Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the Oath-Taking of the Newly Elected National Officers of the Provincial Board Members League of the Philippines

Speeches 20 May 2026

Well, first of all, congratulations at saka nakapag-organize na kayong lahat and you have already your officers.

Very simple lang ‘yung what I wanted to impart to all of you was now, what we have been doing recently ay we have been trying to engage – the national government has been trying to engage more and more the local governments in everything that we do.

Even if it is technically a national project for example, we’re all – naghahanap kami ng paraan na puwedeng mag-ugnayan ang national at saka local government.

Marami ng – marami na tayong programa na ganoon. ‘Yung LGSF, ‘yung Socio-Civic Development Program, tapos ‘yung sa school building na binaba namin lahat.

Kaya’t gusto kong baguhin –I really wanted to change, again, because of my experience sa local government, and kung minsan frustrating kasi parang ‘yung national government, ayaw makinig sa atin ‘di ba?

Kung anu-ano – kung anu-ano ang gustong gawin pero sabi, “Hindi bagay sa amin ‘yan at saka hindi praktikal.”

So, that’s why we wanted to give – put it in the hands of local government, more – allow you to do more of your own initiatives.

Because of [inaudible], importante ‘yung mga malalaking programa, malalaking project, importante talaga ‘yun at gagawin ng national government ‘yun.

Ngunit, halimbawa, perfect example, ‘yung sa school building. Eh kako, noong pinag-aaralan namin, sabi ko sa – ang maximum nagagawa ng DepEd sa isang taon, tinanong ko, sabi ko, “Ilan ba ‘yan?” “Ah, ganito lang, ilang libo lang.”

Sabi ko, “Ang shortage natin, 160,000, hindi tayo aabot diyan hangga’t buhay pa tayo. Wala na, hindi na natin maabutan ‘yung ano – ‘yung ganiyan lang.

[Inaudible] ‘yun ang naisip ko.

Kasi noong nasa province ako, ano ba ‘yung school building? Kayang-kaya ‘yun by administration ‘di ba? At saka hindi ako natatakot. Ito ‘yung biro ko nga sa mga – kayo, sa inyong mga local government, hindi ako natatakot na mapa-flood control ‘yung mga project. Dahil pagka ginawa niyo ‘yan, pagka may nagloko, may nandaya sa project, naku hindi ta– hindi sila tatagal – hindi kayo tatagal na – sisitahin kayo kaagad ng mga constituent ninyo.

Kasi lalong-lalo na pag eskuwela, eh mga bata ‘yan eh. Hindi naman puwede basta kung saan-saan nilalagay.

So, that is what – that was my confidence level. Sabi ko, edi ba’t ‘di natin gawin ‘yun?

So, although technically, the school building program is a national program. Tuloy naman ang DepEd, tuloy ang DPWH. Tuloy lahat, pati NGO na nagtatayo, nagdadagdag ng silid-aralan.

Pero sabi ko, ba’t ‘di natin magnify ‘yun? Eh kasi ang… In terms of technical capability, ‘yung pinakahirapan ako noong nasa province pa ako, ‘yung pinapagawa ng national government na wala tayong capability, wala tayong skills, wala namang item, walang dagdag na item, walang pondo, eh ‘yung kundi – eh hindi nagaawa in other words.

Pero sabi ko, ‘yung pagtayo ng school building, napaka simple na nun. Napakasimple lang gawin in terms of technical capability.

Kahit kamay-kamayin lang ‘yun, kayang-kaya ‘yun. Two room na school building o kahit na ‘yung – kahit na ‘yung medyo second – hanggang second floor, puwede na ‘yun, kaya na ‘yun by administration.

So that is what – siguro ‘yung tutulungan lang namin kaya – that allowed us na unahin ang mga fourth, fifth, sixth class na municipality na baka hindi ganoon ang kakayahan kagaya doon sa mga mas malalaking bayan, mas malalaking LGU. So, that’s one of the examples.

The other example that I want to – we need your help in local government is sa ‘yung sa healthcare system natin.

At maraming-marami tayong niro-roll out, pero ang problema, hindi pa alam ng ating mga kababayan na may ganoon. ‘Yung – for example, ‘yung Zero Balance Billing, nagugulat ako hanggang ngayon, kasi panay ang sigaw ko ng Zero Balance Billing, hanggang ngayon, hindi pa na – hindi pa alam ng marami.

‘Yung mga – ‘yung sa PhilHealth, ‘yung added benefits na nilakihan natin ‘yung treatment sa dialysis, sa cancer, sa buntis. Lahat ng mga basic na pangangailangan ay we increased the coverage.

Tapos mayroon ‘yung – may sector ng community, ‘yung – nagbibigay naman tayo ng allowance na every year PhP20,000 na free medicine. So, hindi alam ng tao ito. Kasi pumupunta pa ako sa hospital, sasabihin sa akin, “Ay naku, kasi napakamahal ng gamot.”

Eh sabi namin eh, “Teka, hindi ka dapat nagbabayad ng gamot.” So, mayroon bang ganoon? So, dapat ipaano natin. That’s…

And all of these funds will go through sa inyo – sa inyo dadaan lahat ito. So, tiyakin ninyo na mapunta sa tama. Tiyakin ninyo na tama ang pagkagamit at we have – it is efficiently used na walang masyadong wastage at saka hindi – mas mabilis ang paggawa. And all of these other programs were pinagsa –‘yan ‘yung sa barangay – ‘yung presidential scholar sa bara-barangay. Ayon na nga, ‘yung LGSF na binaba natin.

Lahat nitong – lahat ito dadaan sa inyo. So, we have to get it out there. Lalo ngayon, nataon na na nagka-oil crisis sa Iran. Kaya’t ito, alam naman natin kung anong epekto niyan and nararamdaman na talaga ng tao. Ginagawa na namin lahat pero in the end, to identify the most needy in each community, we need you.

And then more than that… Kasi kung kaming gagawa, magpapadala kami ng tao sa bawat bayan, iikot ‘yan, magse-survey. Usually, mali-mali pa ang makukuha nila dahil hindi taga roon. So, we’re depending on you for that.

But at the same time, not only in terms of making the list, but also ‘yung sa pagbigay ng benepisyo sa ating mga nangangailangan na mga kababayan.

So, let – be conscious that the – we should be – we should now view the national government and the local government as working together as one.

Hindi kagaya ‘yung separation noon na national ‘yan. “Hindi, wala kaming ano diyan.”

And that’s why pinapalitan namin ‘yung – pinapalitan namin lahat – na tinitingnan talaga namin kung ano ba ‘yung rules, kung ano ba… Ito, hindi naman masyadong connected dito sa ano. Pero one of the rules… ‘Di ba para sa atin, laging sila sinasabi, national road, sa national ‘yan, ‘di ba? Provincial roads, province ang gagawa, municipal road, barangay road, et cetera. Hindi totoo pala ‘yun.

Puwedeng national, pumasok, magpagawa ng provincial, ng city, ng barangay road. Kung gusto ng national gawin, puwedeng gawin. There’s no – there’s no limitation to that.

So, that’s one of the examples. [Inaudible] sinabi, hindi, itapon niyo na ‘yung pag-iisip na ‘yun. We’ll just do it. Para magawa kasi, sasabihin, “Sampung taon na namin hinihingi ito. Hindi namin magawa-gawa.”

Wala pang isang kilometro, maliit lang naman ng kalsada, ba’t hindi matapos-tapos? “Eh kasi municipal road po ‘yan eh. Hindi puwede natin gastusan.” So, what ‘di ba? Edi gawin na natin. That’s the attitude that I’m coming with.

That you know, we have sometimes given ourselves limits on what we can do. Maybe it’s time to think ahead, think bigger.

Dapat na lahat ng – basta’t magawa, it doesn’t – para sa akin, it doesn’t matter kung sino ang gagawa, who gets the credit, who funds it, it does not – hindi importante sa akin. Basta’t magawa.

At saka sasabihin eh “Hindi, national project ‘yan, ‘yung local na lang ang nag-aano, getting the credit.” Sabi ko, eh di ibigay mo sa kanila. Ano ba naman sa atin ‘yun? ‘Di ba? It doesn’t matter to me.

As long as the project, the program, the problem is solved, the program is rolled out, the project is done, and nararamdaman ng tao ang mga services, ang mga subsidy, ang mga tax break, kung ano-ano. Lahat ‘yan ay kailangan natin. Kailangan – basta gawin lang natin.

Eh siyempre, ano ba ‘yung lagi natin naririnig? “Boss, dahan-dahan, mako-COA tayo eh.” ‘Di ba? ‘Yun ang laging worry ng tao. Unfortunately, valid. That’s a valid fear. Because pinag-aaralan namin ‘yung the rules of COA, patong-patong. Patong-patong.

At saka kung gusto mo talagang makahanap ng ano, may mahahanap ka kahit kaunting violation. They will always be able to find something. So, inaayos din natin ‘yan.

I’m doing my best na i-rationalize ang – i-codify at i-rationalize ang mga rules para kung medyo may bagong idea… One of the changes that we make, ’yung sa procurement, dapat… Dati COA sinasabi, basta pinakamura. ‘Di ba?

Alam naman natin, hindi naman – not necessarily true ‘yun eh. Kasi, sabi ko, eh kung Makati ka, gusto kong bilhin ‘yung mahal. Kasi ‘yung mahal, tatagal ng 30 years ‘yan eh.

Eh ‘yung isang maliit na bayan, ito lang ang pondo ko eh. So, ‘yan na muna ‘yung bibilhin ko. O ‘di bale mga hanggang five years, baka puwede pa ‘yan. Pero bibili ka ulit after that time. ‘Di ba?

So, nasa kani – nasa sa inyo ‘yun. That’s why I always said, I should leave it up to you.

So, ginawa namin ‘yung procurement. Imbis na ‘yung ganiyan, ay ginagawa… Lahat ng gustong mag-supply, ilalagay natin – ‘di ba nilalagay natin ngayon, basta’t accredited sila.

At saka hindi na mahirapan ang lahat, hindi na mag-iinspeksyon masyado ang COA dahil printed eh, nasa labas naman doon eh.

Ang halaga nitong ano na ito, nitong copy machine, papel, whatever it is na mga supplies na binibili natin, eh ‘yan ang presyo talaga.

Ngayon, kung ikaw napakayaman na malaking city, o sige, bilhin niyo ‘yung kaya ninyo. Eh kung maliliit lang eh, hindi ganoon kalaki ang pondo, ‘di kung ano ‘yung kaya ninyo. Basta’t kayo mamimili. It’s up to you.

In other words, we leave it to the local governments to decide what is best for them.

Hindi naman pare – all – local governments are all very similar but they are all different.

So, it’s not – that’s why we recognize in the national government that that is not – ‘yung tinatawag na one size fits all. Eh hindi ba – siyempre kailangan lahat ng healthcare. Lahat kailangan ‘yung ayos ‘yung [inaudible]. Kailangan lahat – ‘yung mga basic, ‘yung mga – siyempre dapat may infra na mga development. ‘Yan, magtatayo ng mga school building. Dapat may mga tulong sa hospital. All of these things, of course.

But many, many provinces, many cities, many municipalities, they are – we are all a little bit different in one way or another kaya ‘yun ang nire-recognize ng national government ngayon.

And so, that’s why, we leave more decisions to the local government. As many decisions as possible.

This is a simple… Natutunan ko ito in business school, na kapag ang decision kailangan pang umakyat hanggang… Halimbawa, in my case sa presidente, tapos ide-decide, tapos baba ulit ‘yan, isang taon ‘yun.

Natawa kayo, alam niyo eh.

Isang taon ‘yun.

Kung ang Sanggunian mag-decide, eh mahaba na ‘yung tatlong buwan eh. Kasi hihingin ng tao, “Ano na ba? Ano na ba? Nasaan na ‘yan? Mag-session na kayo, i-take up na ninyo ito. Inaantay na namin.” ‘Di ba?

And you can do it. Kayang-kaya naman ninyong gawin ‘yun every –

Edi lagay niyo sa agenda, [inaudible], isang session, tapos. Okay.

Kung sa amin, dadalhin niyo pa sa akin, papa – makikita ko ‘yung request. “O sige, pag-aralan ninyo. Hindi ko alam ‘tong mga ito. Hindi ko alam ‘yung lugar na ito eh. I’m not familiar with the problems here. I don’t know what –not quite sure kung anong pinag-uusapan nila, bakit ‘yan ang problema nila.”

Papadala na naman ng tao sa inyo. Sasabihin, “Boss, ano ba ito? ‘Yan, ganiyan, ganiyan.” Atmagbibigay ng report at pag-uusapan namin nang matagal. Tapos, bago mag-decide. Oh tapos, pag na-deny pa, wala na, nag-antay kayo nang matagal.

So, we leave as much of the decision-making as possible to the local government.

We have… The lines between national funds and local government funds are still there but it does – for me, it’s not important if the national government funds are administered by local government. Because I always believe, and I have said this many times na walang mas expert sa isang lugar kundi ‘yung mga taga roon. Kaya anong gagawin ko, tiga-Batac ako, anong alam ko doon sa mga lugar ninyo.

Sasabihin ko, “Hindi. Dapat ganiyan kasi doon sa amin eh ganitong – ganitong ginawa.” Doesn’t necessarily apply. And so that’s what – that’s the way, the thinking that we are applying now. And so be prepared na mas marami kayong gagawin pero mas marami – ‘yung mga initiative ninyo, mga ideya ninyo, mas may chance kayo na puwede niyong i-implement.

Okay, so, ‘pagtibayan natin ang cooperation, ang koordinasyon ng local at saka national at ‘yan ang talagang magkaka-synergy and mararamdaman ng tao kaagad.

Okay. Maraming salamat. Congratulations uli.

[applause]

— END —