Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the meeting with the Filipino Community in Australia
Maraming-maraming salamat. Salamat po sa ating Kalihin ng Department of Foreign Affairs. [Puwede na po kayong umupo.]
Maraming salamat sa Kalihim ng Department of Foreign Affairs, si Secretary Ricky Manalo; iisaisahin ko po, ang mga nandito po na kasama naming delegasyon galing ng Pilipinas, andito po ang Speaker of the House of Representatives, Speaker Martin Romualdez; [applause] nandito rin po ang ating bagong itinalaga bilang Secretary ng Department of Finance, Finance Secretary, Secretary Ralph Recto, [applause] also known as Senator Vilma Santos; [laughter] andito, kasama din po natin, at dahil marami po tayong ginagawa, nandito tayo para hikayatin natin ang ating mga kaibigan dito sa Australia na magdala ng investment, magdala ng programa, ng project sa Pilipinas, andito po ang Trade and Industry Secretary, Secretary Fred Pascual. [applause]
At nandito rin po ang Kalihim ng DSWD, Department of Social Welfare and Development, Secretary Rex Gatchalian, [applause] siya po ang laging nandiyan pagka nagkabagyo, lindol, nagkaprobleama ay DSWD, nandiyan kaagad si Secretary Rex, kaya’t nagulat nga ako nakahanap siya ng oras sumama sa amin ngayong— itong biyahe na ito. [applause]
Kasama rin natin ang ating National Security Adviser. Ang National Security Adviser ang namumuno tungkol nga sa tumutulong sa pagbuo ng ating foreign policy at papano ‘yung ating para patibayin ang Pilipinas ay kasama ng ating mga kaibigan kagaya ng Australia. Andito po si National Security Adviser, Secretary Ed Año. [applause]
Ito po ay isang bagong posisyon na aming ginawa dahil po kagaya ng aking nabanggit ay lagi tayong naghahanap para magkaroon ng trabaho sa Pilipinas dahil ‘yung pong aming sinisigaw nung kampanya ay hindi lamang slogan ‘yun. Na sinasabi natin na kailangan magkaroon ng mas maraming trabaho sa Pilipinas, lalong lalo na pagkatapos ng pandemya. Kaya’t binuo po namin ang kanyang opisina at siya ngayon ay ang Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs, Secretary Frederick Go. [applause]
Itong susunod na ipapakilala ko, ay ito talagang para sa ating mga foreign— Filipino nationals na tumitira at nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa at ito ang pinakabagong departamento sa pamahalaan dahil ito ay pagkakakilala at magbibigay ng tulong para sa ating mga OFW para pagpapakilala ng kanilang— ng inyong, ng inyong halaga na ginagawa. At para sa Pilipinas, para sa inyong mga pamilya, para sa inyong mga community, ngunit ramdam na ramdam po ng buong Pilipinas ang inyong ginagawa. Kaya’t binuo po natin ang Department of Migrant Workers, Officer-in-Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac. [applause]
Narinig na po natin ang ating butihing Ambassador, Ambassador ng Pilipinas dito sa Australia, Ambassador Helen De La Vega. [applause]
At ang— siguro ito mas kilala ninyo, ‘yung inyong ConGen, ConGen dito sa Melbourne, Consul-General Maria Lourdes Salcedo. [applause and cheers]
[Aba. May dala ka yatang pala rito] [laughter]
[Ano ‘to puro kamaganak mo ang…] [laughter]
And all the other officials of the Philippine Embassy in Canberra and Philippine Consulate General here in Melbourne.
At hindi magiging buo ang aking pagpakilala kung hindi ko naman ipakilala ang aking mahal sa buhay na si First Lady Louise Araneta-Marcos; [applause and cheers], lagi kong sinusubukan kasi pagka nagii-speech ako ng ganito, nagiisip ako ‘yung introduction para paiyakin siya [laughter] kung minsan nagagawa ko.
Mga minamahal kong kababayan dito sa Australia, magandang gabi sa inyong lahat.
Na-confuse na ako eh, gabi ba, hapon, ano ba? Kasi alas otso na ng hapon— alas otso na ng gabi, eh maliwanag pa rin kaya’t siguro sige, magandang gabi na lang sa inyong lahat. Gaya ng nakasanayan natin sa Pilipinas.
Ako naman ay talagang nagagalak na makasama, makumusta kayo itong gabi na ito.
But before I proceed, I would like to acknowledge that we are gathered in the ancestral lands of the Wurundjeri and Boonwurrung peoples.
So, I pay respect to their elders past, present, and the emerging leaders that they have, acknowledge their aspirations for a meaningful recognition on issues concerning their land and communities.
Parepareho lang naman tayong mga tao, kaya’t dapat nating kilalanin ang ating mga naging host dito sa ating pagsasama ngayong gabi na ito. [applause]
I am truly proud to be with hardworking, optimistic, and passionate Filipinos who have joined the diverse Australian society to live, to work, to study, to raise families, to contribute to the betterment of your adoptive communities.
I’m honored to be the first Philippine President to visit Melbourne in line with my acceptance of the invitation of Prime Minister Anthony Albanese [applause] to participate in the ASEAN-Australia Special Summit.
Through this engagement, I wish to contribute and effectively convey our country’s desire for strengthened regional security, greater people-to-people relations, more robust trade, and an amplified level of foreign investments.
Before our official meetings begin tomorrow, my first priority is to connect with you, my fellow Filipinos. [applause and cheers]
My presence in Australia will only be meaningful if I’m given the opportunity to meet with you, to spend time with you.
Aking mga kababayan, some of you have come all the way from Regional Victoria, New South Wales— Regional Victoria, [applause] New South Wales, malayu-layo pinanggalingan, Queensland, Western Australia, even the Northern Territory.
I thank Team Philippines here in Australia led by our good Ambassador for attending to the many aspects of our relations and ensuring support for our vibrant Filipino diaspora here in the Land Down Under.
Alam niyo po ang katotohanan niyan, kapag kami ay nagbibyahe at syempre kakaunti lang naman ang oras namin dito, kaya’t ang schedule naming talagang punong-puno. Kaya’t— pero lahat kami, tingnan mo ‘yung ating mga Secretary nakangiti na, kanina hindi nakangiti ‘yan eh dahil maraming iniisip.
Pero pag ang lagi naming— we always look forward to this, ‘yung aming tinatawag na FilCom o Filipino Community, dahil lagi namang ang Pinoy laging masaya, we always look forward to— you have not disappointed us. Thank you so much for the very, very warm welcome. [applause and cheers]
The Filipino community’s efforts here have significantly enhanced the Philippines’ image in Australia. Your hard work, your talent, graciousness, your propensity to support those around you reflect the Filipino character.
Lagi kong sinasabi, lahat ng pinupuntahan ko. Ako’y nagpapasalamat sa mga Pinoy na nakatira sa iba’t ibang bansa, sa inyo na nandito sa Australia dahil sumikat po ang Pilipinas dahil sa inyo.
Sumikat ang Pilipinas dahil ang naging diaspora ang tinatawag–yung pagbiyahe ng ating mga kababayan sa iba’t ibang lugar ay nakilala ang Pilipino. Ang ugali ng Pilipino. Ang kultura ng Pilipino. At kaya naman, napamahal ninyo ang inyong mga kaibigan niyo dito sa Australia at napamahal na rin sila sa Pilipinas dahil dyan.
Kaya’t sinasabi nila napakalaking–napakahalaga ng ating mga OFW dahil nga marami silang– agpapadala sila ng tulong sa kanilang pamilya, nakakatulong sa kanilang mga community, at sa ekonomiya ng Pilipinas ay napakalaking bahagi na ng mga remittances kung tawagin. And syempre, importante yun at alam natin yun.
Ngunit ito ay palagay ko’y nakikita. Lahat po ng nakilala ko–Presidente, Prime Minister hari, sultan, kahit anong makilala ko, mahal na mahal ang Pilipino dahil ang Pilipino sabi nila, “ E ang Pilipino, hindi na nila trabaho, ginagawa pa nila.” “Wala kaming problema sa Pilipino dahil walang ginawa kundi magtrabaho at matulungin, kahit hindi nila kilala, tinutulungan nila.”
Hindi lang yung kapwa Pilipino at ‘pag kapwa Pilipino naman, talagang all out ang pagtulong kaya’t napakaganda ng reputasyon ng Pilipinas dahil sa inyo.
Lahat po ng aming nagawa. Lahat po ng aming ginagawa ngayon sa Australia, hindi po namin magagawa kung hindi ganyan ang pananaw ng mga Australiano sa Pilipino.
Hindi po namin kayang gawin ang mga agreement, yung mga partnership, yung mga alliances kung hindi sila malakas ang kumpiyansa–madaling kausap, masarap kausap ang Pilipino, dahil ang Pilipino masipag, maasahan, mabait at mapagmahal.
Ang biro nga e ang sabi sa ibang lugar– hindi ko alam kung sa Australia e ang tawag na nga sa mga Pinoy ay sabi, “Yan ang mga Hari at Reyna ng Overtime.” [laughter]
Dahil kapag kailangan ng mag–“Oo, sige.”–volunteer kagad yung Pinoy ‘di ba?
Tinatanong ko naman sa inyo bakit, bakit masyado kayong ganado mag-overtime?” “E anong gagawin namin, uuwi kami, wala na, nag-iisa kami manonood ng television? Magtrabaho na lang kami.”
At yan ganun yang mga katangian ng ugali ng Pilipino ay ang nagpasikat sa Pilipinas kaya’t ay kulang ang–kulang ang salita lamang na pasasalamat.
Kaya’t in return for all you have given us, this government is committed to improving life and livelihood for every Filipino wherever they may be. The Philippine economy now is thriving, marked by good growth, optimistic forecasts, record highs in employment, tourism, manufacturing.
And even if there are still challenges, it’s made possible by threats such as climate change, new technological frontiers, ‘yung mga social media, hindi natin masyado, hindi na natin makita kung saan pumupunta, yung AI, hindi alam natin kung ano yung mangyayari. Tapos nagkakagyera-gyera pa. These geopolitical realities na nakikita natin. ‘Yung mga Ukraine, mga Israel.
But still, I remain confident and optimistic in recognition of our friendship within ASEAN and partnership with like-minded countries such as Australia. We hope to continue to be an advocate of action founded on mutual trust, respect for sovereignty, and adherence to international law, including the UN Convention on the Law of the Sea.
So, with the active participation of all sectors of society, including and especially overseas Filipino, we are on track to achieve our agenda for social and economic transformation.
Ang salita po na ginagamit ko is transformation dahil alam niyo naman po, kagaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa kanilang lahat, lahat ng makausap ko, Covid changed everything. And that’s why we have to change along with it.
And that is why we have to transform, kailangan natin– we have to transform our bureaucracy. We have to transform our government.
We have to transform the way we do business. We have transformed the way we do business, the way we go to school. All of these, nagbago lahat.
Kaya’t kailangan naman na makapag adjust tayo and ang tanging solution dyan ay we have to transform not only the structures of government, not only the businesses–the business community, but also we have to have a change in ourselves and what change do I talk of?
Kaya’t napapagusapan po yung Bagong Pilipinas. Pag sinasabi po natin yung “Bagong Pilipinas”, dahil dapat maalala ng Pilipino ang kanyang sariling halaga.
Kung minsan kasi tayo, sinasabi natin “Ay, hindi mas maganda ‘yan, imported ‘yan e.” Ngayon, “Mas magaling ‘yang mga yan.” Hindi na totoo yun. Matagal nang hindi totoo yon.
Dapat kilalanin din natin. Kinikilala natin ang galing ng mga iba, ang mga nasa ibang bansa. Ngunit mahalaga rin kilala ninyo ang halaga at ang galing, sipag at ang husay ng Pilipino. Dapat ay ipagmalaki natin kaya’t lagi natin pong ipinagmamalaki sila. Sinasabi natin, kahit saan mo ilagay ang Pilipino kahit saan mo dalhin yan ay magsusumikap yan, at magiging successful yan. Kaya’t yan po ang isang kailangan pang baguhin, ang binabago po natin sa Bagong Pilipinas.
And I continue to commend you for your contribution to the country that nurtured you and provided the foundation for your success. Provide comfort and support for your fellow Filipinos, especially those aging in a foreign land. Embrace and celebrate your Filipino heritage, pass on this love for the Philippines to your children, to your grandchildren, to all the generation that follow. Teach them what the Philippine is and hopefully–yung Australia hindi naman malayo sa Pilipinas, iuwi nyo muna sa Pilipinas para makita nila ang ibig ninyong sabihin.
E siguro hindi nila naaalala kung sino yung mga bayani ng Pilipinas, hindi nila alam yung mga lugar na pinag-uusapan natin at simpleng simple lang, makikita nila kung gaano kaganda ang pinakamagandang bansa sa buong mundo, ang Pilipinas. [cheers and applause]
Let us always remember that the adage that is true, that home is where the heart is. So cherish your Filipino identity because in that way you remain connected to us, to the Philippines, no matter where you are. So, before I end, Let me invite you again to visit the Philippines soon and see for yourself the new Pilipinas, Ang Bagong Pilipinas. Yan po ang aming itinataguyod. Yan po ang aking ipinaglalaban ngayon.
And, as our tourism slogan says, even in Australia, I hope that you Love the Philippines! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang ating mga OFW dito sa Australia! Mabuhay ang Lahing Pilipino! Maraming salamat po. Magandang gabi po sa inyong lahat!
-END-