Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at Bawat Bayan Makikinabang: Tarlac
Maraming, maraming salamat. Magandang umaga po. Naimbag nga bigat kanyayo amin apo.
At maraming salamat sa napakinit na natanggap kong salubong mula pa sa labas. Nandoon yung ating ibang mga presidential scholar. At dito sa loob sa inyong gymnasium at ako’y masarap na mapunta nga sa bandang norte.
Pagka lumilipat ako, kung saan-saan ako pumupunta pero palapit nang palapit na doon sa amin sa Ilocos Norte. Nararamdaman ko talaga ang init ng inyong salubong. Maraming salamat. Thank you. [applause]
Ah nandito po ako, ang sadya ko po rito ngayon ay upang tingnan po ‘yung ating dalawang program na ginagawa at ito po ay ating binigay na konting tulong sa ating mga kababayan sa iba’t ibang pamamaraan.
Unahin ko… dalawa po yung program na ‘yan. ‘Yung una po ay ‘yung galing po sa tinatawag na LGSF, Local Government Support Fund. ‘Yan po ay pondo na nasa national government na talaga kagaya ng sa pangalan para suportahan ang local government.
Ngunit sa nakaraang panahon ay hindi masyadong maganda o hindi masyadong maayos o hindi masyadong nalalaman kung paano magamit yung pondo na ‘yan.
Alam ninyo, naging governor ako sa Ilocos Norte ng tatlong termino, siyam na taon ako dun. At sa nine years ako nag-governor, hindi ko… tinatanong ko sa aking mga kapwa-governor at tinatanong… paano ba ‘yung makakuha diyan, matulungan tayo ng LGSF.
Eh, sa nine years ko na naging gobernador, ni minsan hindi nasabi sa akin kung papaano makuha yung LGSF na yan. So in other words, walang sistema. Walang sistemang nakikita at hindi talaga nabababa ‘yung pondo na ‘yan. Kung saan-saan lang nagagamit.
Kaya’t sabi ko, noong umupo ako bilang Pangulo, sabi ko ito na yung pagkakataon ko.
Aayusin ko ‘yung sistema ng LGSF. Kaya’t ito po ang ginawa namin.
‘Yan po, imbis na ang national government pa ang magdadala, magbibigay, mamimili, kung sinong mabibigyan, kung saan ilalagay… ito po ay sinama po natin ang mga local government.
Dahil kagaya ng sinabi ko, ay ako sa politika, lumaki ako sa local government. Kaya’t naging vice governor ako, naging governor ako, naging governor ako ulit at doon ko talaga natutunan kung ano ba ang pangangailangan ng taong bayan.
At iba talaga ang trabaho kasi ng local government kaysa sa mga national official, mga congressman, mga senador, hanggang pangulo.
Kaya’t sabi ko, isama na natin, gamitin na natin sa tama yung LGSF, ‘yung Local Government Support Fund. Kaya po ‘yan ang aming ginawa at binaba na lang namin. Sinabi namin, magpatulong tayo sa local government.
Unang-una… dahil unang-una, isang malaking bahagi, itong mga nakikita ninyo sako ng… tigsasampung kilo na sako ng bigas, ito po ay ating binibigay para sa ating mga kababayan na nangangailangan.
Eh, nakakalungkot po pero ang katotohanan, marami pa sa ating mga kababayan na hindi nakakatiyak na makakain. Kahit sa isang araw minsan lang kumakain o sa dalawang araw dalawang beses lang kakain. Kaya mahirap naman kung ganoon.
At hindi ko makalimutan noong una akong umupo, in-interview po ako at tinanong sa akin, “Ano ba talaga ang ambisyon mo? Ano ba talagang pangarap mo para sa Pilipinas?”
‘Ika ko, simple lang naman. Ang aking iniisip ay sana masimulaan natin tulungan ng ating mga kababayan para makarating tayo doon sa araw na wala nang gutom na Pilipino. Kaya po ating ginagawa ito. [applause]
Kaya po, sabi ko gamitin natin ang local government, magpatulong tayo’ Dapat maganda ang ugnayan natin sa local government. At tanong sa akin, bakit local government? ‘Ika ko, kung tayo pa ang gagawa sa national government, paano? Sinong… maglilista tayo ng mga beneficiary.
Saan natin gagawin yung listahan? Magpapadala tayo ng tao sa kung saan probinsya, kung saan bayan. Magtatanong tayo, magi-survey, at alamin natin kung sino yung mga nangangailangan.
Gaano katagal ‘yun? Ilang buwan yun? Bago aakyat na naman ‘yung listahan, ipapadala na naman sa Office of the President. Tatanong na naman sa atin kung ano ‘yung gagawin, paano gagawin, ano ‘yung sistema. Ia-approve na naman ‘yun bago… bababa ulit para magpapadala na naman kami ng tao para mag-distribute.
Eh kako, napakatagal noon.Eh ‘yung proseso ‘yan, ‘yun lang sinabi ko, madali lang ang pagkasabi pero buwan-buwan ‘yan bago mabuo. Baka isang taong pa bago mababa ang serbisyo na binibigay natin sa tao.
Kaya’t sabi ko, huwag na natin gawin ‘yun dahil sa karanasan ko bilang gobernador, ‘yang mga listahan ng mga beneficiary, ‘yung mga listahan ng mga… ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong at nangangailangan ng may makain ay nasa kanila na ‘yan.
Dahil naalala ko, noong panahon ko doon sa Ilocos Norte, araw-araw namin inaayos ‘yang listahan niyan. Tinitingnan kung mayroon nang maayos na… naging maganda na ang buhay, puwede nang itanggal sa listahan.
Kung mayroon namang nagkakaproblema, idagdag natin sa listahan. Yun eh, araw-araw.
Sabi ko, ba’t pa tayo gagawa ng listahang ‘yun, eh tanong na lang natin sa gobernador, tanong natin sa mayor, tanungin natin sa mga barangay.
At ganoon ang ginawa namin. Kaya’t dito sa magandang ugnayan sa local government at saka sa national government, naibaba na. Mas mabilis ang pagbaba ng serbisyo at saka benepisyo na galing sa national government [applause] dahil maganda ang pagsasama at pagtulungan ng local government at saka ng national government.
Kaya’t ito po ay para ‘yan, nagawa na natin ‘yung kung sino mga magiging benepisyaryo at ito po ay binibigyan, bahagi ng LGSF na binigay natin sa ating mga local government official
‘Ika ko sa kanila, sana naman ay gawin natin na magbigay tayo ng kaunting bigas para sa ating mga kababayan na, iyon na nga, ay hindi nakakatiyak sa kanilang pagkain para
sa kanilang sarili, para sa kanilang pamilya.
Kaya’t ‘ayan po ‘yung tigsasampung kilo ng sako ng bigas na ibinibigay natin sa ating mga beneficiary para sila ay kahit papaano ay mayroon silang mailalagay sa kanilang mga hapag-kainan. Kaya’t ‘yan po ang isang bahagi sa programa ng LGSF.
At isa pa po, huwag ninyo pong iisipin na minsanan lang ito. Ito ay magbibigay kami nitong sampung kilo ng sako ng bigas, anim na beses sa isang taon. So, every two months magbibigay uli kami.
Kaya’t para matiyak naman ‘yung mga nangangailangan ay magkakaroon ng… hindi na mag-aalala na wala silang makain, wala silang ipapakain sa kanilang pamilya.
Dito sa Tarlac, makakatanggap ay tatlonglibo, 3,077 na benepisyaryo dito sa lalawigan ng Tarlac. At ito po ay ginawa na natin sa buong Pilipinas.
Para alam ninyo naman, eh kailangan talaga ay lahat ay pantay-pantay iyong ating ginagawa.
At hindi na para matanggal na, sasabihin noon doon lang… may nagsasabi, tinutulungan mo lang kung saan kayo nanalo, Kung saan kayo natalo, hindi kayo tumutulong.
Hindi po tayo ganoon. Basta Pilipino, tutulungan natin. Walang kinalaman ‘yung ganoon. [applause]
Kaya’t sa mga dalawang libo, halos dalawanlibo ang LGU natin sa buong bansa.
Nakapagbigay na tayo ng 1,276 na LGU, ng LGSF, ng tulong ng LGSF. Kasama na rin diyan yung RISE program na ating ginawa.
At ‘yung iba po na local government ay nakadalawa na, pangalawang bigay na. Kaya patuloy po ito, asahan po ninyo. At ito po ay para naman dahil nalaman naman natin na dahil sa giyera sa Middle East, ‘yung nangyayari, tumataas ang preso ng langis.
Siyempre, sumasama diyan yung presyo ng pagkain. Eh kaya po aming naisip gawin ito, hindi lang dahil doon, eh dati pa, bago pa nagkagiyera, mayroon na tayong ganitong programa.
Kaya’t ‘yan po ang aming tulong sa inyo at sana po ito’y makakapagbigay ng kahit kaunting ginhawa po. At hindi ninyo na po inaalala kung ano ‘yung kakainin ninyo, ano ‘yung papakainin ninyo sa inyong mga pamilya.
At yung sa LGSF naman, dahil hindi naman inubos dito ay mayroong mga sasakyan na nakuha para sa mga disaster response, multipurpose buildings sa Barangay San Isidro, Lapas, Capas.
At ‘pag tayo, naglagay tayo ng FMR, ng farm-to-market sa Gerona. Iyon kasi, ‘yun ulit, sinabi namin sa local government, kayo na ang bahala. At alam ninyo ‘yung sitwasyon dito sa inyo.
Kaya’t ganoon din ang ginawa namin para sa mga bara-barangay. Iba naman po, ‘yun ‘yung pangalawang programa na pinag-uusapan ko. ‘Yung pangalawang programa ay yung Socio-civic Development Program Fund—sorry, Social Civic Program Fund.
Ito po, ‘yung binibigay po naman natin ay binibigay din ng Office of the President, pinapadala sa ating lahat ng mga barangay, pinapadala po natin sila ng 200,000 piso bawat barangay. Para saan ‘yun?
Kung makita po ninyo, noong nasa labas, nakausap ko ‘yung ating mga nagiging presidential scholar. Ano po ba ‘yung presidential scholar? ‘Yung presidential scholar, ‘yung dalawangdaan libo na binigay natin sa mga barangay… sa mga bawat barangay, ang sabi lang namin, ‘yung isang daan libo doon, ‘yung kalahati dun, isang daan libo, doon sa 200,000, 100,000 gamitin ninyo para makapagbigay tayo na scholarship sa ating mga kabataan.
So bawat barangay, mamili sila ng lima na magiging presidential scholar. So, sa bawat barangay, may limang presidential scholar. Paghahatian ‘yung 100,000 na bawat isa ay makakatanggap ng P20,000. ‘Yun po yung binigay kong cheque sa… iyon ‘yung ABC at ‘yun po ang aming tulong para sa ating mga kabataan para sila’y makapagtapos. [applause]
Ang payo lang namin sa ating mga barangay officials, ‘ika ko, mamili kayo ‘yung malapit nang magtapos at baka hindi makapagtapos dahil kakulangan sa pagbayad, kailangan magtrabaho, kung anuman ang nagiging problema ay itong 20,000 piso ay makakatulong sa kanila.
At mahalaga ito dahil kung titingnan po ninyo, ang budget nitong administrasyon nito noong nakaraang taon—itong taon saka sa susunod na taon, talagang pinaka-priority ang edukasyon. Dahil sa aking palagay, ‘yan ang pinakamahalaga na serbisyo na maibibigay natin sa taong bayan.
Kaya’t dahil man… siyempre ang kabataan, ‘yan ang kinabukasan natin. Kaya’t para maging maganda ang kinabukasan ng Pilipinas, kailangan maganda ang naging edukasyon ng ating mga kabataan.
Kaya’t ‘yan po ang aming inuna. Nagbigay po tayo ng 200,000 sa kada barangay at 100,000 dun sa 200,000 na ‘yun ibibigay, magkakaroon sila ng lima na presidential scholar sa bawat barangay.
Bakit po presidential scholar? Dahil galing sa Office of the President po ‘yan, ‘yung 200,000 na ‘yan na binibigay natin sa barangay.
Ano ngayon, tatanong ninyo, ano mangyari doon sa natirang isandaan libong na binigay natin sa barangay? Eh, sila na ang bahala doon. Sila na ang bahala, ‘yung mga barangay official [applause], kung saan nila gustong gamitin ‘yang pera ‘yan.
At yung mga… ‘yung mga napuntahan namin ng mga barangay, alam ninyo po, dahil ‘yan na naman, nanggaling ‘yan sa karanasan ko na bilang ng governor. Ang nakakaalam sa barangay, ang nakakaalam sa bayan, ang nakakaalam sa lungsod, ang nakakaalam sa probinsya, ‘yung local government official.
Pinagmamalaki ko nga noong nasa Ilocos Norte, wala nang mas marunong sa Ilocos Norte kundi ako, dahil akong governor dito. Kaya’t sa barangay, ganoon din. Sila ang nakakaalam sa sitwasyon, kung ano ba talagang pangangailangan nila.
At sari-sari kung saan nila ginamit – bumili ng motorsiklo, bumili ng computer. Mayroon akong napuntahang barangay, bumili pa ng bigas para dagdagan pa itong ating rice program.
Kaya’t nasa sa kanila na ‘yun. At alam ko naman na gagamitin nila sa pinakamagandang paraan upang matulungan ang taong bayan.
‘Yan po ang ating dalawang program. ‘Yan po ang dalawang programa na nasa ilalim po ng Bawat Bayan Makikinabang.
Ito po ay ang magandang [applause] tulungan ng national government at saka ng local government. Talagang ginawa natin partner.
Hindi lamang kami nag-uutos na sinasabi, ito ‘yung gagawin ninyo, ito ‘yung gagawin ninyo. Sinasabi, tulungan ninyo kami para maibaba ha. Bakit natin ginawa iyon? Para maibaba ang benepisyo at saka lahat ng serbisyo ng taong bayan. Mapababa nang mabilis at malawak kaagad.
Kasi kung national government lang ang gagalaw, may kabagalan nang kaunti. Pero ‘pag sinama natin ‘yung local government, napabilis nang husto. Kaya’t mabuti naman at maganda ang coordination ng national government, maibaba.
Lagi ko pong sinasabi kung hindi sa mga… hanggang sa barangay official ay kung hindi sa local government, kahit anong gawin ng national government, kahit anong sabihin namin na napakagandang serbisyo, napakagandang benepisyaryo, hindi po mararamdaman ‘yan, hindi mararamdaman nang mabilisan ‘yan kung hindi maganda ang ugnayan sa local government at saka national government.
At isa pa po, bago po ako magtapos. Isa pang bagay, asahan po ninyo na ang pamahalaan ninyo ay nasa likod ninyo, kasama po ninyo sa lahat ng inyong pangangailangan. At kami po ay hindi lang kami nag-uutos at sinasabi na iyan ang mga kailangan ninyong gawin kung hindi kami rin ay nakikinig.
Kaya’t kung mayroon kayong naiisip na kailangan gawin, mayroon kayong nakitang problema, mayroon kayong nakitang solusyon, kung anuman ang inyong mga iniisip, kung may hinaing kayo, may suggestion kayo ay sabihin ninyo po sa amin.
Sabihin ninyo sa inyong mga local government official, sabihin ninyo sa mga… mga nandito, mga representative ng mga iba’t ibang national agency at para malaman namin kung ano ba talaga ang pangangailangan ninyo.
At asahan po ninyo, kagaya ng sabi ko, ang inyong pamahalaan ay nandito, nandito para sa inyo at kung anuman ang inyong hinihiling, kung kaya namin ibigay, kung kaya naming gawin, asahan ninyo, gagawin po namin. [applause]
Asahan ninyo na ‘yung pamahalaan ninyo ay nakikinig sa inyo at ginagawa ang lahat. Nag-iisip kami kung paano pa ang makatulong at lahat ng maaring gawin ay gagawin namin para naman matiyak na ang ating mga kababayan lalong-lalong na ‘yung mga nangangailangan ay naaalagaan, naaalalayan hindi lamang sa panahon ng sakuna, kung hindi sa araw-araw ninyong buhay.
Kaya’t asahan po ninyo, ‘yan po ang inyong pamahalaan, ito pong administration na ito ay ang pinakakampi ay ang taong bayan, hindi ang aming sarili, hindi ang aming… ang aming mga pamilya kung hindi kayo po. [applause]
At ito po ay tuluy-tuloy po namin gagawin hanggang masabi po natin ay sana dumating ang araw wala nang gutom na Pilipino.
Maraming, maraming salamat po. Magandang umaga po. Dios ti agngina kadakayo amin.
— END —