Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Site Inspection of the Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project in San Fernando, Pampanga

Speeches 3 July 2023

Maraming salamat sa ating DHSUD Secretary, Secretary Jerry Acuzar. [Please, magsi-upo na po kayo.]

House Speaker Martin Romualdez; ang ating kaibigan sa lahat ng project na ito at hindi lamang ito mamaya ay ibabalita ko sa inyo kung ano pa ‘yung mga aming ginagawa, our Vice Governor, Vice Governor Lilia Pineda; San Fernando, Pampanga Mayor Vilma Caluag; Social Housing Finance Corporation President and CEO Federico Laxa; my fellow workers in government; other distinguished guests; ladies and gentlemen, magandang tanghali po sa inyong lahat.

Binabati ko po ang mga minamahal nating kababayan dito sa San Fernando ng isang mainit na mayap a abak kekayu ngan! [applause]

Ginagawa ko Ilocano kaya pagbigyan niyo na lang ako at matigas pa ‘yung dila ko.

Masaya po akong makasama kayo ngayong araw upang sabay-sabay nating saksihan ang site inspection ng mga ipapatayong pabahay na handog ng ating pamahalaan.

Ito pong “Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing” or 4PH Program ay isa sa mga prayoridad na programa ng kasalukuyang administrasyon.

Layunin po ng programang ito na magpapatayo ng mga pabahay na malapit sa mga mahahalagang pasilidad na kinakailangan para sa mas produktibong pamumuhay.

Layunin po natin na magpapatayo ng isang milyong pabahay kada taon hanggang matapos ang aking anim na taong termino bilang Pangulo.

Isa po ito sa mga proyekto na talagang tinututukan natin dahil alam po natin ang bigat ng problema sa kakulangan ng pabahay sa ating bansa.

Kaya naman, patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno sa buong bansa — mula sa Luzon, Visayas, hanggang sa Mindanao.

Ito po ay matitiyak natin, mapapalawig ng 4PH para mas maraming Pilipino ang maaabot at makikinabang dito.

Siniguro po natin na aabot ang proyekto dito sa San Fernando, Pampanga.

Dito po mismo sa kinatatayuan natin ay magkakaroon ng tatlumpung gusali na mayroong 8,352 na bahay.

Maraming pamilyang Pilipino ang siguradong makikinabang sa mga komportable, abot-kaya, at ligtas na pabahay na ito.

Mayroon ring sapat na paradahan para sa mga sasakyan na magagamit ang ating mga benepisyaryo.

Maliban sa pabahay, hangad ng programang ito na mabigyan ng isang matiwasay na komunidad ang mga maninirahan.

Bukod pa riyan, siniguro rin natin na ang residential units ay malapit sa mga eskwelahan, sa mga ospital, pamilihan, at iba pang mga recreational facilities.

Isa po itong patunay na masusing pinagplanuhan ang programang ito dahil hindi lamang mga bahay ang itatayo, kundi ang pangkalahatang komunidad.

Gusto ko po muling pasalamatan ang ating mga masisipag na kawani sa DHSUD o Department of Human Settlements and Urban Development sa pamumuno ni Secretary Jerry Acuzar. [applause]

Marami na po tayong groundbreaking ceremonies na nasimulan. Ang site inspection na ito ay parte lamang ng proseso upang matiyak natin na maitayo ang mga Pambansang Pabahay Para sa mga Pilipino.

Bale tinutukso ko ‘yung ating butihing Kalihim ng DHSUD, sinasabi ko sa kanya, “Panay ang groundbreaking natin baka hanggang diyan na lang ‘yan.” Ika niya, “Hindi, pagka mayroon na tayong ipapakita, dadalhin kita doon para makita mo na talagang may tumatayo.” Mukha namang totoo ang kanyang sinabi. [applause]

Ngunit hindi maaaring magawa itong mga ganitong klaseng malalaking proyekto kung hindi nagkakaisa at nagtutulungan ang local government at saka ang national government.

Kaya’t isang taos-pusong pasasalamat din sa lokal na pamahalaan ng San Fernando para sa ipinakita niyong tiwala at suporta sa programang ito.

Kayo ang unang takbuhan ng ating mga kababayan kaya naman po ay inaasahan ko ang inyong patuloy na agarang aksyon at tapat na serbisyo.

Nagpapasalamat din ako sa ating mga katuwang sa Social Housing FinanceCorporation [applause], at sa mga pribadong sektor na nagsisilbing kaagapay ng gobyerno sa mga proyektong gaya ng 4PH.

Ito po ‘yung ating madalas na pinag-uusapan na pinagsasama-sama po natin hindi lamang ang pamahalaan, hindi lamang ang isang departamento, kung hindi lahat ng departamento ng buong pamahalaan.

Ngunit hindi pa roon, bukod pa roon ay ating isinasama rin ang private sector dahil ang sinasabi natin kahit ginawa natin lahat sa pamahalaan, hindi natin kayang gawin ‘yung ating ninanais atating pinapangarap kung hindi natin kasama at nagiging partner ang ating mga private sector na malaking naitutulong.

And to give credit to our private sector partners, noong tayo’y lumapit sa kanila at sinabi natin “mayroon tayong proyekto, sana kayo ay makilahok dito sa aming ginagawa” ay masasabi ko naman na tunay na Pilipino at nagsasabi “kung anong magagawa namin, itutulong naming kaagad.” Kaya’t maraming, maraming salamat sa ating private sector partners, sa ating mgafinanciers. [applause]

Magtulungan po tayo. Pairalin natin ang bayanihan sa lahat ng oras. Ito ang susi sa sama-sama nating pag-ahon mula sa pagsubok na ating kinahaharap.

Sa ating pagkakaisa, tiyak akong hindi lang mabubuo ang ating mga pangarap na pabahay.

Makakamit din natin ang isang mas maliwanag at masaganang kinabukasan para sa ating lahat.

Dakal a salamat at mabuhay kayong lahat! Maraming salamat po at magandang tanghali po sa inyong lahat. [applause]

— END —

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)