Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Inspection of the Brain and Spine Center of the Cagayan Valley Medical Center

Speeches 15 May 2026

[Ilocano]

Speaker Bojie Dy of Isabela is also here; the mediacal staff of the Cagayan Valley Medical Center with Dr. Antonio at the lead; all of our officials from the DOH who have played a very important part to achieve what we have here today.

I’m very happy to be back. I’m always happy to be back in Cagayan and Tuguegarao. But I’m especially happy today because here we have, perhaps one of the best examples of the policy.

Ito ‘yung polisiya na itinaguyod natin noong ako ay umupo bilang Pangulo.

Dahil hindi ko makalimutan ‘yung kahirapan na dinaanan ng buong Pilipinas, lahat ng Pilipino, lahat ng buong mundo, nang dumaan ‘yung – noong nandito ‘yung pandemic, ‘yung COVID.

At ang marami tayong nakikita na mga kaso na hindi na umabot sa ospital at dahil walang specialty hospital na kagaya nito, walang malaking ospital.

At kung mayroon mang ospital na malapit, puno na. At mayroong mga namatay na kung may ospital lang sana, ay baka nabuhay pa.

Tapos tinitingnan namin doon sa Maynila, ang pinakaimportanteng ospital na lumabas doon sa ating COVID experience ay ang mga specialty hospitals.

At ang – kakaunti lang – pero kakaunti lang ang specialty hospital. Isa lang ang kidney center, isa lang ang heart center, isa lang ang lung center, isa lang ang children’s hospital. Iilan lang talaga at nasa Maynila lahat.

‘Yung brain and spine, wala. We don’t have a specialty hospital for that.

Kaya nakita natin, eh ‘yun pala ang pinaka kailangan pagkaroon ng ganitong klaseng problema na pandemya ng kagaya ng naranasan natin noong COVID. Kaya sabi ko, matuto na tayo.

Kahit papaano, kung hindi man COVID, ibang klaseng magiging problema ang dadating ay dapat medyo maghanda na tayo. Matuto na tayo sa mga leksyon na tinuro sa atin ng COVID.

What are the lessons that we have learned in COVID? The most important hospitals in diagnosing, researching something like COVID that we didn’t know.

Hindi – hindi natin… ‘Yung mga doktor, ‘pag tinanong ko sa doktor, “Anong sakit ko? Mabigat ‘yung tama ko sa COVID eh.” Sabi ko nung – “Ano ‘yung sakit ko?”

Sagot ba naman ng doktor sayo’y hindi namin alam. Papa… Never sa buong buhay ko narinig sa doktor ‘yun na: Hindi ko alam kung ano ‘yun. Ano may trangkaso ka o ganito, whatever, o may hika ka.

Ito lang ang narinig ko: Papaano ako gagaling? “Hindi ko rin alam.” That is the worst.

Now – but slowly, nagamit natin ang mga laboratoryo natin. Pero kakaunti nga lang ang mga research stations, ang mga… I remember we ended up using to analyze the samples. We were using the equipment that came with TB dots. Oo.

‘Yun ang ginamit – Sa Ilocos, ‘yun ang… Doon napunta ‘yung lahat ng mga lab testing eh. So, sabi ko kulang na kulang ‘yan.

So, what we are doing now, ganito nga ang polisiya. Bagong – isa sa bagong polisiya ng Department of Health ay inutos ko sa kanila, matuto na tayo. Maglagay tayo ng specialty center sa iba’t ibang lugar para naman kapag may sakit at kailangan mapunta sa isang specialty center ay hindi pa kailangan lumipad pa o pumunta pa.

Mabuti pa nga nasa Luzon kayo. Sampung oras, at least makakarating

kayong Maynila.

If you’re in the Visayas, nasa Mindanao, how do you expect to get yourself to… Eh may sakit na nga. ‘Yun na nga kagaya ‘yun ng sinasabi ko, eh ‘yung iba doon ay hindi na umabot sa hospital at sayang naman ‘yung buhay nila. At kung may hospital lang, eh baka nabuhay pa.

Kaya ganito na ang aming polisiya, magtatayo tayo ng specialty centers.

Hindi naman kailangan magtayo ng isang buong hospital. Kayo lang ang gumagawa niyan. Naglagay kayo ng isang buong hospital.

‘Yung iba may wing o may annex sa isang existing hospital.

At ‘yan ang ating nagigi… Nagiging malaking tulong ‘yan kasi para maalagaan natin ang ating mga kababayan.

At kasama dito sa center, sa specialty center na ito, ay ‘yung mga pasyente ay kasama sa Zero Balance Billing.

At ang ibig sabihin, Zero Balance Billing dahil nagko-contribute ang DOH, nagko-contribute ang PhilHealth, at saka ‘yung lahat ng iba, mga MAIP na ginagamit din. Ito lahat-lahat para ‘yung pasyente, basta’t sila ay basic service lang at saka ward patient ay hindi na sila kailangan magbayad ng kahit na ano.

Siyempre magpapatingin, puwede magpa-lab test ng iba-iba.

We have also increased the coverage of PhilHealth on dialysis up to – and we also cover now, bago ito sa dialysis, ‘yung gamot ng renal failure but after –within dialysis. Pagka naka… One of the reasons na ‘yung kidney… Ayan, I can just see, on this site will rise a heart, lung, renal and kidney transplant center. ‘Yan. This is what – that will again apply. [applause]

Kaya naman pala 30,000 na ‘yung ano niyo empleyado ninyo na you didn’t realize. Pati si governor nagulat eh. Marami na pala kayo.

But that… So all of this is kailangan talaga natin at patuloy nating ginagawa at nagpapatayo tayo.

Let me – tingnan ko lang ang bilang.

As of now, we are targeting 349 specialty centers sa by the time I leave office in 2028. [applause]

And like I mentioned, we will continue – magtuloy-tuloy ang ating palawak ng health benefits na nanggagaling sa PhilHealth.

Ang PhilHealth naman, very healthy naman. Kaya naman nila siguro mag-cover. Kaya tinitingnan natin kung ano ba ang mga mas maidagdag pa na serbisyo ng PhilHealth.

Like I said, we increased the coverage for dialysis and even the length of time that we provide assistance.

And then the medicines for after you have a kidney transplant, the medicines after. Marami kasi may renal failure, hindi magpa-kidney transplant, takot sa gamot pagkatapos. Because they’re so, they have to –well, you know. So, pero ngayon, covered na ng PhilHealth.

Cancer, in-increase din natin drastically ang coverage.

Sa – for pregnant mothers, also the care, the maternal care for mothers.

We also have another program in DOH, the first thousand days. But the thousand days, binibilang ‘yan from conception. So that even bago pa nagpanganak, we find… Lalo na ‘yung mga teenage mothers, hindi nila alam ang gagawin nila. They don’t know how to take care of themselves. Hindi nila ang kapa – ‘pag nanganak na, hindi nila alam kung ano ‘yung ipakain doon sa bata. So, we support them until – so, I guess about two years and a few months.

After that, ‘yun ang… Mayroon lang tayong gap. After that, feeding program naman sa eskwela. Kaya we are trying our best kasi naman, ang statistics pa sa atin ng stunting ay hindi maganda. Kaya inaayos natin ‘yung – hindi lamang ‘yung paggamot, kailangan that the first 1,000 days, lahat ng bakuna kukumpletuhin para doon sa bata. All the vaccinations will be given.

So, it is very important because we have to have a healthy society para naman eh tayong lahat makapaghanap buhay nang mabuti para naman makatulong tayo sa mga pamilya natin at ‘yan lang naman ang mga hangarin natin.

Kaya asahan ninyo na ipapagpatuloy namin lahat ng programa para sa kalusugan ng ating mga kababayan, ng lahat ng taumbayan ng Pilipinas.

Kung mayroon pa kayong maisip na maaari naming gawin, sabihan niyo kami. Kami naman ay nakikinig at sabihan niyo kami. Kung kaya namin gawin at magpapaganda talaga doon sa sistema, gagawin po natin.

‘Yun lang po. Kaya po na tayo nandito. [applause]

At sana po, itong pagbukas natin, itong magandang specialty center ay malaking maitulong sa ating mga kababayan.

[Ilocano]

— END —