Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Pamaskong Handog Mula sa Pangulo
Magandang umaga po sa inyong lahat. [cheers and applause] Merry Christmas! Happy New Year!
Nakakatuwa pa rin makita ko kayo ulit. [cheers and applause]
Mabuti na lang at hindi na kagaya ng kampanya na pare-pareho tayong mga puyat at gutom na basa sa ulan at saka nakabilad sa araw. Medyo mas relax tayo ngayon.
Pero mabuti naman at kahit papaano โyung ating pagsasama na napakatagal na ay hindi naman napapatid at patuloy pa tayong nagkakaisa, patuloy pa tayong nagkikita, [cheers and applause] patuloy pa tayo na nakaka โ at least once in a while ay nagsasama pa tayo at makilala ko ulit at magpasalamat ako ulit sa inyo, sa inyong naging tulong, sa inyong naging suporta, hindi lamang sa nakaraang halalan, kung hindi sa mga nakalipas na halalan. At kayo ang laging nandiyan at lagi kong naaasahan na kahit saan ako pumunta [cheers and applause] ay nandiyan โyung grupo na โyan pulang-pula at malakas ang sigaw. [cheers and applause]
Hindi umaalis hanggang tuhod na โyung tubig. [laughter]
Apat na araw na โ apat na oras nang nakabilad sa araw hindi pa rin umaalis. Iyan ang FIRM! [cheers and applause] Maraming salamat sa inyong lahat.
Sinama ko na si Yorme kasi โ para ipakilala sa inyo eh kasama naman talaga natin ito sa lahat ng ating mga lakad. Alam mo mayor itong mga ito kahit saang lupalop, kahit saan ka pumunta sa Pilipinas, โpag nagkakampanya kami, may grupong ganito pula. [cheers and applause] At saka totooโฆ Suot-suot โyang t-shirt nila na FIRM, โyung picture ng mother ko nandiyan saโฆ [cheers and applause] Nandiyan lagi โ laging naging malapit sa puso.
Kaya naman ay hindi ko po kayo makakalimutan. [cheers and applause] At para naman mayroon tayong kaunting salo-salo. Mayroon po tayong kaunting hinanda na Pamaskong Handog galing po sa amin, galing po sa First Family. [cheers and applause]
Galing po kay First Lady Liza. Ito si โ hindi na Congressman Sandro, Majority Floor Leader na ito. Sikat na ito. [cheers and applause] At saka โyung dalawang anak ko, si Simon at saka si Vincent. Para makilala nila kung sino talaga ang kaibigan ng mga Marcos, itong grupo ng FIRM. [cheers and applause]
Siguro magsimula na tayo. Mag kaunting pasaya at mukhang magkakabunatan mamaya. Siguroโฆ Sikat na โyung premyo natin ngayon. Dati mga small time lang โyung premyo natin, ngayon medyo maganda-ganda na โyung mga prize.
Kaya asahan po ninyo na kahit hindi tayo nagkikita, kahit hindi tayo nagsasama, kahit hindi tayo nag-uusap at sa telebisyon na lang tayo nagkikita, asahan po ninyo na sa puso ng pamilyang Marcos [cheers and applause] mula po sa aking โ sa mother ko, si Imelda; sa First Lady; sa lahat po ng aking pamilya; [cheers and applause] hindi lamang ng First Family kung hindi โyung buong pamilyang Marcos po, asahan po ninyo na sa puso ng lahat ng Marcos ay may lugar na hindi mawawala. [cheers and applause] At โpag binuksan po โyan, makikita pa ng mga doktor may nakasulat doon โFIRMโ. [cheers and applause]
Kaya maraming-maraming salamat sa inyong tulong. [cheers and applause] Hindi ko po masusuklian ang inyong napakagandang loob na ipinakita sa amin sa ilang taon na. Siguro labis na sa isang dekada na tayo ay nagsasama. Asahan po ninyo hindi po kami nakakalimot. Lagi kayo ay nasa isip namin. [cheers and applause] At mas mahalaga, lagi kayo ay nasa puso namin.
Maraming-maraming salamat. Merry Christmas! Happy New Year!