Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. during the Awarding of Certificate of Entitlement (Presidential Proclamation 436 s. 2003), Theme: “Katiyakan sa Paninirahan, Kaunlaran ng Pamilyang Pilipino”
Maraming salamat sa inyong mga init na pagsalubong na ibinigay sa amin… sa aking at sa aking sumunod na.. …(oh, magsiupo muna kayo)…
At naalala ko noong last time ako napunta rito, eh yung food festival ang pinuntahan natin at mabuti naman at nagkaroon ako ng pagkakataon na makabalik.
At napakahalaga nitong ating ginagawa ngayon dahil ito ay katuparan ng ito…kung makikita po ninyo certificate of entitlement under sa Presidential Proclamation No. 436 Series 2003 pa ito.
Kaya, maraming po sa ating mga kababayan ay nakatira at kanyang inaalagaan ang kanilang lupa, ngunit walang katiyakan kung ano ang kanilang status dito, sa kanilang tinitirhan, na mga pag-aari, kung paano pag-aari, yung kanilang tahanan, kung ano ba, ang kanilang sitwasyon, ano ang kanilang status tungkol diyan.
Kaya sa pamamagitan nitong ating ginagawa na pagbibigay ng Certificate of Entitlement, ay natiyakan na po ating mga benepisyaryo na sila po ay maari na, dahil hawak na ang Certificate of Entitlement, mapabilis ang proseso sa pagbibigay ng titulo ng mga lupa, ng lupa ninyo, at saka property ninyo para ngayon ang mga anak ninyo mas maliwanag na ngayon ang inyong sitwasyon at iisipin kung ano yung mga mangyayari sa inyo.
Masyado na pong nahaba ang 23 years, mahaba masyado nag-antay. Kaya mabuti ay gagawaan ng mga natin ito. Ito ay kasama doon sa, kasama po ito sa ahensya ng 4Ps na ating ginagawa para sa mga nangangailangan ng tulong ng mga kababayan natin.
Kaya isama na po natin itong pagbibigay ng Certificate of Entitlement.
At sa tulong ng programang ito, mabibigyan ng Certificate of Entitlement ang mahigit isang libo’t isang daang (1,100) benefisyaryo dito sa Lunsod ng Lucena.
Ngayong araw, isang daan (100) naman ang awarding sa Pamahalaan ng Lunsod ng Lucena.
At ito ay nagpapatunay na may karapatan na sa kayo sa mga lupa na tinitirhan ninyo, may karapatan bilang may-ari ng lupa ng inyong tinitirahan.
At ito, kung iisipin natin simpleng bagay pero napakahalagang bagay po ito dahil alam naman natin na kayo hindi kayo nakakasiguro, hindi kayo nakakatiyak na ang inyong nagiging tirahan ay nasa inyo talaga at wala kayong hawak na titulo hindi kayo nakakasiguro kung ano yung mangyayari sa, hindi na bale, eh tayo o siguro ibang inaalala natin, ang pamilya natin, ang mga anak natin, kung paano mangyayari sa kanila kapag hindi natin naituloy itong programang ito.
Kaya’t ako’y natutuwa na sa ating administrasyon ay naituloy natin at masasabi natin na nabigay natin ang katuparan ng Presidential Proclamation na ito at napatunayan natin na ang ating mga kababayan na nangangailangan ng titulo para sa kanilang lupa ay magkakaroon na ng titulo dahil nabigyan na ng Certificate of Entitlement.
Congratulations sa ating mga benepisyaryo at ipagpatuloy po natin ito.
At gaya po ng sinabi ng ating butihing Secretary, ay mga tatlong libo at limang daan (3,500) ang matutulungan natin dito sa programang ito.
Maraming maraming salamat po. Magandang umaga po sa inyong lahat.
— END —