Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Launching of the Toll Collection System Interoperability Project: One RFID, All Tollways

Speeches 21 October 2025

Allow me to greet first our Acting Secretary for the DOTr, Secretary Giovanni Lopez. [Please take your seats.]

Our partners in this entire endeavor without whom we could not have done it… I don’t know the difficulties that they had to encounter but it took us eight years to get to this point. We are trying to emulate some of the systems that many of us who traveled abroad have seen – and take public transport have seen that will make things easier for our commuters and for all the people who use all of these highways. Nandito po ang San Miguel Corporation Chairman and CEO Ramon Ang and Metro Pacific Investments Corporation Chairman and CEO Manny Pangilinan. [applause] Two of our stellar partners in the private sector.

Maraming-marami sa ating ginagawa ngayon hindi natin kaya – hindi kayang gawin ng pamahalaan lamang. Kaya atin ay isinama at humingi ng tulong sa ating mga private sector partner. At masasabi ko naman kapag tayo ay humihingi ng tulong sa kanila, hindi pa tayo hinihindian, talagang lahat ng maaari nilang gawin ginagawa nila para magkaroon tayo ng matagumpay na programa kagaya nito. [applause]

The Toll Regulatory Board Executive Director Jose Arturo Tugade [applause and cheers] – aba, may dala kang pala ah –  [laughter] my fellow workers in government; other distinguished guests; ladies and gentlemen.

Good morning.

Sa mga nakaraang taon, naging bahagi na ng karaniwang biyahe rito sa Kalakhang Maynila at mga karatig-probinsya ang paggamit ng ‘yung RFID.

Malinaw ang layunin nito: mapabilis ang daloy ng trapiko sa mga toll gates. At totoo naman, malaki ang tulong nito.

Ngunit hindi natin maikakaila na nagdudulot din ang dalawang RFID systems ng kalituhan.

Kapag dumaan ka ng Skyway o TPLEX, Autosweep ang gagamitin mo. Kapag naman NLEX o SCTEX, EasyTrip naman.

Ibig sabihin, dalawang card, dalawang account, dalawang load pa sa bawat biyahe.

Minsan pa, nalagyan mo ng load ‘yung NLEX, kaso nalimutan mo ‘yung sa TPLEX. Resulta, pipila ka sa bayaran. Sayang sa oras, bawas sa oras na para sana sa pasyal, sa bonding sa pamilya, at sa trabaho.

Nakikinig tayo sa hinaing ng ating mga kababayan. Kaya naman pinag-aralan natin ang problema, at nakahanap tayo ng magandang solusyon.

Simula ngayon, iisang RFID sticker na lang ang kailangan para sa mga toll expressways natin sa buong Luzon. [applause]

Ilulunsad din natin ang mga group/fleet account sa susunod na taon.

Sa ngayon, inuna natin ang ating mga private commuter. Kaya isusunod na lang natin ‘yung mga fleet accounts which I am reliably informed comprises a very small minority of the total traffic that we are trying to ease.

Iisang account na lang, iisang sticker na lang, iisang sistema: One RFID for all tollways.

Hindi mo na kailangan mag-alala kung tama ang account mo o na-load-an mo.

Ang maganda pa rito, libre ang registration.

Walang bayad. At higit sa lahat, nasa inyo kung mag-register kayo dito. Optional po ito. Kung hindi ninyo naman nagagamit ang isang sistema, ay setup ninyo, bahala kayo kung ano ‘yung kailangan ninyo. Kung kailangan ninyo ‘yung dalawang sistema na ipagsama nandiyan ang option. Kung hindi ninyo naman ginagamit ang isang sistema, eh manatili kayo doon sa inyong pang-araw-araw na pangangailangan.

Ngunit kung ninanais ninyo nang mas simple [at] pinagsamang account, puwedeng-puwede na.

Ginawa nating madali, abot-kamay, hassle-free ang buong proseso. Puwede nang magparehistro online o walk-in.

Ang repormang ito sa RFID system ay bahagi nang mas malawak nating layunin na gawing mas moderno, konektado, at nakatuon sa pangangailangan ng bawat Pilipino ang ating imprastraktura.

Hangad natin ang dire-diretsong biyahe mula hilaga hanggang timog dito sa Luzon.

Reduce unnecessary stress. Reduce unnecessary delays.

Maliban na lang kung napahaba ang pagkain ninyo sa stopovers—hindi na po namin kontrol ‘yan ha. Nasa sa inyo na ‘yun.

This project has been made possible because of the continued trust, commitment, and flexibility of our partner concessionaires, the operators, and ETC/RFID providers.

Years of consultation and cooperation with the DOTr and the Toll Regulatory Board have finally led us to a unified system that responds to the real needs of our motorists.

And true to the spirit of public service, you worked hand in hand not because you needed to, but because you wanted to make sure that the travel for all Filipinos is made easier.

This is the true Filipino spirit. One of unity, bayanihan, and pakikipagkapwa.

So, to our partners from the San Miguel and Metro Pacific Investments Corporations, maraming, maraming, maraming salamat for being part of the solution. [applause]

This is once more proof that together, we can create innovative solutions to the everyday challenges faced by our people.

Muli, isang paalala para sa ating mga biyahero at motorista: hinihikayat namin kayong siguraduhing may sapat na load ang inyong RFID bago bumiyahe.

At sa mga wala pang account, iniimbitahan namin kayo na subukan ninyo ito. Madali lang ang proseso. Tiyak na malaking tulong sa inyong paglalakbay.

Mga kababayan, patuloy po nating pinapahusay ang ating transport system.

Mas gaganda pa po ito kung magtutulungan tayong lahat. Kaya tuloy-tuloy ang kooperasyon at disiplina sa kalsada.

Maraming, maraming salamat. Mabuhay tayong lahat!

Mabuhay ang Bagong Pilipinas! [applause]

— END —