Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inauguration of the Tugbong Solar Pump Irrigation Project

Speeches 23 October 2026

raming salamat, Administrator Eduardo G. Guillen [Please, magsiupo po tayo]; ang ating mga local officials led by Vice Gov. Sandy; at ang ating mga local LGU officials na nandito lahat at lalong-lalo na ang ating mga magsasaka na mga magiging beneficiary nitong ating solar pump irrigation system.

Ito po ay ating ginawa na programa hindi lamang po dito kung hindi sa buong Pilipinas. At ito ang ginagamit nga natin ang mga bagong teknolohiya para naman ay mapaganda ang ating irrigation system sa buong Pilipinas.

Kaya’t magandang-maganda na nabuksan natin, bubuksan na natin itong Tugbong Solar Pump Irrigation System. Iyong dalawang site, nakita natin doon sa video, dalawa itong site na ito, 115 hectares ang matutubigan.

At sa ganun paraan ay magiging mas maganda ang inyong ani, mas magiging maganda, mas mapapadalas. Baka ‘yung mga dati dalawang planting seasons lamang, ay baka maparami natin, magawa natin ng tatlong planting seasons. Basta na alam naman natin, ang patubig lang naman talaga ang pinakaimportante dyan.

Kaya patuloy na ginagawa natin ito. At sa ngayon, Ang bilang ng nagawa na natin na solar pump irrigation system sa buong Pilipinas, 3,000 na ang nagawa natin na ganito. [applause] At umaabot na tayo sa 70% ng irrigable lands ay irrigated na.

At pinapaspas natin para tiyakin na dahil alam ng mga magsasaka ‘yan na talaga naman ang pinakaimportante sa lahat pagka nagsasaka ay ang patubig. Kaya ito’y ginawa natin prayoridad.

Ngunit sa paggamit natin ng ating solar power, alam nyo naman po, nakita naman po ninyo, kinukuha lang natin ‘yung… gumagawa tayo ng kuryente na galing sa araw kaya’t libre. Pagka ‘yung ganyang katumbas ng kuryente na lumalabas diyan sa solar, ay ginawa natin sa krudo na bomba, sa krudo na nanggagaling ang patakbo ng ating mga bomba ay siguro gagastos kayo ng mga 20,000 bawat season para makapagpatubig ng inyong mga lupain kaya patuloy natin kinakalat.

Mayroon din tayo ganito sa DA naman. Hindi solar pump irrigation system kung hindi, solar pump lang. Namimigay tayo sa ating mga farmer, sa ating mga magsasaka. ‘Yung solar pump, ‘yung maliit, bomba lang at saka solar. Pero pinaparami din natin, napakalaking bagay dahil malaki ang nagiging savings ng ating mga magsasaka.

Kaya patuloy natin ginagawa ito lalong-lalo na ngayon, naging mahalaga ito. Ito’y programa na nagsimula ito, 2022 pa. Pag-upo ko ay kaagad ay sinabi ko napakahalaga itong problemang ito, kailangan talaga natin tutukan itong problemang ito. At sinimulaan po natin na… at saka nakita natin na ‘yung solar ay may gamit talaga para sa atin.

Naging ngayon mas mahalaga lahat itong ginagawa natin. Kaya’t iniikot ko at tinitiyak ko na maayos ang ating mga patubig natin dahil parating na at napapag-usapan na parating ‘yung El Niño. Pero itong darating daw na El Niño ay mas mabigat kaysa sa dating mga El Niño. Sa ngayon, mayroon na tayo, nararamdaman na natin at umiinit na at sabi nila ay patuloy pa ‘to hanggang next year.

Kaya tinitiyak natin na ang ating mga irrigation systems ay nandyan na patuloy pa rin, panay pa rin ang ating ginagawa na irrigation system para sa ating mga magsasaka at sa ating mga iba’t ibang taniman. At ito ‘yung ganitong klase, lahat po na ang ating maaring gawin upang mag-ipon ng tubig, naghuhukay tayo ng mga sweep, gumagawa tayo ng mga sweep, at ginagamit natin lahat ng iba’t ibang paraan upang maipon natin ‘yung tubig at hindi magiging masyadong malala ang epekto ng El Niño sa atin.

Sa ngayon ay maaari kong i-report sa inyo lahat na kung maalala ninyo, nung tagtuyot ng 2024, mabigat din nun dahil wala tayo nakikita ng ulan ng siyam na buwan, walang ulan dito sa Pilipinas. Ngunit ngayon, mas handa na tayo kaysa noong 2024. Ang ating mga, ‘yung mga dam natin, mas mataas ang tubig kaysa sa nung nag-umpisa yung 2024.

Marami tayong hinanda na ganitong mga irrigation system. Marami tayong mga hinuhukay na mga sweep para mayroon tayong patubig. At itong ginagawa natin sa ibang lugar, pagka dam naman ang tinatayo natin, hindi lang para ipunin ang tubig, ito nilalagyan pa ng isda ‘yung iba, pagka bumaba na ‘yung tubig, ‘pag ginamit natin ‘yung tubig, saka mangingisda bigla at kukunin natin ‘yung isda para magamit din.

At yung iba namang dam, ‘yung mas malaki, ay kinukuha na natin ng power dahil ginagawa nating hydroelectric dam. Kahit na ‘yung maliliit, pwede na. Kahit mga five megawatts lang, 10 megawatts, nagagamit pa rin natin ‘yan.

Kaya lahat ng paraan na maaari nating gawin ay ginagawa natin upang mapatibay ang sistema ng patubig, ang suplay ng tubig, hindi lamang para sa irigasyon, kung hindi pati na sa ating mga bahay na magkaroon tayo, na hindi tayo maputulan ng tubig dahil masyadong tuyo.

Kaya patuloy ang ating mga ginagawa at tinitiyak natin na pinabilis ang mga construction ng ganitong mga irrigation system, pinabilis ang lahat ng construction ng ating paipon ng tubig at ang mga sistema na pag-distribute ng tubig natin.

Kaya’t patuloy po ang inyong pamahalaan at nakakatiyak po kayo na lahat ng maaari nating gawin para makapaghanda sa Super El Niño kung tawagin, ay para makapaghanda diyan sa tagtuyot na parating na mas tutuyo pa ay ginagawa po ng inyong pamahalaan.

At kung mayroon po kayong pangangailangan at kaya namin na gawan ng paraan para ayusin ang nagiging problema ninyo, sabihan nyo po kami, asahan ninyo, lahat ng aming kayang gawin ay gagawin namin. [applause]

Huwag ninyong iniisip na napapabayaan kayo, hindi po namin kayo pinababayaan. Araw-araw, gabi-gabi at iniisip po namin kung papaano pagandahin ang inyong mga buhay. [applause]

Maraming, maraming salamat. Daghang salamat.

Thank you very much. Maraming salamat po.

—END—