Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the meeting with the Filipino Community
Maraming, maraming salamat sa ating butihing Kalihim ng Department of Foreign Affairs. [Oo, please umupo po kayo.]
Mahaba-haba itong speech na ito, magpahinga muna kayo. Pasalamat ako sa pagpakilala ni Secretary Ricky Manalo. At nandito po kasama ko na po lahat ng — nandito po halos ‘yung namumuno ng delegasyon ng Pilipinas dito sa APEC.
Mayroon tayong — mayroon lang naidagdag na secret weapon na sumama sa atin, ang dating Pangulo — [applause] ang dating Pangulo si GMA.
Sinasabi kong secret weapon dahil ako — ako ‘yung baguhan dito eh. Ako ‘yung unang hindi — ako ‘yung bagong naging lider. Kaya’t ‘pag papasok kami sa meeting, noong nakita si GMA, “Ah ito ‘yung my old frie- — my good friend! My good friend!” Oh madali na kaagad ‘yung usapan. [applause and cheers]
Ang ating kasama — alam naman ninyo ‘yun dahil nila-livestream ninyo ‘yung kampanya natin, kasama natin sa kampanya, si dating Secretary ngayon Senador na si Senator Mark Villar. [applause]
At nandito po lahat ng mga — kagaya ng sabi ko ‘yung namumuno sa ating delegasyon dito sa APEC ay ipapakilala ko na rin sa inyo. Nandito, siguro ito na ‘yung pinakabago na department dito sa pamahalaan ng Pilipinas, ang Department of Migrant Workers [applause] pinangungunahan ni Secretary Toots Ople.
At talagang magaling itong si Secretary Toots dahil ay habang pumupunta kami rito — ikaw na mag-announce para ikaw may ano dito eh. Mayroon siyang magandang balita para sa ating mga OFWs. [applause and cheers] Sige na, oo. Iyong first — ano ‘yung first overseas — ?
(Department of Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople: Yes, magkakaroon na kayo ng POLO office! [loud cheer])
Talagang ma… Ito, ito… Malaking bagay ‘yan at magiging mas madali lahat ng mga kailangan ninyong gawin. Kaya’t talagang maaasahan natin itong si Secretary Toots dahil matagal na niyang adbokasiya ‘yan, matagal na niyang trabaho ‘yan ‘yung tumutulong sa ating mga — hindi lang mga — hindi lang overseas workers pati lahat ng mga labor group ay tumutulong siya.
Nandito rin po ang ating Trade and Industry Secretary, Secretary Fred Pascual. [applause] Siya po ay isang kasama natin sa tinatawag na economic team para buuhin ang mga investment na pumapasok sa Pilipinas.
Ang katabi niya ay si — ay siguro kilala niyo ito dahil… [cheers] [loud cheer] Si Secretary Erwin Tulfo ng DSWD. At siya ngayon ang busying-busy dahil sa mga pangyayari sa Pilipinas ay siyempre siya ang lagi nating inaasahan na magdala ng tulong. Kaya’t tama ‘yan. Dapat ay — iyan ang palakpakan ninyo nang malakas para ‘yung mga… [cheers and applause]
Nandiyan naman ‘yung ating Secretary for DICT, the Department of Information, Communications, and Technology, si Secretary Ivan Uy. [applause] Napakaimportante po ng trabaho niya dahil siya ang magdi-digitalize ng Pilipinas, ng gobyerno, ng bureacracy, pati local government, eh ‘yan ang naging trabaho niya.
At sa dulo ay… [loud cheer] Kilala niyo pala si Direk — si Direk Paul Soriano. Siya ay kasama at ang kanyang katungkulan ay pagandahin at ipaalam sa lahat ng buong mundo ang galing ng Pilipinas sa creative — creative industry. [applause] [Woman yells: Love you!] [laughter]
Nandito rin ang ating Press Secretary na si Cheloy Garafil. [applause] Siya ang magkukuwento sa ating mga… Well, of course, the Ambassador Millicent Cruz-Paredes.
At saka magkakaproblema ‘pag hindi ko binati ito at magkakagulo na ito. Kaya’t kailangan — dapat naman eh kasama sa aking pagbati ang ating napakaganda at napakabait na First Lady. [cheers and applause]
Hindi pa siya makapaniwala First Lady na pala siya eh. [cheers] Kung minsan tinignan ako nanood lang kami ng TV, titingnan ako, “Anong ginawa mo sa akin? Bakit mo akong ginawang First Lady? Ang hirap nitong…” [cheers]
At sa inyong lahat, magandang hapon po sa inyong lahat, at maraming salamat. [cheers and applause] Maraming salamat sa…
Ibang klase talaga ‘pag napupunta kami sa Filipino community. Talagang nakakataba ng puso na makita kayong lahat. [cheers] Kahit na hindi naman ganoon kalayo sa Pilipinas ay kahit papaano eh siyempre at ‘yung pinanggalingan ko ‘yung APEC eh usapan seryoso na ano ‘yun…
Ah ito bagong dating… [cheers] Akala niya makakalusot siya. Ang laking tao eh papaano siya ma- [laughter] Ito ang ating Speaker of the House of Representatives, Speaker Martin Romualdez. [applause]
Siya ‘yung tumutulong sa atin para baguhin ang mga batas… [loud cheer]
Well, alam niyo na pa- … Ito ‘yung aking… Swerte namin ‘yung delegation ng Pilipinas, swerte ninyo ‘yung delegation niyo may kasamang superstar. [loud cheer] Alam niyo, kilala naman niyo si Dawn Zulueta. [applause and cheers] Nandito siya dahil kasama niya ‘yung kanyang asawa na si Secretary Anton Lagdameo. [applause] Siya ang Special Assistant to the President.
Kaya’t ito ‘yung team na dinala natin para dito sa APEC. Ang APEC ang sadya namin — ang sadya namin talaga dito ay para makapunta sa APEC. Ang APEC is the Asia Pacific Economic Cooperation. Ito grupo ng lahat ng nasa Asia Pacific na mga bansa nag-uusap tungkol… First time kasi sa apat na taon, first time ito nagkaroon ng face-to-face dahil nga sa pandemya.
Kaya’t naging importante itong meeting na ito. At para sa akin din dahil nakilala ko ‘yung mga leaders at nakilala nila ako, at napag-usapan talaga namin ang mga dapat gawin para maging mas maganda ang takbo ng ating mga ekonomiya ng ASEAN.
Hindi ko… Kaya’t naman kahit na ‘yun ang naging sadya namin dito ay hindi ko talaga palalampasin ang pagkakataon na makasama ang Filipino community. [applause and cheers] Mabigyan ng panahon na makasama ang ating mga minamahal na kababayan. [applause]
Ngayon itong mga ginagawa naming pagbibisita sa Filipino community ay sabi ko papaano naman eh baka magi-speech eh marami medyo — pagandahin, pasayahin naman natin.
Ika nung staff ko sabi nila ito tinulungan ka, ang ganda ng botong natanggap mo dito pero hindi natin sila nakampanya dahil pandemya nga eh, so walang biyahe eh.
So ang gawin natin magpatikim naman tayo sa kanila ng kampanya. Alam ko nala-livestream sa inyo.
Kaya’t may kaunti tayong palabas at ‘yung mga kanta na dala namin sa kampanya ay siguro naman sinasabi ko lahat ng ating mga kababayan ay dapat naman talaga ay kampanyahin pa rin natin kahit tapos na ang halalan dahil ito lang ang isang bagay na ating magagawa para magpasalamat sa inyong napakabigat na suporta na ibinigay sa amin, ibinigay sa akin, ibinigay kay Inday Sara.
Iyan si Senator Mark Villar, lahat ng aming mga kasamahan. At ito ay siguro bilang pasasalamat na rin sa inyong lahat na hindi kayo nakakakalimot sa akin, sa aking pamilya, at iyong tuloy-tuloy ninyong pagmamahal at suporta na ibinibigay sa atin. [cheers and applause]
Kaya naman ay ginagawa namin lahat. Ginagawa namin lahat upang ay masasabi ko na ‘yung ganyang klaseng tiwala na inyong ipinakita para sa ating mga kandidato, para sa akin, para kay Inday Sara, para sa mga — sa lahat ng mga aming kandidato ay ang magagawa na lang namin ay ang pagsukli sa inyo ng aming magandang trabaho, ng aming pagtulong sa ating bansa. [applause]
Hindi ko alam kung nabalitaan ninyo pero tinanong ako minsan, tinanong sa akin: Ano ba talaga ang pangarap mo para sa Pilipinas? Ika ko sa kanila: Simple lang naman, wala ng gutom na Pilipino. [applause and cheers]
‘Pag nakamit natin ‘yun ay siguro masasabi natin nagawa na namin nang mabuti ang aming trabaho, kami ng mga nasa serbisyo publiko at hindi naman — hindi naman napahiya ang inyong pagsuporta sa amin. [applause]
Kunwari pa kayo, pareho ito sa kampanya eh. Kunwari ako ‘yung chini-cheer ninyo pero hinahanap niyo si Sandro ano sabihin niyo? [laughter and cheers]
Kaya hindi ko na lang sinama [laughter] dahil walang papansin sa akin.
Ganyan… Hindi… Alam ko nila-livestream ninyo ‘yung mga kampanya, pero hindi niyo nakikita ‘yung kung minsan ‘di niyo nakikita ‘yung mga nangyari sa audience kasi laging aakyat ako tapos o sige ang ganda ng ano, ang ganda ng palakpak, ang lakas ng sigaw ng tao.
Tapos habang nagsasalita na ako, lalabas na ‘yung mga placard. “Nasaan si Sandro?” [laughter] “Akin na si Sandro.” [laughter] “Iyo na ‘yung boto ko basta akin si Sandro.” [laughter]
Sabi ko mabuti na lang anak ko kung hindi napikon na siguro ako. [laughter] Pero hindi bale, anak ko naman eh, okay lang.
Pero kaya ‘yan ang mga pangyayari na hindi ninyo nakita kaya’t sabi nga namin siguro maganda naman gumawa tayo ng mini rally para naman makita ng ating mga supporter kung papaano ang naging pag-kampanya. [applause]
Kaya’t idadagdag ko na lang, huwag niyo pong kalimutan ha, iboto ha, iboto BBM-Sara! Mark Villar! Huwag niyong kalimutan po, iboto ninyo.
Marami po naman tayong nagawa dito sa APEC na ito, ‘yung pagbisita ko rito sa Thailand, nabigyan ako ng pagkakataon na maisulong ‘yung mga pambansang interes ng Pilipinas. [applause]
Maganda naman at mukhang nagkakaintindihan ang mga magkakasama, ang tinatawag na Member Economies, kung ano ‘yung mga pangangailangan, kung ano ‘yung problema, kung ano ‘yung kailangang gawin, mukha naman. Nagkaka — nagsa-sang-ayon kami sa isa’t isa.
Dito sa Thailand, Thailand has long been labeled, ang tawag dito is “Kitchen of the World” dahil sa kanilang natural resources, magandang weather, at saka ‘yung kanilang — year-round ‘yung growing season nila kaya’t napakaganda nung kanilang agrikultura.
Number 13 ang Thailand sa global food exporter tapos pang-apat sa Asya. Kaya nilalayon nating lalo pang paigtingin ang ating kooperasyon ng Kaharian ng Thailand, lalo na sa larangan ng agrikultura.
Ito rin ang ating itinaguyod sa ating mga pagpupulong sa mga pinuno ng mga bansa sa ASEAN region at sa kaugnayang mga bansa nang ako ay dumalo naman sa Cambodia para sa ASEAN Summit.
Sa atin ang pagpapaunlad ng ating agrikultura ang isang kritikal na layunin upang tayo ay maging mas matatag o ‘yung tinatawag na resilient sa kabila ng mga hamon sa kasalukuyan at sa ating mga — sa hinaharap natin na ilang taon.
Bawat isa sa atin ay may mahalagang kontribusyon, malaki ang kontribusyon ng ating mga OFW. [applause] Noong…
Ilang beses nang nangyari na nagka-financial crisis sa buong mundo pati ang Pilipinas ay tinamaan, ang bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipians ang bumubuhay sa amin ay ang sakripisyo ninyo.
Ang bumubuhay sa amin ang galing ninyo sa pagtrabaho, ang respeto na binibigay sa inyo ng mga tiga-Thailand dahil sa maganda ninyong trabaho. [applause]
Bukod pa doon, lahat naman kayo, siguro alam na — narinig na rin ninyo lahat kayo, bawat isang Pilipino na nagtatrabaho, bawat isang OFW ay parang ambassador ng Pilipinas. [applause] At kayo ay naging napakagaling na ambassador dahil kung kausapin natin ang mga tiga — ang mga Thailand, sabi nila ang mga trabahador na mga Pilipino, wala kaming masabi, wala kaming mareklamo, ang sisipag. [cheers and applause]
Ang sisipag, ang babait, at very ano — very hospitable at saka very — madaling kausap at may palabra. Lahat ito, honest, ‘yun ang mga description ng mga tiga-Thailand.
Kaya’t kami naman na naging beneficiary ng inyong pagsakripisyo at pagsakripisyo na umalis sa ating bansa na hindi niyo nakikita ang inyong mga pamilya, inyong mga anak dahil lang naghahanap kayo ng trabaho, eh kami ay nagpapasalamat sa ibinibigay ninyo — sa inyong ginagawa, binibigay ninyong tulong at pinapatingkad ninyo ang pangalan at reputasyon ng mga Pilipino sa buong mundo.
Maraming salamat sa inyong lahat. [applause and cheers]
Kaya naman ako ay naghihikayat na sa inyo — sa ating mga kababayan na pagtugunan ng pansin ang potensyal ng agrikultura galing dito sa Thailand. At baka pagka naayos na ‘yan ay masasabi natin baka naman — baka sakali naman kahit papaano, ito talaga ‘yung aking pangarap ay hindi na kailangang umalis ang Pilipino sa Pilipinas dahil walang trabaho. [applause and cheers]
Malayo — mahirap siguro abutin ‘yun dahil talagang — lalo na ngayon sa dami ng pangyayari. Ngunit ‘yan lagi ang aking iniisip, ‘yung dapat ang Pilipino ‘pag nagtrabaho sa abroad, nagtrabaho sa abroad dahil gusto niya. Dahil mas maganda ang puwesto niya roon, gusto niya talagang pumunta, hindi napilitan dahil wala ng ibang mahanap na trabaho sa Pinas.
Kaya’t ‘yan ang talagang dapat hindi natin kinakalimutan na lagi namin kayo iniisip. Nami-miss na namin kayo eh. Kailangan niyo ng umuwi. [applause]
Gawin natin na pagkakataon ang mga hamon na dala ng pandemya at iba pang krisis na nararamdaman natin ngayon.
Ating hangarin ay makapag-impok at mapalago ang inyong kinikita bilang mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng maraming mga opportunity sa Pilipinas kasama ang negosyo na pinamumunuhan ulit ng agrkilutura.
Hinihikayat ko kayong matuto, dagdagan ang kaalaman sa agrikultura at sa lahat ng iba’t ibang bagay para kaya nating harapin ang ating mga — ang ating tinatawag na new economy. ‘Yan ang ating dapat paghandaan at ‘yan ang aming laging iniisip kung papaano ba na ipuwesto ang Pilipinas para handa tayo dito sa tinatawag na new economy.
‘Yan din ang aming pinag-usapan dito sa APEC. Ano ba talaga ang mga trabaho? Halimbawa, mga trabahong hindi babalik ay nawala na trabaho. Mayroon diyan babalik pa, mayroon diyan hindi na talaga babalik.
Ngunit, may mga bagong lumitaw na dapat makita natin kaagad para talaga mapag — magamit natin ‘yan para makapagbigay ng trabaho sa tao.
At ‘yan ang ating — ‘yan ang aming trabaho ngayon sa — ukol sa ekonomiya na tayo ay… Sa ngayon, we are the fastest growing country in Asia, sa ngayon. [applause and cheers]
Bumababa ang ating unemployment rate, bumagsak [recording cut]… Ang kahulugan niyan ay 1.2 million jobs — may bagong 1.2 million na trabaho na nabigay natin, nalampasan na natin ang employment nung bago nung pandemya.
Kaya’t maayos naman. Ang problema lang talaga, napakamahal ng bilihin. Siguro dito din. Mayroon…
Ganoon, mataas din na ba ang presyo ng pagkain? Tumaas din? Hindi?
Kasi… Kaya nga — kasi ‘yung agrikultura nila dito ang tibay. Galing lang kami — mayroon kaming ka-meeting kanina mga nasa agriculture at ‘yung pinapakita nila sa amin ay sabi namin kung madala natin sa Pilipinas ito, ‘yang ganyang klaseng problema ay dahil hindi na tayo nag-i-import.
Ang nagiging problema, nag-i-import tayo sa Pilipinas ng pagkain. So kung saan ang pinanggalingan nung pagkain, may inflation doon, tumaas ang presyo, eh na-import din natin ‘yung inflation na ‘yun, na-import din natin ‘yung presyong ‘yun.
Kaya’t babawasan natin ang importation, titibayan natin ‘yung ating sariling mga agrikultura, ang ating sariling mga negosyo upang kung sakali man — ay sana naman ay hindi mangyari — ngunit kung sakali man ay magkaroon ulit ng krisis ng pandemya, krisis na kagaya sa Ukraine ay tayo naman ay nakahanda na kaya natin pakainin ang ating mga kababayan. [applause]
So ‘yan ang ating — ‘yan ang aming mga naging usapin dito sa nakaraang dalawang araw dito sa APEC. At siguro naman… Marami rin kaming…
Ang ganitong klaseng conference, hindi lamang ‘yung malalaki na mga sabay-sabay kami. Mayroon ding mga sideline nasa — may mga meeting na dalawang — dalawang pangulo, basta lider, dalawang lider lamang at… ‘Yung sa mga — ‘yung tinatawag na bilateral meeting ay marami rin kaming nagawa, marami rin kaming naging agreement.
Sana eh — ifa-follow up natin ito pag-uwi. At sana bago — sa lalong madaling panahon, bago naman matapos ang susunod na taon ay may makita na tayong resulta doon sa ating mga ginawa.
At kaya’t sasabihin ko successful naman. Dahil dito sa — dito naman sa Thailand marami rin tayong kinausap, marami rin tayong — kung kanino tayo nakipag-ugnayan.
Dahil marami rin tayong ginagawa talaga sa Thailand. Ang Thailand 7th trading — 7th major trading partner ng Pilipinas. Dito tayo 6th export market ng Pilipinas. Sila rin ang 7th import supplier kaya marami talaga ang ating partnership dito sa Thailand.
Kaya’t mabuti na ginanap ang APEC dito sa Thailand dahil marami rin tayong gustong gawin dito sa Thailand.
Isa na doon ay bigyan nga ng tuluyang proteksyon at pag-aalalay sa ating mga OFW. [applause]
Kaya’t ako’y natutuwa at ako’y nagpapasalamat alam ko na — pasok, labas kami rito. Naririnig ko na kayo kanina pa eh.
Noong umakyat ako doon sa ano, sabi ko, nakikinig ako may kumakanta, basta may music. Sabi ko, music, alam ko na ‘yan. ‘Yan na ‘yung mga — nandiyan na ‘yung mga Pilipino. Masaya ito mamaya. Totoo nga naman ang saya namin dito ngayon. [applause and cheers]
Anyway, I will just continue — I will just end by once again saying thank you to all of you sa napakalaking suportang ibinigay ninyo sa amin sa nakaraang halalan kahit hindi kayo namin napuntahan.
Kahit hindi kayo namin personal na nakausap ay nandiyan pa rin kayo at kayo’y tumulong sa amin sa aming mga — sa akin, kay Inday Sara, kay Senator Mark Villar, sa aming ibang mga kasamahan.
Kaya’t kami’y nagpapasalamat sa inyong lahat. Muli, kagaya ng aking nasabi ay ako’y — ako ay sinumpa ko na isusukli sa inyong suporta ay ang pagpaganda ng buhay ng bawat Pilipino [cheers and applause] at pagpaganda sa minamahal nating Pilipinas.
Siguro naman ay — siguro naman kung ito ay makamtan natin ay masasabi ko, masasabi naming lahat na inyong mga public servant ay na — hindi naman natin pinahiya ang suporta na binigay sa atin.
Maraming, maraming salamat. Kapunkap. [applause and cheers]
— END —