Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” Launch Event

Speeches 23 February 2026

Thank you to our Executive Secretary, Secretary Ralph Recto – [please take your seats] – for your kind introduction.

The members of the Cabinet who are here with us today; of course, the officers and members of the League of Provinces, League of Cities, League of Municipalities of the Philippines; the civil society organizations who are our partners in development; my fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen.

Good morning.

Today, this Administration launches “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang,” an initiative anchored on the principle that our local government must be empowered to respond to the needs of the people.

Bilang local chief executives, kayo ang unang nakakaramdam ng problema at unang nakakarinig ng mga hinaing. Dahil kayo ang nakakaalam ng tunay na kalagayan sa inyong komunidad, sa inyo nagsisimula ang pagbabago.

For more than three decades, the Local Government Support Fund, or the LGSF, aside from the National Tax Allocation, has served as the bridge between the national government and local communities.

Ang mga proyektong pinondohan ng LGSF ay agarang naghatid ng suporta at ginhawa sa ating mga kababayan. Ilan sa mga ito ang pagsemento ng farm-to-market road, halimbawa, sa Barangay Putlan sa Nueva Ecija, ang pagsasagawa ng school building sa Camuning Elementary School sa CamSur.

Nakapaghatid din tayo ng kuryente gamit ang renewable energy sa Barangay Sayon sa Agusan del Sur at naipaayos natin ang Gigaquit Waterworks System sa Surigao del Norte.

However, in the past, it worked mainly as – shall we say – a demand-driven system.

Inilalabas lamang ang pondo kapag ang lokal na pamahalaan ay nakapag-submit ng lahat ng requirements para sa panukalang proyekto. Hindi maikakaila na minsan, mahirap at mabagal ang proseso – kung minsan pa nawawala ‘yung request – lalo na sa mga maliliit at malalayong mga LGUs. Nakakagulat ano nawawala ‘yung request. Bakit kaya ‘yun? [laughter]

Kaya’t inutos ko na tutukan ang mga problemang ito. Nagsagawa tayo ng malawakang konsultasyon kasama ang ULAP, the League of Municipalities of the Philippines, League of Cities ng buong Pilipinas upang tukuyin kung anong mga hakbang ang kailangan nating gawin.

Una, tinaasan natin ng mahigit 34 na bilyong piso ang ating LGSF para sa 2026. [applause] Kaya’t sa kabuuan nito, umabot na ang pondong ‘yan sa halos 58 bilyong piso— pinakamataas sa buong kasaysayan ng LGSF.

Bukod pa riyan, pinabilis at pinadiretso na natin ang pagdating ng LGSF sa bawat lokal na pamahalaan. [applause] Ginawa namin ito dahil sa pagkilala na ang pangangailangan ng tao, gaano man kaliit o gaano kalaki ay hindi pa naghihintay pa.

Upang matiyak na ang bawat sentimo ng pondo ay malinaw ang direksyon, nagtakda tayo ng mga prayoridad na programa na magpapalakas ng ating mga sektor.

Sa usaping pagkain, mula sa LGSF, mamamahagi tayo ng 60 kilong bigas sa higit limang milyong pamilyang Pilipino. [applause] Makakatanggap ang bawat pamilya ng 10 kilong bigas sa loob ng anim na buwan kada taon.

Sa tulong na nito, may maihahain na sa hapag ang bawat pamilyang Pilipino. Mas magiging maayos ang nutrisyon ng ating mga kabataan, at kahit papaano’y gagaan ang gastusin sa araw-araw.

Popondohan din natin ang pagtatayo ng mga ospital at health station, sisikapin na magdagdag ng mga medical equipment upang maging mas abot-kamay ang serbisyong medikal. Inaasahan nating mababawasan ang pag-aalala ng mga Pilipino sa kanilang kalusugan.

Kailangan na rin nating paigtingin ang ating paghahanda laban sa mga sakuna na pinalala ng climate change.

Bibigyan natin ng suporta ang ating mga kababayan upang magkaroon ng multi-purpose halls, sports facilities, iba pang mga pasilidad na maaaring magamit bilang evacuation centers. At iba na ang disenyo nito upang kaya na kahit na gaano kalakas ang bagyo o lindol na dumating sa atin. Magsisisilbi ito na lugar para sa pagkatuto, pagsasanay ng mga atleta, at ligtas na masisilungan tuwing may sakuna.

Susuportahan din natin ang pagsasagawa ng farm-to-market roads at local road networks upang mapabilis ang galaw ng mga produkto, ng serbisyo, at ng mga mamamayan. Makakatulong ito upang bumaba ang presyo ng mga bilihin at tumaas naman ang kita ng mga nagsasaka.

At patuloy din natin isinasaayos ang mga water supply systems at electrification projects. Mababawasan nito ang pangamba ng ating mga kababayan—kung saan kukuha ng malinis na tubig o kaya naman, kung ligtas ba ang kanilang komunidad pagka gabi.

Bahagi ang LGSF ng mas malawak nating layunin na isulong ang Bagong Pilipinas kung saan ang pag-unlad ay nararamdaman sa bawat rehiyon at bawat komunidad.

Ngayong 2026, nai-release na ang humigit kumulang PhP1.19 trillion na National Tax Allotment para sa mga LGU. Mas mataas ito ng higit 15 porsyento kumpara ng 2025. [applause] Ibig sabihin, mas kaya na ngayon ng ating mga LGUs na pondohan ang mga programang kailangan ng kanilang nasasakupan.

Mamayang hapon, sasaksihan din natin ang isa pang resulta ng pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan. Sa kasunduang ito, mas mapapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa ating mga komunidad. Nauna nang lumagda ang mga gobernador noong February 11; ngayon naman—mga city mayors.

Maisasakatuparan lamang ang ating mga hangarin kung patuloy ang ating pagkakaisa at ang ating koordinasyon.

Patuloy din nating ipakita ang tunay na diwa ng pagiging lingkod-bayan: may kakayahan, may integridad, at may malasakit sa kapwa.

Ngunit ang diwa na ito’y hindi lamang para sa mga halal na opisyal. Ito ay dapat taglay sa bawat Pilipino.

Kaya’t umaasa ako na magiging bahagi ang lahat ng sama-samang pagsisikap para sa mas progresibo, mas maunlad, at mas makatarungang lipunan.

Hinihikayat ko ang lahat na makilahok upang ang mga proyekto sa inyong komunidad – at maging katuwang ng pamahalaan sa pagtiyak na ang pondo ay napapakinabangan ng bawat mamamayan.

Sama-sama nating itatag ang Bagong Pilipinas na mas handa sa hamon, mas bukas sa oportunidad, mas maunlad para sa mga susunod na henerasyon.

Maraming, maraming salamat sa inyo at mabuhay kayong lahat. [applause]

— END —