Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Meeting with the Filipino Community in Vancouver, Canada
Maraming salamat sa ating Kalihim ng Department of Foreign Affairs, Secretary Tess Lazaro, ipapakilala inyo ang ating mga ibang kasama dito sa Delegasyon ng Pilipinas dito sa ating bisita sa Vancouver, sa Canada. Andyan din po si Finance Secretary, Secretary of the Department of Finance, Frederick Go. Ang ating Trade and Industry Secretary, Secretary Maria Cristina Roque.
Ito pong susunod, ito po yung nag-aalaga sa lahat ng ating mga kababayan na nasa kung saan kahit saan lupalop sa buong mundo yan ang mga inaalagaan niya ang ating Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac. (Applause)
Andito rin po at marami tayong pinag-usapan sa ating mga kaibigan dito sa Canada at kailangan kasama ang ating Secretary of the Environment and Natural Resources, Secretary Mitch Cuna. (Applause)
Ang ating napakasipag at mabibigyan pa ng karagdagang trabaho dahil sa dami nating inumpisahan noong pagpunta natin dito, ang ating ambasador, Ambasador to Ottawa Jose Victor Chan Gonzaga. (Applause)
Ang susunod po dahil po maraming po tayong ginagawa na cultural exchange mula sa Canada at sa Pilipinas, nandito po, National Commission for Culture and the Arts Chairman Chairman Eric Zerrudo. (Applause)
Nandyan din po ang Consul General natin dito sa Vancouver, Congen (Consul General) Gina Jamoralin.
At, siyempre, hindi magiging kumpleto yung ating pagbati kung hindi ko babatiin ang ating First Lady (Louise Araneta Marcos) (Applause)
Lakasan nyo yung sigaw para makapuntos ako. (applause and cheers)
Maraming salamat.
Ang aking mga kasama sa pamahalaan at sa serbisyo publiko, ang mga minamahal kong kababayan, magandang gabi po sa inyong lahat.
Nakakataba po ng puso at nakakapagbigay ng inspirasyon na makasama muli kayong lahat.
Lahat po ng aking pinupuntahan ay tinitiyak ko ng makasama ko, yung tinatawag natin na Filipino community.
At dahil nakikita ko, parang nakikita na na-inspire po ako, lumalakas ulit ang loob ko, kahit mahirap ang trabaho, kahit mabigat, ay hindi na bale. Sabi ko, ito eh, nakita mo naman ang nagiging resulta.
Pagka-natulungan natin ang Pilipino, sila ay sumisikat, kahit saan mo dalhin, kahit saan mo ilagay. (Applause)…
At ngayon, nandito hindi lang taga-Vancouver, kundi mga kababayan natin na galing pa sa Victoria, Kelowna, Abbotsford, Surrey, Burnaby, Coquitlam, Langley, Delta, New Westminster, Fort St. John, Prince George, at iba pang mga siyudad sa labas ng British Columbia.
Meron pang galing Toronto (cheers) meron galing Winnipeg, (cheers), Alberta, (cheers) Ottawa, Whitehorse in the Yukon (cheers), Yellowknife, Northwest Territories (cheers).
Sa lawak ng Canada, ang pagkakaalam ko ay mahigit 30 beses ang laki nito kumpara sa Pilipinas.
Isipin ko lamang, isipin ko lamang na nagbiyahe kayo ng ilang oras upang makarating at makasama-sama tayo ngayong gabi, ay isa pong malaking karangalan na humarap sa inyo bilang inyong Pangulo.
Kaya naman, ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyo lahat para sa panahong na inyong binigay at sa inyong malasakit at pagmamahal na patuloy ninyong pinapadama sa ating bayan.
Kayo ang nagbibigay ng karangalan sa ating bansa.
Sa pamamagitan ng inyong maayos na pamumuhay at pakikisalamuha sa komunidad, patuloy na pagpapahalaga sa mga tradisyon ng kulturang Pilipino, mataas ang antas ng kahusayan at pagiging mabuting halimbawa sa inyong trabaho at sa inyong mahalagang kontribusyon sa ekonomiya ng ating minamahal na Pilipinas.
Nagtungo ako rito sa Canada bilang pagtugon sa panyaya ng pamahalaan ng Canada para sa isang official visit.
At habang nandito ako at kausap ko hindi lamang mga opisyal ng pamahalaan kundi pati ang mga business leaders, yung mga namumuno ng malalaking korporasyon dito, ang una, pagka nag-hello, ang susunod ay naku, mahal na mahal namin ang mga Pilipino rito.
Napakagaling ng mga Pilipino dito. (Applause) Napakabuti ng mga Pilipino rito, napakasipag ng mga Pilipino rito.
At yan po ay talagang mas mahalaga pa rin yan para sa akin. Mas mahalaga kesa sa iyong tulong ninyo sa ekonomiya.
Napakalaki na tulong sa ekonomiya. Ngunit pinapaganda po ninyo ang reputasyon ng Pilipinas sa buong mundo. Kaya’t lahat ngayon. (applause)…
Lahat ngayon, kahit saan kayo pumunta, dahil wala na akong napuntahan, matagal na akong miikot, matagal na akong kung saan saan nakarating, kahit saan ka pumunta, may Pilipino.
Hulaan ninyo, saan kayang lugar na napuntahan ko na walang Pilipino. Yung hindi mo akalain na may Pilipino, lagi may Pilipino, kadalasan pa ay Ilokano (laughters and cheers)
Nung mga, eh alam mo naman kami mga Ilocano, kahit saan pupuntan. Para kahit yung malamig na lugar na nangangatog na kami, basta may trabaho, sige lang.
Ganyan talaga ang ugali namin. Pero natuto, sumasabay na lahat ng Pinoy.
At talaga po, nakakatuwa. Hindi ko sinasabi, magaling ba yung Pilipino?
Okay ba sila? Wala akong sinasabing gano’n. Sila lang nagsasabi. Mahal na mahal namin ang Pilipino rito.
At saka ang tingin sa inyo, hindi lamang kaibigan, kundi kamag-anak. Kasama na sa pamilya namin yung mga Pilipino niya. Napakalaki pasasalamat ang inyong Pangulo sa inyong lahat.
Dahil ay pinapatingkatin niyo ang pangalan ng Philippines sa buong mundo. Thank you very much. [applause]
Yan po ang aking narinig nung ako’y nakipagkita sa mga opisyal dito sa Vancouver nung isang araw. Ay dahil nga po ay inimbita tayo ni Prime Minister Carney at ang imbitasyon ay dalawang beses nang nabanggit ni Prime Minister noong isa pang taon.
At sa pag-uusap namin sa telepono noong Hulyo, noong last year, at pangalawa,
nagkita kami noong Oktubre at nagkausap din kami sa Kuala Lumpur, Malaysia, habang kami ay kasama sa Asian Summit.
So pagpunta ko rito, medyo kilala ko na siya dahil marami na kaming naging usapan.
Kaya laging sinasabi, pumunta ka sa Canada at ang dami mong kababayan doon. Kaya sa awa ng Diyos, nakaroon ng oras at eto, nakarating tayo sa Vancouver.
Maganda naman po ang aming pagtitipon at marami kaming napagusapan tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng Pilipinas at Canada sa larangan ng ekonomiya, enerhiya, pampansang siguridad, kultura, at sa ating people-to-people relationship.
Napag-usapan din namin kung paano mapapalakas ang ating ekonomiya, mas papabilis ang napalitan ng produkto at servisyo at mapapatatag ang siguridad, hindi lamang sa ating bansa, kung hindi, pinapag-usapan na po natin ang buong Southeast Asia at Indo-Pacific region.
As this year’s ASEAN Chair, our priority, the Philippines is the Chair of ASEAN this year.
Dahil po nagpapalit yan ang bawat taon. So napunta ngayon sa atin, turn ngayon natin itong na-2026.
And as the chair of ASIAN this year, our priority is to advance the regional agenda of peace and security, prosperity corridors, and people empowerment under the theme, “Navigating Our Future together.”
The invitation that was extended to me by the Government of Canada recognizes the long-standing and enduring relationship between our two countries.
Our diplomatic relations started 77 years ago in 1949. And this year, we mark the 70th anniversary of the establishment of the first Philippine Foreign Service Post in Canada, the Philippine Consulate here in Vancouver. The Philippine consulate here in Vancouver was established in 1956.
So happy anniversary to our team here in Vancouver.
And 15 years later, this was followed by the establishment of the Philippine Embassy in Ottawa in March 1971.
But the history between our two peoples, Canada and the Philippines, goes further back than that.
The first recorded Filipino in Canada’s records, Mr. Benjamin Benson Flores, arrived in Bowen Island sa British Columbia noong 1861.
Nasa ilalim pa tayo ng Kastila noon. 1861. This marks 165 years of people-to-people relations between the Philippines and Canada. Canada is home to the second largest Filipino diaspora in the whole world with one million residents tracing your heritage back to the Philippines.
So the foundation is strong and enduring in our partnership with Canada. And the path that we envision together moving forward is centered on strengthening our economic cooperation and people-to-people ties.
Dahil dito, sa loob ng dalawang araw, naging prayoridad natin ang paglagda ng mga kasunduang na papatibay sa ating economic and people-to-people ties.
Nilagdaan natin ang Memorandum of Understanding on Tourism Cooperation upang palaguin ang tourism sa pagitan ng Pilipinas at ng Canada.
Upang palakasin ang kooperasyon sa larangan ng kultura at sinig, nilagdaan din natin ang MOU on Cultural Cooperation. Upang linawin ang mga prinsipyo at iba yung pagtibayin ang magiging kooperasyon natin sa larangan ng enerhiya at likas yaman.
Nilagdaan din natin ang isang Joint Declaration of Intent on Energy and Natural Resources Cooperation. (applause)
Dahil po, dahil po, enerhiya at saka yung ating mining, dito pinakamalaking mining ng mga korporasyon. Kaya ang Pilipinas, hindi po natin, hindi pa natin nagagamit ng lubos ang ating kayamanan, our natural resources, kagaya ng mga nickel, mga copper. Kaya nagpapaturo tayo sa kanila dahil sila ang mga eksperto dyan.
Isa pang napakahalagang dokumento na pirmahan kahapon, joint declaration of intent on cooperation on labor and migration na nagpapatibay sa prinsipyo ng equal protection and ethical recruitment in labor migration. (applause)
This was followed by meetings and discussions with our Department of Trade and Industry, Department of Finance, key business councils, and Canada’s leading companies in priority sectors.
I am pleased to report that these engagements have advanced concrete commitments and investment opportunities, particularly in the areas of mining and critical minerals, IT, BPM, business processing, and other emerging industries that are likewise aligned with Canada’s economic priorities as well.
Ano po ang kahalagan nito?
Para sa ating bayan, mas maraming trabaho at pagkakataong kumita ng maayos, mas maginhawang pamumuhay ng ating mga kababayan at mas matibay na ekonomiya para sa ating mga pamilya.
During my visit here, what struck me most was the generous and consistent appreciation and high regard of the Canadian people for the Filipino community. [applause]
Totoo po yun, dahil isa sa pinakamagandang mensaheng paulit-ulit kung natatanggap mula sa pamahalaan at mga mamamayan ng Canada ay ang kanilang pagkilala sa husay, sa sipag, sa malasakit at samahan ng ating mga kababayan na nanirirahan at nagtatrabaho dito.
Kayo yun. Kaya maraming salamat uli. [applause]
Ayon na rin sa ating opisyal ng embahada at konsulado, ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa ating mga tradisyon at kultura, ang pagpapamalas ng malasakit at kabutihang asal, at ang hindi matawarang kontribusyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang sektor na palagi ang sinasabi na may namumuno sa pamahalaan at mga komunidad dito sa Canada.
Noong panahon ng pandemya, ng COVID, ang katatagan at malasakit ng Filipino healthcare workers ay naging sandigan ng mga ospital. [applause and cheers]
Samantala, ang mga Filipino caregivers naman ang nag-aruga sa mga bata at matatandang nangangailangan ng kalinga. Hindi ito nakakalimutan ng Canada at madalas itong binabanggit sa akin.
Filipino engineers, architects, other skilled trade workers such as insulators, welders, electricians are among those helping advance Canada’s major plans and projects in the construction, oil, and energy sectors.
The excellence of Filipinos is also recognized in the fields of education, social services, agriculture, and in the hotel, food, and tourism sectors.
Sa pamamagitan din po ng inyong mga Filipino community organizations and associations, patuloy ninyong binubuhay ang mga tradisyon at kultura ng Pilipinas, kahit kayo ay nandito na sa ibang bansa.
Aking napagalaman na nitong nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, punong-puno ng ating mga kababayan ang mga makukulay at masasayang selebrasyon na ginanab sa iba’t ibang probinsya ng Canada.
Tulad po ng lahat ng mga overseas Filipinos sa iba’t ibang panig ng mundo. Kayo po ay tumatay at nagbibigay buhay sa kultura at ng mga sektor na ekonomiya na napakahalaga sa isang bansa.
Kaya naman po, paulit-ulit kaming nagpapasalamat sa iyo.[applause]…
Kayo ang nagdadala ng dangal sa ating bansa. At nararapat lamang na mabigyan kayo ng tamang serbisyo, maayos na programa at patuloy ng pagsisikap upang maging mas matibay ang ating ekonomiya at ang ating kinabukasan.
As I have said before, our goal is to continue strengthening our economy so that traveling or working abroad becomes a matter of choice, whether driven by personal aspiration or the pursuit of better career opportunities, not out of necessity due to lack of opportunities back home. [applause]
Yan po ang ating hangarin. [applause]…
Yan po ang ating hangarin. Kaya patuloy natin pinapalakas ang ating kooperasyon at pakikipag-ugnayan sa mga bansang kaibigan natin tulad ng Canada, gayon din sa pribadong sektor upang maisulong ang mas malawak na pamamumuhunan ng Pilipinas.
Every collaboration means more livelihood opportunities and a better quality of life for Filipino families.
Habang narito po kayo, asahan ninyo ng iba yung serbisyo at programa ng ating embahada, ating konsulado, kasama ng mga attached agencies kagaya ng Department of Migrant Workers, ang OWWA, ang SSS.
Dito sa Canada, the recognition of your professional licenses and credentials is of utmost importance.
Nabanggit ko po ito sa PM, sa Prime Minister, practitioners are required to hold the appropriate license of certification in accordance with Canadian standards.
That’s why our officials continue to engage with the Canadian government to help make information, support, and process more accessible to Filipino nurses and other professionals. [applause]
And our consulate offers free training activities as well, where our Kababayans are able to receive training certificates that are valid and recognized by the Canadian government and employers. It’s a positive development. [applause]
This is especially during this time where we need to continually upskill and retool ourselves in order to meet competency standards and cope with rapidly evolving job requirements brought about by technology.
Mga kababayan, kayo ang magandang halimbawa at inspirasyon ng bawat Pilipino. Hindi madali ang mag-ibang bansa, ngunit sa sipag, katatagan at kongkretong pagpaplano sa pagmamahal ninyo sa pamilya at sa ating bayan, wala po kayong katulad.
Kaya mula sa puso ko, muli, maraming, maraming salamat. [applause]…
Patuloy tayong magkaisa at itaas ang bandera ng Pilipinas.
Mabuhay ang Pilipinas! [applause and cheers]
Mabuhay ang mga Pilipino dito sa Canada! [applause]
God bless you all. Maraming salamat at magandang gabi sa inyong lahat. [applause]
— END —