Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Orientation of Presidential Scholars
Magandang umaga sa inyo lahat. Good morning! [applause and cheers]
Salamat, salamat sa napakainit na salubong na ibinigay ninyo sa akin.
At it’s all very good to…
[Please sit down, sit down.]
At napakagandang pagkakataon ito para makita natin ang ating mga Presidential Scholar.
At ito ay nanggaling – nandito lang ako para tingnan at matiyak na maganda naman ang patakbo at tinitingnan kung successful itong ating programa.
Iyong program natin, the first part of the program is about ‘yung sa mga atin sa LGSF na binigay natin para sa local government.
Pero hindi lamang sa governor, sa mga mayor – at saka sa mga governors at saka mayors ng cities and municipalities. Kung hindi dito, ito naman ay dinagdag pa natin para sa mga barangay.
At ang ginawa natin kaya tayo nandito, ang ginawa namin ay mayroon kaming from the Office of the President, kumuha kami ng pondo at ito ay binigay natin sa mga bara-barangay sa buong Pilipinas.
Two hundred thousand pesos for each barangay. At dito sa inyo, there are 511 barangays.
At ang aming hinihiling sa ating mga barangay official ika ko sa kanila napakasimple lang ang aming gagawing program.
Ang program natin ay unang-una doon sa 200,000 na ating ibinibigay sa bawat barangay, ang sinabi lang namin sa mga barangay official, ang gagawin ninyo, ‘yun sa 200,000, ‘yung 100,000 diyan, mamili kayo sa bawat barangay, mamili kayo ng limang magiging Presidential Scholar.
Kaya ‘yan ang tawag sa inyo ngayon, Presidential Scholar dahil ito ay program galing sa Office of the President.
So sa 100,000 na ‘yun, mamimili ng lima at ‘yun bawat doon sa magiging Presidential Scholar ay mabibigyan ng 20,000, dalawampung libo, para sa inyong pag-aaral. [applause]
At ang aming sinabi ay siyempre mamili kayo, ika ko ‘yung magtatapos na pero baka hindi makapagtapos dahil nga may kakulangan sa pambayad, kailangan magtrabaho, whatever. Kung anuman ‘yung dahilan, basta’t makatulong ‘yung 20,000 sa inyong lahat.
At ang ating sinasabi ay napakahalaga nito. Naging importante ito dahil kung titingnan ninyo sa budget ng nitong taon na ito at saka sa budget na susunod na taon, ay talagang napakalaki, pinakamalaking budget ang binibigay natin sa edukasyon.
Dahil para sa akin, ito ang pinakamahalaga na serbisyo na maaaring ibigay ng pamahalaan para sa ating mga kabataan lalo. At dahil, napaka-importante na maging maganda ang inyong pag-aaral, na kayo ay makapagtapos.
Kung makapag-diploma kayo sa kolehiyo o kung anuman ang inyong papasukan, eh kailangan mayroon kayong magandang kaalaman, mayroon kayong magandang napag-aralan, mayroon kayong magandang napagtapusan.
Kaya po itong mga ating barangay officials, sinabi ko, pumili kayo ‘yung tinatawag na deserving. So, itong lahat kayo apparently deserving kayong lahat.
Kaya ipagpatuloy natin, maganda itong programa na ito. Congratulations na napili kayo. [applause and cheers]
Bakit natin pina-prioritize ang edukasyon? Bakit mahalaga ang edukasyon? Dahil unang-una, para sa komunidad ito ay importante para naman kayo ay mayroon kayong magandang napag-aralan, mayroon kayong magandang natapos sa eskuwela.
Ay kapagka gano’n, ‘yung inyong kaalaman – eh lagi ko ngang sinasabi pagkinakausap ko rin ‘yung mga ibang Presidential Scholar, lagi kong sinasabi na itong kaalaman na makukuha ninyo sa eskuwela,
‘yan ang yaman – ‘yan ang ibang klaseng yaman ‘yan. Hindi parang pera lang ‘yan. Hindi lang parang may maganda kang malaking bahay.
Ibang klaseng kayamanan ang kaalaman. Dahil kung ano man ang natutunan ninyo sa inyong pag-aaral ay ‘yang kayamanan na ‘yan ay hindi na maaaring kunin sa inyo. Hindi maaaring agawin sa inyo, hindi maaaring nakawin sa inyo, at habang-buhay sa inyo na ‘yan, ‘yang yaman na ‘yan.
At araw-araw magagamit ninyo ‘yang kaalaman na ‘yan para pagandahin ang inyong buhay, para pagandahin ang buhay ng inyong pamilya, pagandahin ang inyong komunidad. At sa ganoong paraan, pagagandahin din ninyo ang buong Pilipinas.
Dahil pagka maganda ang edukasyon ng population nung ating mga kababayan, kayo, pagka naging maganda, ay marami kayong magagawa sa pantulong. Hindi lang sa sarili ninyo, kundi sa inyong mga kapwa Pilipino.
At ‘yun ang pinakamahalaga sa lahat, na tayo ay magtulungan – may kakayahan tayo magtulungan upang pagandahin ang Pilipinas, upang tulungan ang ating mga kababayan. [applause]
At isa pang bagay kung bakit mahalaga ang edukasyon. Dahil kami ngayon na nakaupo dito sa mga matataas na posisyon, ay hindi naman kami nandito habang-buhay. Hindi naman kami dito forever.
At darating din ang panahon, kayo mga bata pa kayo, akala ninyo matagal pa ‘yan. Pero darating ang panahon na ang mga kababayan natin sa inyo na nakatingin, sa inyo na umaasa na kayo ang magiging lider, kayo ang magseserbisyo-publiko.
Kaya’t kailangan handa kayo para sa anumang gagawin ninyo. Kapag sinasabi ko serbisyo-publiko, hindi ko lang ibig sabihin na magtatrabaho kayo sa gobyerno. Iniisip ko lahat ng gagawin ninyo upang tumulong sa inyong komunidad.
Whatever little thing that you do to contribute to the betterment of your community, of your country, of your fellow Filipinos, ay napaka-importante ‘yan.
Kaya kailangan handa kayo para sa araw na ‘yun na mayroon na kayong kakayahan, mayroon na kayong karanasan, mayroon na kayong may i-contribute para pampaganda ng ating minamahal na Pilipinas.
Kaya napakahalaga ng ating — ng programang ito na makapagtapos ang ating mga Presidential Scholar.
Kaya ang pinapayo ko sa inyong lahat, basta’t gamitin ninyo, mapakinabangan sana ninyo ‘yung aming kaunting tulong sa inyo at gamitin ninyo sa mabuti at mag-aral kayo nang mabuti, magtrabaho kayo nang mabuti, work hard, study hard.
Para naman magiging makuha ninyo ‘yung training, makuha ninyo ‘yung karanasan, makuha ninyo ang edukasyon at ang kaalaman na kakailanganin ninyo sa pagdating ninyo sa totoong buhay.
At ‘pag natapos na kayo ay makikita natin na ang buong Pilipinas ay makakaramdam sa kabutihan ninyo, kaalaman ninyo, at sa tulong ninyo para pagandahin ang buhay dito sa Pilipinas. [applause]
Ang programang ito ay ginagawa natin sa buong Pilipinas. Lahat ng barangay sa Pilipinas binigyan natin ng 200,000 piso. At 100,000 doon ay ginagamit nga para dito sa Presidential Scholar
Sa ganoong paraan, we have about, siguro mga 42,000 plus na barangay sa buong Pilipinas. ‘Yung pagka ginawa mo tig-lilima ‘yun, lampas-lampas sa 200,000 ang Presidential Scholar.
Napakalaking bagay para sa akin na maibigay ‘yang tulong na ‘yan. Napakahalaga para sa akin. Kagaya ng sabi ko, ito palagay ko, sa aking palagay, ang pinakamahalagang serbisyo ng pamahalaan sa taong-bayan.
I congratulate all of you dahil kaya kayo napili because you are deserving students sa palagay ng inyong mga lider ay sinasabi nila sila naman ay namili ng pinaka-deserving at saka talagang mukhang magtatapos at magkakaroon ng degree sa kung ano-anong bagay. Kaya ipagpatuloy ninyo ang ating mga ginagawa.
At baka maitanong ninyo, 200,000 ang binigay natin sa barangay. Kalahati, 100,000 napunta sa inyo, sa mga Presidential Scholar. Anong nangyari doon sa 100,000?
Doon sa 100,000 na natira, iniwan na namin sa ating mga barangay official. Bahala na sila. Dahil ang paniniwala ko, walang nakakaalam sa mga sitwasyon, sa mga problema, sa mga solusyon, sa bawat local government hanggang sa barangay level, kundi ang ating mga local government official.
Kaya ang nakita namin, ‘yung mga ibang napuntahan namin, kung saan-saan ginamit ‘yung 100,000 nila. Mayroon bumili ng motosiklo, mayroon bumili ng computer, mayroon bumili ng monoblock, mayroon kung ano-ano. At ‘yun ang pangangailangan nila.
Kaya pinabayaan na natin ang ating mga barangay official na mamili kung saan nila ilalagay ‘yung kanilang naiwan na 100,000. ‘Yung 100,000 napunta naman sa ating mga Presidential Scholar.
Please use that money well. At sana naman kapag nagkita tayo ulit, mayroon na kayong hawak na diploma.
Maraming salamat. Magandang umaga sa inyong lahat. Thank you. Thank you. [applause and cheers]
— END —