Dahil ang sabi namin sa ating mga barangay opisyal, ang piliin ninyo ang mga iskolar na talagang malapit na magtapos at saka deserving na talagang nag-aaral na mabuti at nakikita natin na may magandang potensyal para sa pagpatuloy at pagtatapos ng kanilang pag-aaral.

Ngunit nakikita natin na nangangailangan ng tulog dahil baka hindi makapagtapos dahil nga kakulangan sa pambayad, kailangan magtrabaho, kung ano man ang nagiging problema.

Kaya ito ang ginagawa natin ay bibigyan natin ng mga iskolar ng 20,000 at para gamitin ninyo sa inyong pag-aaral, sa pagtulong sa inyong mga sarili, kung ano man ang pangangailangan ninyo.

It is up to you how you want to use these funds. It is up to you where you need those funds the most. Kaya’t iniiwan namin sa inyo kung paano nyo gagamitin yung pondong yan para naman makapagtapos kayo.

Ang aking lang advice na binibigay, pagnakakausap po ang ating mga presidential scholar, ang aking ko lang binibigay na advice, sana ay mapakinabangan ninyo na mabuti itong tulong na ibinibigay ng Office of the President.

Kaya Presidential Scholar dahil galing talaga sa Office of the President itong pondo na ito at ang Office of the President ang magpapatakbo, mag-administer nito. Ngunit, siyempre, ay malapit na ugnayan para ng ating mga local government officials.

Hindi namin magagawa ito kung hindi kasama ang ating mga local government officials na tumutulong sa atin para makapag-identify kung sino ang mga eskolar na tutulungan natin dito sa programang ito.

Sana, eh, mapakinabangan ninyo ito dahil ang lagi kong sinasabi, kung magbibigay ako ng advice sa ating mga estudyante, ang lagi kong sinasabi, kapag nagtapos kayo, kapag meron na kayong diploma, pagka maganda ang pag-aaral ninyo at nakapagtapos kayo, yung inyong makukuhang kaalaman ay kayamanan ‘yan na buong buhay ninyo ay nasa inyo na.

Hindi makukuha sa inyo yan, hindi kayang agawin sa inyo yan, hindi pwedeng nakawin sa inyo yan, hindi malulusaw yan.

Nasa inyo yan habang-buhay, araw-araw sa buong buhay ninyo, magagamit ninyo ang kaalaman na yan para tulungan ang inyong mga sarili, para tulungan ang inyong mga pamilya, para tulungan ang inyong mga komunidad.

At sa paraan na yan ay matutulungan ninyo ang Pilipinas. At gaganda ang buhay ng Pilipinas kapag marami tayong mga…mga well-trained, magandang training, magandang pag-aaral.

Pagka ganun at dumadami ang mga nagtapos at yung nabigyan natin ng tulong, dahil sa nabigyan natin ng tulong ay makikita natin ay lalago at gaganda at aahon lalo na sa mga komunidad na…sa ngayon, ay nangangailangan pa rin ng tulong.

Yan ang magiging at darating ang panahon, at darating ang panahon, kagaya ng sabi nila, wala namang forever. So hindi naman kami dito forever. Kaya darating ang panahon, kayo na ang hahanapin ng taumbayan na tumulong na maging leader.

At maging napapasok sa servisyo publiko. Pag sinabi kong serbisyo publiko, hindi ko ibig sabihin gobyerno. That doesn’t necessarily mean, when I talk about public service, I’m not necessarily talking about government work. Although kasama yun.

Ngunit, in everything that you do, kahit ano, ang magiging magbubukas kayo ng negosyo, magiging doktor kayo, magiging professor kayo, magiging engineer, kung ano man, ay yan ang makakatulong sa pagpapaganda ng inyong komunidad, sa pagpapaganda ng buong Pilipinas.

Kaya’t napakahalaga ang pag-aaral. Kaya’t gamitin nyo na mabuti ang itong scholarship fund na aming binibigay. Gamitin nyo na sa magandang paraan, mag-aral kayo na mabuti, magsumikap kayo, magtrabaho kayo ng husto. At sa ganung paraan, makikita natin na hindi lamang, dahil ginagawa natin ito sa lahat ng mga barangay sa buong Pilipinas.

So marami-marami yun ang magkakaroon tayo ng…mga 200 plus thousand na iskolar sa buong Pilipinas kasi mga 42,000 ang barangay sa atin, 42,000 plus eh ang barangay sa Pilipinas.

Kaya pag pinagsama-sama mo yan, tigli lima, we are going to be able to help at least 200 plus thousand scholars. And we will do this every year. Hindi naman ito minsanan lang.

We will be doing this every year para makatiyak na matulungan natin ang mga nangangailangan na tulong natin, mga estudyante, mga nag-aaral.

At sa ganun, maipapakita natin na ang ating mga kabataan, you are all going to be well-trained, you are going to be well-educated, you are all going to be credentialed.

Anong ibig sabihin ng credentialed? Ibig sabihin may hawak na kayong papel na sinabi na nagtapos kayo, nakapag-aral kayo ng mabuti, handa na kayo mag-serbisyo, handa na kayo mag-trabaho, handa na kayo, handa na kayong pumasok sa kung ano man ang pipiliin ninyong magiging buhay ninyo, kung ano yung magiging hanap-buhay ninyo sa darating na panahon.

Kaya ito ay patuloy natin gagawin. At sinasabi ko nga sa ating mga local leaders, sinasabi natin pag pinaganda natin na mabuti ito, at nakita natin na mas maganda ang maging resulta kaysa sa dati ay sisikapin namin pag sa susunod ng budget ay dagdagan pa natin para maparami pa natin ng iskolar, maparami pa natin ng tulong sa ating mga bara-barangay.

Para lang maipaliwanag, doon sa 200,000, eh 100,000 mapupunta sa inyo sa mga presidential scholar. Yung 100,000 na naiwan eh bahala na ang ating mga barangay officials dyan kung saan nila gustong gamitin.

Kung titignan ninyo sa labas, nandyan yung ibang chairman natin. Iba-ibang pinanggamitan, merong computer, may solar light, may monoblock, kung ano-ano.

Kaya kung ano man ang pangangailangan sa bawat barangay, nasa sa kanila kung saan nila gagamitin ang pondong yan.

Kaya’t yan ang naging programa natin sa Social Civic Development Program.

At tayo, sana naman, magkikita tayo ulit. At pagkita natin ulit, may hawak na kayong mga diploma.

Magandang umaga sa inyo lahat. Good luck sa inyo lahat.

Study hard. Work hard. It will be your treasure. It will be what you will have with you for the rest of your life.

Good luck. Maraming salamat sa inyo.

— END —