Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Meet and Greet with Batang Maynila Presidential Scholars
Maraming-maraming salamat. Magandang umaga po sa inyong lahat.
At babatiin ko lang ang ating โ ang ating butihing mayor, Mayor Isko. At ang ating Vice Mayor; ating Congressman; lahat ng mga konsehal; lahat ng mga barangay chairman; at lalong-lalo na ang ating mga Presidential Scholar na nandito ngayon lahat.
[applause]
Ipapaliwanag ko lang po, ang sadya ko lang naman po rito ay tiyakin na talaga namang ang programa namin, ang tawag namin ay Bawat Bayan ay Makikinabang. Ito po ay tulong at paraโฆ Nakipag-ugnayan po tayo sa local government kayaโt ang mga pondo na nasa national government ay ibinaba na po namin.
Ang local government na po ang humahawak para mapabilis.
Ganito po ang nangyari diyan.
Alam niyo po, mayroon kasing pondo dati pa na tinatawag na LGSF, Local Government Support Fund.
โYun po ay para talaga sa local government โyun. Ngunit sa nakaraang ilang taon ay hindi po masyadong nagagamit para sa local government.
Kaya sabi ko, edi dapat โ eh panahon na nga โ panahon na talaga, na dapat magamit na natin para bigay natin sa local government para naman mayroong gagamitin na pondo ang local government.
Diyan po nabuhay, โyung nabanggit po ni Mayor Isko, โyan po ang programa na nagbibigay ng bigas para sa ating mga โ ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong at hindi nakakatiyak sa kanilang pagkain.
At eh kung minsan, โyung iba po sa atin eh kawawa naman, isang beses lang kumain sa isang araw. Kung minsan, isang beses lamang sa dalawang araw.
Kayaโt sabi ko, ang maaari nating gawin para tiyakin na kahit papaano mayroon silang mailagay sa kanilang hapag kainan ay ibaba na lang natin ang pondong โyan.
At dahil alam niyo naman po, pagka national government ang gumagawa lahat ng programa, medyo natatagalan. Dahil bababa pa ang mga opisyal, pupunta pa sa isang lugar, magtatanong, magse-survey, โsino ba rito ang dapat matulungan?โ Eh, napakatagal po niyan.
Kaya alam niyo po, ako sanay ako sa local government dahil nag-gobernador ako ng Ilocos Norte ng 9 years.
Kayaโt sabi ko bakit pa natin pinapahirapan ang sarili natin. Andiyan na ang local government. Nandiyan na sila. Gamitin natin sila. Makipag-ugnayan tayong mabuti sa local government upang mapabilis.
Kayaโt ang ginawa po namin, binaba na po namin โyung pondo. Bahala na ang local government. Mabilis ang pag-distribute. Mabilis ang pagpaabot ng tulong sa ating mga nangangailangang kababayan. โYan po โyung LGSF.
Ito naman po ay kasama po doon sa programa. Iba namang pondo ang ginamit dito. Tinatawag Socio-Civic Development Program.
Ito po ay ang aming ginawa ay may pondo po ang pamahalaan โ ang national government. E kako, alam ko naman na pagdating ng panahon ay sa โpag โ โyung ating mga bara-barangay, eh pagdating ng panahon na nangangailangan sila ng pondo, kung minsan talagang napakakulang ang pondo.
Kayaโt sabi ko, gami โ dapat tulungan natin ang ating mga barangay dahil kung minsan โyung pondo hindi na bumababa sa kanila dahil kung saan-saan nagagamit dahil siyempre maraming pangangailangan.
Kayaโt ginawa po natin, bawat barangay po ay binigyan natin ng PhP200,000. Every barangay sa buong Pilipinas. [applause]
Ang hiniling lang namin sa ating mga barangay official ay โyung sa PhP200,000 โyun, โyung PhP100,000 ay gamitin para sa scholarship.
Ito po ang nakita ninyo, namigay po tayo ng mga cheque na para sa mga scholar natin. Tawag ngayon sa kanila, mga presidential scholar ngayon kayo.
Kaya kailangan pagbutihan ninyo ang pag-aaral ninyo para deserving naman kayo doon sa bago ninyong titulo.
At sabi namin, mamili kayo sa bawat barangay, mamili kayo ng lima na estudyante na bibigyan natin ng tulong.
Ang piliin ninyo, โyung mga magtatapos na. Pero, baka hindi makapagtapos dahil kulang sa pambayad, kailangang magtrabaho, kung ano man ang dahilan.
At itong tulog na ito ay ibibigay natin para naman matiyak na sila ay makapagtapos.
Kaya โyung PhP100,000, hinati sa lima dahil amimili ng tigli-limang iskolar ang bawat barangay. Bawat iskolar ay tumanggap ngayon ng PhP20,000, PhP20,000 bawat isa para sila ay may gagamitin para sa pag-aaral nila. [applause]
Ang akin ngang sinasabi sa ating mga presidential scholar ay sana mapakinabangan ninyo nang mabuti itong pondong ito, itong PhP20,000 na ito at pagbutihan ninyo โyung pag-aaral ninyo.
At napakahalaga para sa administrasyong ito ang magandang edukasyon para sa ating mga kabataan.
Dahil po, alam naman po natin na pagka nakapagtapos, may hawak na na diploma, may hawak na na certificate, ang isang tao ay mas maganda ang kanyang kinabukasan.
Mas maraming magagawa, mas madaling makahanap ng trabaho, mas maganda ang kinabukasan ng hindi lamang ng estudyante na nag-graduate, kung hindi, pati na โyung pamilya nila, pati na โyung komunidad nila, โyung barangay nila, โyung lungsod nila, at โyung buong Pilipinas.
Ito po ay ginawa natin, hindi lamang po dito sa Maynila. Ginawa po natin ito sa buong Pilipinas.
Kaya, ang mahalaga rito, sa buong Pilipinas, mahigit-kumulang 42,000 ang barangay.
So, sa 42,000 times 5, labis na, higit pa sa 200,000 ang magiging presidential scholar.
Napakahalaga po nito dahil ang โ kagaya ng sinasabi ko sa ating mga scholar na dapat nilang alalahanin na ang pag-aaral at ang edukasyon ay isang biyaya โyan na parang binigay sa inyo.
At dahil pinaghirapan ninyo, nag-aral kayong mabuti, nagkaroon kayo ng magandang edukasyon, mayroon kayong napag-aralan, marami na kayong nalaman, marami na kayong natutunan, ay magandang โ magiging mas maganda po ang mga buhay.
At โyang yaman na โyan, โyang yaman na binigay sa inyo ha? Ng edukasyon, ay ito po ay yaman na hindi na maaaring makuha sa inyo. Nasa sa inyo na โyan habang buhay.
Araw-araw mararamdaman ninyo kung bakit maganda na magkaroon ng magandang training, magandang edukasyon, dahil po ito ay tutulong nga sa inyong pagpaganda ng inyong buhay.
At ito pong yaman na ito, hindi na maaaring buwagin, hindi na maaaring โ hindi malulusaw โyan, hindi na mawawala โyan, hindi puwedeng nakawin, hindi puwedeng agawin sa inyo โyan. Kaya ito ay napakahalaga para sa amin
Bakit magiging mahalaga para sa isang bansa ang maraming nagtapos na mga kabataan?
Dahil po, ang katotohanan talaga, eh kami naman ayโฆWala naman pong forever na nandito na lang kami habang buhay โ eh sa darating na panahon.
Darating ang araw na kami, na mga liderato ngayon eh matatapos na ang aming mga termino, ma โ tatanda na kami, magre-retire na kami, kayo naman ang titingnan ng ating bansa na mamuno.
Kayo naman ang magiging leader. Kayo na ang gagawa ng mga mabibigat na desisyon. Kayaโt kailangan ay handa kayo at alam na ninyo ang gagawin.
At mayโฆ Kayo ay subok na, marami na po kayong napag-aralan at sa ganoong paraan, pagagandahin ninyo ang inyong sariling buhay, pagagandahin ninyo ang buhay ng inyong pamilya, pagagandahin ninyo ang inyong komunidad.
At sa ganong paraan, kapag naparami po natin itong ating mga iskolar, mapapaganda rin ang buong Pilipinas. Kaya po napakahalaga po nito. [applause]
Kaya gamitin niyo nang mabuti, mapakinabangan ninyo โyung PhP20,000 at sa ganoong paraan, ito po ay magbibigay sa inyo ng napakahalaga na yaman na magagamit ninyo sa buong buhay ninyo.
Ito po ay ang tulongโฆ At alam niyo po, dahil nga sa pinanggalingan kong local government ay sinasabi ko dapat eh mas maganda ang ugnayan ng national government at saka ng local government.
Eh sabi ko nasasayang, ang daming ta โ maraming mga magagaling sa local government. Dapat isama natin sa lahat ng programang ginagawa natin.
Kaya po nabuhay โyun pong LGSF na sinasabi ko na nagbigay ng bigas at itong mga scholarship.
Sa mga barangay chairman naman, PhP200,000 ang binigay namin sa mga chairman. PhP100,000 ang para sa scholar, โyung PhP100,000 na natira, nasa sa inyo na โyun.
Dahil alam ko naman na sa bara-barangay, ang talagang nakakaalam sa mga pangangailangan sa barangay ay โyung chairman.
Kaya pinagbigyan natin โ mabigyan naman natin sila nang kaunting magamit na pondo para โyung mga inisiyatibo na nais nilang ilunsad ay mapakikita natin, sila ang magde-decide, sila ang mag โ sila ang may kinalaman doon sa kanilang lugar.
Kaya โyung PhP100,000, gagamitin ng ating mga โ ang mga barangay official eh sila ang mamimili kung saan ilalagay.
โYung ibang lugar [applause] โ โyung ibang barangay, bumili ng bigas para dagdagan โyung binibigay ng national at saka local government.
โYung iba, nagdagdag ng scholarship. โYung iba, nagkaroon ng proyekto. May barangay, bumili ng motorsiklo para โyung mga barangay tanod, mayroon silang gagamitin para paikot-ikot.
โYan po ay kaya binigay na namin, sabi namin, may initiative naman
ang mga barangay chairman. Pabayaan natin sila mag-decide kung ano โyung dapat gawin sa kanilang bara-barangay.
At mabuti naman po sa kasalukuyanโฆ Ay dahil po nababahala kami, mayroon po tayong mga statistiko nalalaman.
โYung EDCOM โ โyung Commission on Education, โyung pangalawa, noong 2025, 28 point โ halos 29 percent na ang college student nag-dropout noong 2025. Napakasayang. Ito po โyung mga malalapit na magtapos.
Kaya sa ngayon, sa halos 15,000 na po na barangay ang nabigyan ng suporta nitong programang ito. Dito naman sa Maynila, mahigit 4,000, 4,000 ang magiging presidential scholar dito.
At ito ay malaking bagay upang makatulong sa inyong edukasyon.
At โyan po ang aming magiging programa at tinitiyak po natin na ito ay mabilis bumaba at deretso po sa tao, sa taumbayan at hindi dumadaan-daan kung saan saan pa. At sa inyo, tuloy-tuloy galing sa national government.
Ang mag-distribute ang local government, mabilis ang pagtanggap ng ating mga mamamayan.
Kaya โyan po ang ating programang Bawat Bayan ay Makikinabang.
Dagdagan na rin natin ng Bawat Barangay ay Makikinabang.
โYan po ang ating programa. [applause]
Nakakatiyak po ako โ nakakatiyak po ako na ang ating mga presidential scholar ay mag-aaral nang mabuti.
Pagsipagan ninyo ito at magkikita ulit tayo kapag may hawak na kayong mga diploma.
Maraming salamat sa inyong lahat.
Magandang umaga po.
โ END โ