Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Turnover Ceremony of Bagong Pilipinas Mobile Clinics in 28 Provinces (Regions IX, X, XI, XII, XIII, and BARMM)

Speeches 20 September 2024

Maraming salamat sa ating Department of Health Secretary, Secretary Ted Herbosa.

[Magsi-upo po tayo.]

Andito rin po at napakahalaga sa koordinasyon ng lahat ng ating mga proyekto, na programa na kasama ang mga LGU. Andito po para ay — siya’y namamahala doon sa koordinasyon nga national government at saka local government, ang ating Secretary ng DILG, Secretary Benhur Abalos. [applause]

Ating mga ama ng iba’t ibang lalawigan: Zamboanga del Sur Provincial Governor Victor Jo Yu, Zamboanga Sibugay Provincial Governor Dulce Ann Hofer, Davao de Oro Provincial Governor Dorothy Montejo-Gonzaga, Maguindanao del Norte Provincial Governor Abdulraof Macacua. Andito rin si Datu Pax of Sultan Kudarat. Magandang umaga.

The Philippine Ports Authority General Manager Atty. Jay Daniel Santiago; the two 2GO Chief Financial Officer Will Howell; and all of these introductions will not be complete without this most important introduction to the First Lady, Louise Araneta-Marcos. [applause]

My fellow workers in government, friends and partners from the private sector, ladies and gentlemen, good morning.

Tayo po ay naririto, kasama ang Kagawaran ng Kalusugan, upang ibigay ang dalawampu’t walong Bagong Pilipinas Mobile Clinics sa iba’t-ibang probinsya ng Mindanao.

Talagang marami pang kailangan ayusin. Marami po palang kailangang ayusin para sa sistemang pangkalusugan dito sa ating bansa ngunit malinaw ang ating layunin: Bawat Pilipino, ramdam ang kalusugan.

Ang pagbibigay ng pangangalagang pangkalusugan sa lahat ay isang hamon na nangangailangan ng koordinasyon at matatag na pamumuno sa bawat antas ng pamahalaan.

Noong nakaraang araw lang po ay namahagi rin po tayo ng Patient Transport [Vehicles], kasama ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ilan lamang po ito sa mga hakbang ng Administrasyon patungo sa mas malusog na Pilipino sa ilalim ng Universal Health Care Act.

Para sa ating mga nakatira sa lungsod at bayan, madaling sabihin na ang pagpunta sa ospital o sa clinic ay isang mabilis na biyahe lamang—pero sa ibang bahagi ng bansa, ang pagpunta rito ay parang isang masalimuot na paglalakbay. Minsan, kinakailangan pang sumakay ng bangka, maglakad nang ilang oras, magdasal na sana’y makarating nang ligtas, magbabayad pa ng pamasahe.

Dito natin makikita [na] hindi lang distansya ang kalaban, kung hindi ang oras, ang pagod, ang gutom, at pangamba, at ang gastos.

Ang mga mobile clinics na ito ay bahagi ng ating malawak ng pangmatagalang plano sa ilalim ng Health Sector 8-point Action Agenda.

Sa pamamagitan ng mga mobile clinics at sa tulong ng lokal na pamahalaan, inaasahan natin na mapapalapit ang serbisyong medikal sa mga lugar na matagal nang nangangailangan ng higit na atensyon—ang mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o ‘yung tinatawag natin na GIDA.

Sa loob ng bawat unit, mayroong isang X-ray, ultrasound, at laboratory equipment—mga pangunahing kagamitan na makakatulong para sa early diagnosis.

Inikot po kami ni Secretary Herbosa sa loob nung isa nitong mga lab na van ay nakakagulat na naipagkasya nila lahat ng mga equipment na talagang kinakailangan kapag mayroon tayong mga — tawag natin dati, medical missions. Siguro ngayon hindi na medical mission dahil lahat ng pupuntahan nito ay magko-conduct ng medical mission. At lampas pa sa medical mission ito dahil tayo sa LGU ang medical mission lang natin, magpapadala tayo ng maraming doktor, ng dentista. Sinasamahan natin ng mga ibang agencies ng government, mayroon silang medical supply. Gano’n, ‘yun lang.

Kung mayroon mang kukunan ng dugo, kung mayroon kailangang gagawan ng testing, iuuwi pa sa ospital bago makuha ang resulta. Ngayon, nandito na sa loob. Nagulat nga ako, eh. It’s very impressive dahil pinagkasya nila lahat itong mga sophisticated na equipment at dito sa van na ganito. At kung nakita naman ninyo parang coaster lang ito, eh. Kahit saan, makapasok sa atin. Kahit ‘yung maliliit na lugar, makakapasok ‘yan. At hindi na kailangan iuwi ‘yung mga sample, na kailangan naka-refrigerator, kailangan naka-yelo, dadalhin pa sa ospital bago makuha ang resulta. Ito, andiyan na. Andiyan, lalabas at lalabas. Mag-aantay lang ‘yung pasyente at lalabas na ang resulta nung kanilang mga test. [applause]

Ito’y makakatulong sa early diagnosis. Mayroon ding konsultasyon na isasagawa para mabigyan ng payong medikal ang bawat pasyente.

Ang aking inaasahan din, dahil marami tayong mga areas na malalayo na hindi talaga — hindi makapunta sa ospital. Ginagawan natin ng medical mission.

At ang aking naging karanasan sa probinsya namin ay ito ‘yung unang pagkakataon na ang bawat pasyente ay magkaroon ng medical record. Pagka bumalik ‘yung medical mission doon, sasabihin: ‘Ako, nagpatingin ako dati. Pangalan ko si Juan dela Cruz.’ Hahanapin ‘yung record, ‘yung doktor, ‘yung mga nurse, alam na ‘yung gagawin. “Ah, ito ‘yung ano mo. Sige i-test ka namin kung—”

So, I think that’s — must be — we must include that as an important part of this na para doon sa area na ‘yan, ‘yung mga hindi masyadong, medyo malayo at hindi masyadong makapunta sa ospital, magkaroon ng medical record para habang tumatagal ang panahon nakikita kung sila ba’y lumalala ang sakit o gumagaling naman o nagka-komplikasyon. Para makita ‘yung record nila doon sa nakaraan, doon sa health status nila. And that’s a very, very important part dahil marami sa mga tauhan natin, marami sa mga kababayan natin, hanggang ngayon walang medical record. Matatanda na sila pero wala silang medical record. Pagpasok nila sa ospital, magpapatingin man sila ay ang doktor at saka ‘yung mga staff ng mga ospital ay tinitingnan pa rin sa starting from square one, ‘ika nga.

Kaya napakaganda itong pagkakataon na ibinibigay sa atin nitong programa na ito.

Sa mga serbisyo pong ito, mayroon tayong pagkakataong maiwasan o maagapan ang mga sakit tulad ng tuberculosis, diabetes, sakit sa bato, at iba pa.

Ngunit kahit gaano kagaganda at kamoderno ang ating mga gamit sa loob ng mobile clinic, ito ay mawawalan ng halaga kung hindi naman magagamit ng ating kababayan.

Dito po kinakailangan ang suporta at serbisyo ng ating mga lokal na pamahalaan.

Kayo po ang tulay ng sambayanang Pilipino at national government para magtagumpay ang programang ito.

Dahil sa bawat mobile clinic, ang dala natin ay higit pa sa medikal na serbisyo—naghahatid din tayo ng dignidad, ng tiwala, at ng pag-asa.

Pag-asa na sa kabila ng hirap na dulot ng malalayong lugar, maaabot sila ng pamahalaan.

Inaasahan po namin ang inyong pagkakaisa upang mapanatiling maayos ang mga mobile clinic, magagamit ito nang wasto, at makatulong sa ating mga kababayan.

Mula sa aking sariling karanasan, simula noong nasa local government pa ako, nakita ko na ang tunay na mahalaga sa ating mga kababayan ay iyong nakikinig tayo sa kanilang mga pangangailangan.

Dito natin malalaman ang mga gawain at mga gagawin at magkakaroon tayo ng mga plano at aksyon upang mapaglingkuran ang taongbayan – lalo na iyong malalayo – para mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino, hindi lamang ‘yung nasa malapit sa poblacion, hindi lamang ‘yung mga nakatira sa malalaking lungsod, kung hindi, kahit saang lupalop ng kahit na anong probinsya sa Pilipinas.

At sa ating mga kababayan sa GIDAs: ito ay para sa inyo; para sa bawat Pilipino, sa bawat barangay, sa bawat isla na nag-aantay ng tulong.

Ang kalusugan ay karapatan, hindi pribilehiyo. At sa bawat pag-usad ng mobile clinic, tinitiyak natin dama ito ng bawat [Pilipino].

Ito po ay… Bago po ako magtapos, hindi ko po maaaring magtapos kung hindi magpasalamat sa ating First Lady. Alam niyo kung bakit? [applause] Si Liza ay mayroon siyang proyekto na tinatawag Lab For All. Iyon ang nagdadala ng ganito rin, ganitong klase, mayroon silang trak, bus na nagdadala. Ganyan. At dinadala nila sa bawat probinsya at nagbibigay sila —binibigay nila. At hindi ko masyadong namalayan ito hanggang bumabalik na sa akin ‘yung mga report. Dahil ‘ang project ni First Lady ay walang kinukuha sa national government kaya’t hindi siya — hindi ko nalalaman ‘yung ginagawa nila dahil hindi naman siya humihingi ng pera sa national government.
Mayroon siyang — marami siyang mga kaibigan na pinagsama-sama niya na — ‘Tulungan niyo kami para gawin natin ‘yung project na ito. Dahil doon [applause] — napakapalad ko rin ano, na ‘ito ‘yung napangasawa ko ay talagang pareho ang aming pag-iisip na pagtulong sa bansa. [applause]

Papagalitan na naman ako mamaya niyan. Ba’t ko raw siya laging binabanggit. Kaya nga dahil doon ay naisip namin, damihan pa natin. Sundan natin ‘yung lead na ginawa nung kanyang programa na Lab For All.

So, Liza, wala na akong ibang sabihin. Ituloy mo lang ‘yung ginagawa mo [applause] at ang laking tulong ng ginagawa mo dito sa ating healthcare system. Tamang-tama, being a mother and a wife, it’s not surprising to see that this is the sector that you decided to work on at — and again, we thank you.

And this is important dahil sa Bagong Pilipinas, bawat buhay ay mahalaga. Bawat bata ay ating minamahal. Bawat pasyente ay dapat tinutulungan. Dahil kagaya ng — sa aking pag-iisip, alam ninyo, kahit pagandahin po natin ang ekonomiya, kahit na marami tayong maki-create na trabaho, kahit na mas malaki ang sahod ng bawat manggagawa ay ‘yan po ay hindi po mararamdaman kung ang tao ay may sakit at wala silang mapuntahan upang magpagaling.

Napakahalaga ng ating healthcare system at ‘yan po ay hindi po maaaring maging masaya kung ikaw ay may sakit, kung hindi mo alam kung ano ‘yung karamdaman mo, kung papaano mo gagamutin.

Kaya’t ‘yan po ay isa sa pinakamahalagang bagay sa ating ginagawa sa pamahalaan ngayon na makatulong sa healthcare system, na lahat ng mga mahihirap na leksyon na natutunan natin noong pandemya ay gagamitin natin para sa — para tayo ay maghanda kung mayroon sakali mang susunod na ganyan ay kahit na, hindi lang para sa mga krisis kundi sa pang-araw-araw ng pag-aalaga ng kalusugan ng ating mamamayan.

Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat! Magandang umaga po sa inyo.

[applause]

—END—