Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Turnover Ceremony of Laptops Under the DepEd Computerization Program in Dagupan City
Thank you very much, DepEd Secretary, Secretary Sonny Angara; nandito rin kasama din natin… [Please be seated] kasama din natin ang ating Agrarian Reform Secretary, Secretary Conrado Estrella; Pangasinan Governor, Governor Ramon Guico; Dagupan Mayor Belen Fernandez; at kasama ko ang isang kapwa teacher ninyo, the First Lady, First Lady Louise Araneta Marcos [applause]; at ating mga mahal na mga guro at ang ating mga mag-aaral; my fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen.
Isang magandang araw po sa inyong lahat.
Ikinagagalak kong makasama kayo ngayon sa pamamahagi ng mga laptop para sa ating mga guro sa ilalim ng Computerization Program ng Department of Education.
Masaya ako makabalik dito sa Pangasinan. Parang kahapon lang, bumisita ako dito noong Setyembre para sa isang tech-driven food manufacturing hub.
Kung noong nakaraang buwan ay tungkol sa pagkain ang ating pinag-usapan, ngayon naman, nagbalik tayo para naman sa ating mga minamahal na guro.
Una sa lahat, nais kong pasalamatan ang lahat ng guro na narito. Alam namin kung gaano karaming oras, lakas, at puso ang ibinibigay ninyo sa inyong trabaho.
Sa maraming pagkakataon, tumatayo rin kayong pangalawang magulang sa inyong mga estudyante. Kayo ang gumagabay, nakikinig, at nagbibigay ng lakas ng loob sa kanila habang sila ay lumalaki.
I know this because I have seen it up close. As I mentioned to you, my wife, the First Lady, Liza, is a teacher also. I see how the work follows her home, just as it does for so many of you.
And when we ask so much of our teachers, we must also make sure that you have the tools that you need to do the work.
Unfortunately, in schoolyear 2023 to 2024, only 16% of our teachers had a government-issued laptop. I know many of you bought your own, used your own salary, just to do the work that you have to do. That should not be your burden anymore.
Tinugunan po natin ang kakulangan ng mga computer para sa ating mga guro. At tiniyak na maihahatid ang mga ito sa lalong madaling panahon. Sinigurado rin natin na dumaan ito sa tamang proseso alinsunod sa batas at malinis mula umpisa hanggang dulo.
Today, I am happy to be able to report that we are currently procuring more than 230,000 additional laptops for our teachers. [Applause] This consists of around 169,000 Apple MacBook Neo units and more than 62,000 Acer Swift Air 14 units.
In addition, we also procured around 3,600 MacBook Neo laptops for the admin staff so they can process the necessary paperwork faster to help keep our schools running efficiently.
Ang mga kagamitang ito ay para tulungan kayong gumawa ng mga aralin, gumamit ng mga digital tools sa pagtuturo at tapusin nang mas mabilis at mas maayos ang mga gawain sa paaralan.
Mas mura ang bawat laptop kumpara sa karaniwang presyo nito sa merkado. Kasama din dito ang delivery, limang taon warranty, software at training. At nasabi sa akin nung isang guro, isang malaking nakakatulong dito, itong laptop na nabili namin, napakahaba yung tagal ng baterya. Tumatagal ito ng mga 8 hours dahil kami, hindi namin nararamdaman ‘yan dahil yung mga computer namin nakasaksak lagi ‘yan.
Pero oo nga naman, ang mga guro ay naka-on lagi ‘yan buong araw. Kaya kumuha kami, namili kami ng tatagal ng isang buong araw. Dahil dito, nakatipid ang ating pamahalaan ng isang bilyon at apatnaraang milyong piso. Ang anuman natipid, ay mailalaan sa ibang pangangailangan natin sa edukasyon.
Mga kababayan, tuloy-tuloy ang suporta natin sa ating mga guro. Kasama ng mga laptop na ito, ang tulong at pagsasanay upang mas mapakinabangan ninyo ang mga ito sa inyong pagtuturo.
Kaya sa inyo pong mga guro, hindi ninyo kailangan harapin ito na nag-iisa. With partners such as Apple and the National Educators Academy of the Philippines, we will help you use these tools in your classroom so you can make the most out of them.
Here in Dagupan City, 209 laptops will be allocated across 10 public schools, including 72 laptops for the Dagupan National High School. [Applause]
And we do not stop there. Katuwang natin ang pribadong sektor sa pagpapalawak ng digital na edukasyon sa ating mga paaralan. Kabilang ang pagbibigay ng laptop para sa mga guro.
Marami ring lokal na pamahalaan ang naglalaan ng computer at iba pang mga kagamitan para sa ating mga paaralan. Nawa’y dumami pa ang mga LGU na tumutulong sa mga pangangailangan ng ating mga guro at mag-aaral.
Inaayos din natin ang paghatid ng maaasahang internet sa bawat pampublikong paaralan. Sa tulong ng internet, masusulit natin ang mga kagamitan tulad ng mga laptop naipamahagi natin ngayon. Mas marami kayong mapagkukunan sa pagtuturo at mas maraming matututunan ang ating mga estudyante.
Because when we provide our teachers with the tools they need for work, we are also ensuring that our children are learning better. We are giving our learners greater opportunities to compete with their peers around the world. And we are ensuring that our learners have a greater chance of winning in life.
Aming mga minamahal na guro, sa bawat batang inyong tinuturuan, may buhay kayong hinuhubog at pangarap na tinutulungang maabot. At sa bawat bata na inyong ginagabayan, hinuhubog din ninyo ang kinabukasan ng ating bayan.
Ang sabi nga nila, ang pagtuturo ay isang bokasyon at araw-araw pinipili ninyong tumugon sa pananawagang ito. Kaya naman, araw-araw ay sinisiguro din natin na natutugunan namin ang inyong mga pangangailangan.
We will continue to provide whatever resources it is that you need. And we will make sure that every peso entrusted to the government for our children’s education is spent wisely and properly.
In return, all I ask for you is to do your best. Teach, to guide, to inspire our young people to become the best that they can be.
Sabay-sabay nating patibayin ang pundasyon ng ating edukasyon kasama dito ang kinabukasan ng bawat batang Pilipino.
Maraming salamat.
Mabuhay ang ating mga guro at mga kawani sa paaralan.
Mabuhay ang Bagong Pilipinas. [Applause]
—END—