Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Move Beyond for Service and Excellence: Mass Oath-taking Ceremony for Newly Promoted Teachers and School Heads Under the Expanded Career Progression for Bulacan and Pampanga Cluster

Speeches 19 February 2026

Nagkukuwentuhan lang kami at sinabi ko napakatagal nilang masyadong naghintay at mabuti na lang… Kayong lahat masyadong matagal na naghintay at buti na lang ay nabuo namin itong programa na ito na suporta sa mga guro.

Maraming salamat sa kalihim ng ating DepEd, Secretary Sonny Angara; nandito rin po ang dating Pangulon at ngayon ang 2nd District Representative, Representative Gloria Macapagal-Arroyo, ma’am; San Jose del Monte Lone District Representative Arturo Robes and the honorable members of the House of Representatives who are here this morning; Bulacan Provincial Governor Dan Fernando, who also deserves our congratulations dahil napakarami ang nabanggit niyang programa na isinasagawa dito sa kanilang lalawigan, congratulations with that, Gov; [applause] San Jose Del Monte City Mayor Rida Robes and the other local government officials; at ang pinakamahalaga at ang pinaka-starring at pinaka-guest of honor dito sa ating samahan ngayong umaga na ito, ang mga bagong promote na teacher at saka school head [applause and cheers] under the Expanded Career Progression.

Alam niyo po sa mga talumpati na nauna dito ay marami pong nagpapasalamat sa akin at pinapalakpakan ako. Eh nais kong sabihin sa kanila, maraming salamat sa inyong palakpak at sa inyong pagsasalamat.

Ngunit ang tunay na dapat nating palakpakan at pasalamatan ay ang ating mga guro dahil sila [applause] para sa atin, ang guro ang pinaka-hardworking public servant ng atin sa buong pamahalaan. [applause]

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Personal ko pong gusto kayong makasama sa inyong panunumpa ngayong araw dahil alam ko po [kung] gaano kahalaga para sa inyo ito.

This is the third oath-taking of teachers and school heads under the Expanded Career [Progression] System. Nauna doon sa amin sa Ilocos Norte. Tapos sa NCR. Ngayon, we are continuing to recognize the journey of the teachers in Bulacan and Pampanga who have shaped the future of our children, and in that way, are shaping the future of our nation.

So today, as you take your oath, you reaffirm the belief that every Filipino child deserves a fair shot at a brighter tomorrow.

Bawat lesson plan na ginawa ninyo, bawat karanasan sa silid-aralan na nililikha ninyo, bawat mabuting asal na itinuturo ninyo—doon unti-unting nabubuo ang kumpiyansa at pangarap ng ating mga estudyante. Walang katumbas ang sakripisyo ng ating mga guro.

Gumigising madaling araw, bumibiyahe nang malayo. Pagdating sa paaralan, buong araw kayong nakatutok sa mga bata. Pag-uwi, magtse-tsek pa kayo ng papel at maghahanda pa para sa susunod na araw.

At kapag kailangan ng bayan, nariyan kayo—sa presinto tuwing eleksyon, sa komunidad para sa census, sa anumang tungkuling kailangang gampanan nandiyan ang ating mga guro. Talaga naman ang serbisyo ninyo sa bayan hindi lamang – ay para sa bayan hindi lamang sa paaralan.

Sa loob ng matagal na panahon, mayroon sa inyo ang nawalan na ng pag-asa na mapro-promote pa. Dahil sa dami ng responsibilidad sa paaralan, sa komunidad, sa pamilya, nawalan na kayo ng oras na makuha ang mga requirement para sa promotion o ‘di kaya ay wala ng aakyatan pa sa inyong organisasyon. Inakala ninyo marahil na magre-retire kayong hindi nakakatikim na ma-promote.

Hindi ako papayag na hindi masuklian ang inyong sakripisyo. [applause]

Kaya, gumagawa tayo ng mga hakbang upang marami pang guro ang tumaas ang posisyon, at kagaya ng aking ipinangako, walang sinuman na teacher ang magre-retire na Teacher I. [applause]

I have always believed that the true measure of a nation’s progress is the kind of future that we prepare for our youth. Policies and programs set the direction, but it is through you—our teachers—that these aspirations take root and grow.

Kahit ilang laptop, Artificial Intelligence, o ano pang teknolohiya ang gamitin natin, wala pa ring papalit sa pagmamahal, sa malasakit, at sa alaga ng ating mga guro sa inyong mga estudyante. [applause]

You are the ones who teach them the lessons for work and for life: how to care for others, how to be responsible, how to stand with integrity. These are the foundations of a strong society, and they are built day to day in your classrooms.

In this age, many of our challenges require discipline, honesty, empathy—values first learned at home and strengthened in your classrooms through your example.

Kaya’t hayaan ninyo ako na taos-pusong magpasalamat: Maraming, maraming salamat sa inyong lahat sa inyong dedikasyon at sa inyong malasakit.

That is why our responsibility as a government is to stand beside you, making your profession more sustainable, more dignified, and more rewarding.

Kagaya ng aking nasabi dati, prayoridad natin ang edukasyon hanggang matapos ang Administrasyong ito.

At bilang patunay, naglaan tayo ng mahigit PhP1.34 trillion para sa sektor ng edukasyon ngayong taon. [applause] Katumbas ito ng higit apat na porsyento ng ating buong ekonomiya ay nandiyan para sa edukasyon, para suportahan ang guro para tulungan, at alalayan, at alagaan ang ating mga kabataan.

Alam din natin na sa sobrang dami ng inyong trabaho, minsan, nakakalimutan na ninyong kumain o kaya naman, lagi kayong puyat. Kadalasan, nawawalan na kayo ng panahon para tingnan ang lagay ng inyong kalusugan.

Kaya’t inilunsad natin ang Yaman ng Kalusugan Program o ‘yung YAKAP Caravan. At sa programang ito, ang serbisyong medikal ang lalapit na sa inyo. [applause]

Kasama po diyan ang libreng laboratory tests, mga urinalysis, blood work, konsultasyon, gamot, at pagsusuri ng inyong vital signs.

Tiniyak din namin na naipamahagi ang Service Recognition Incentive para sa nakaraang taon. [applause] Nagdagdag din tayo ng PhP7.37 billion para makatanggap ng benepisyo ang lahat ng kwalipikadong guro.

Bukod pa rito, naibigay na rin ang 10,000 teaching allowance para sa School Year 2025 at 2026, pati na rin ang 7,000 pisong medical allowance simula noong 2025. [applause]

Patuloy din nating pinalalawak ang oportunidad para sa promosyon ng mga guro sa pamamagitan ng pagbubukas ng mas maraming senior positions.

After all, when our teachers are supported, our students are better served, and our nation moves forward with greater confidence.

As you assume a new position today, I hope you carry with you the faces of the students who look up to you, the parents who entrust their children to your care, and the communities that believe in the difference that you make in their lives every single day.

Teach not only knowledge, but empathy. Not only skills, but character. Because long after the lessons are over, what your students will remember most is how you made them believe in themselves.

And that, more than anything else, is how a nation is truly transformed.

Congratulations po sa inyong lahat! [applause]

Maraming salamat at mabuhay ang ating mga guro! [applause]

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]

— END —