Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Distribution of Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families in Apayao
Dios ti agngina. Agricultural Secretary, Secretary Kiko Laurel.
[Agtugaw kayo apo.] (Please take your seats)
Adadtoy ti (Nandito ang) Apayao Lone District Representative, Representative Eleanor Bulut-Begtang; ang Ifugao Lone District Representative, Solomon Chungalao [applause]; the Kalinga Lone District Representative, Representative Allen Jesse Mangaoang [applause]; ti (ang) Gobernador tayo (natin), Apayao Provincial Governor, Governor Elias Bulut Jr. [applause]; ken (and) Benguet Provincial Governor, Governor Melchor Diclas [applause]; Ifugao Provincial Governor, Jerry Dalipog, Governor Jerry [applause]; Mountain Province Governor, Governor Bonifacio Lacwasan Jr. [applause]; Apayao Provincial Vice-Governor Remy Albano [applause]; ti (ang) Bise Gobernador nga Probinsya nga Abra, Vice Governor Maria Jocelyn Valera-Bernos [applause]; Apayao Municipal Mayor Josephine Bangsil and other local chief executives; adadtoy ti (nandito ang) anak ko, ni Vincent Marcos [applause] nga… Sinama ko para makita niya at sabi niya never pa raw siya nakapunta rito.‘Ka ko isa na ito sa pinakamagandang lugar sa buong Pilipinas kaya’t kailangan kong makita, kaya dinala ko dito sa… [cheers and applause]; ang pinaka-importante na mga kasamahan natin dito ngayon, ang ating mga beneficiary, kayo po na magtatanggap ng mga ating ibibigay na tulong ngayong araw; ang aking mga kasamahan sa gobyerno; ang gaggayem ken kakabsat, naimbag nga aldaw yuamin!
Masaya po ako na pagkatapos ng ilang — sinubukan nating pagpunta ay sa wakas nakarating po tayo dito sa napakagandang lalawigan ng Apayao [applause] upang makasama at makumustakayong lahat.
Narito ako ngayon upang makabawi man lamang sa inyo dahil sa naudlot na pagbisita [ko] noong nakaraang taon dulot ng masamang panahon.
Kamuntik na naman tayo. Itong araw na ito dahil ‘yung weather ay talagang nagsimula na ang tag-ulan kaya’t lahat ng pinupuntahan namin ay kailangan agahan. Kaya’t inuna ko na ang Apayao. [applause]
Tamang-tama rin po ang pagbisita ngayon dahil [ipinagdiriwang] natin ang Cordillera Month.
Nais ko rin ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat dahil kinilala niyo po ako bilang isang “adopted son” ng Apayao. [applause]
Ako po ay nagagalak sa titulo at pangalan na inyong ipinagkaloob [na “Pamengalan”] sa akin.
Muli po, maraming salamat sa inyong lahat. Agyamanak unay. (Maraming salamat) [applause]
Higit po sa aking pasasalamat, narito po ako, kasama ng ating ilang opisyal ng pamahalaan, upang maghatid ng tulong sa ating mga minamahal na magsasaka, mangingisda, at inyong mga pamilya.
Alam naman po nating lahat na maraming kabuhayan ang lubhang tinamaan ng El Niño noong mga nakaraang buwan at ilan sa mga naapektuhan ng matinding tagtuyot ay ang mga sakahan at palaisdaan.
Kaya po, ayon sa aming datos, higit isang bilyong piso, 1.24 billion ang naging pinsala sa sektor ng agrikultura dito sa [buong] Cordillera Region na naka-apekto sa kabuhayan ng higit dalawampu’t walong libong magsasaka at mangingisda.
Hindi po biro ang ganitong laki at lawak [na] pagkawala, na sana ay naging pagkain ng maraming pamilya at naging kita [na] ng ating mga kababayan.
Upang gabayan kayo sa inyong muling pagbangon, mamimigay po ang Office of the President ng [tig-sampung] libong piso para sa ilang piling magsasaka at mangingisda mula sa Apayao, Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. [applause]
Sa kabuuan, naglaan kami ng mahigit dalawang daan at animnapung milyong piso para sa ating mga benepisyaryo na [ipamamahagi] natin sa tulong ng mga pamahalaang panlalawigan ng Cordillera Administrative Region.
Ang DSWD naman ay mamamahagi ng [tig-sampung] libong piso rin para sa dalawang libo at limang daang benepisyaryo ng AKAP Program. [applause]
Ito po ay kasama pa rin ang ilang ahensya ng gobyerno na magbibigay ng ayuda sa ilalim ng kani-kanilang mga programa na aagapay sa inyong kabuhayan.
Sinama ko po ang [aking] mga kalihim na galing sa iba’t ibang kagawaran dahil ito po ay aming approach sa gobyerno. Ang tinatawag namin na the whole-of-government approach. Ibig sabihin, pagka mayroon tayong proyekto, pagka mayroon tayong programa, ang ginagawa po namin ay ang buong pamahalaan ay tumutulong para maging matagumpay ang programa o proyekto natin.
Kayo po, hindi lang po — sasabihin natin kung minsan: Ito DA lang, Department of Agriculture lang ang gagawa niyan. Hindi po, dahil nakakatulong po rin ang DSWD, nakakatulong din po ang DOLE, nakakatulong po ang DTI, nakakatulong po ang DILG.
Kayo po ay sila ang sinasama-sama nating lahat para matiyak natin na maging matagumpay ang ating mga programa. Kaya po sila ay nandito.
Para po sa ating mga magsasaka, ang DA ay mamimigay ng mga punla at samu’t-saring makinarya tulad ng traktora, mechanical transplanter, [open source] water pumps, recirculating dryers, [at] ilan pang mga kagamitan at pasilidad para sa pagtatanim at pag-aalaga ng hayop.
Naglaan din ang DA ng pondo na [nagkakahalaga] ng [pitumpu’t-pitong] milyong piso para sa AgriNegosyo Loan Program upang matulungan kayong makapag-umpisa o mas mapalago ang inyong mga negosyo.
At upang mapalakas ang implementasyon ng Agricultural Insurance Program, may inilaan din po tayong pondo na nagkakahalaga ng higit isang daan at tatlumpung milyong piso para dito sa inyong rehiyon. [applause]
Upang mapayabong pa ang inyong mga sakahan, magbibigay po ang NIA ng isang Pump Irrigation System at isang Solar Submersible Pump [and] Irrigation System na [nagkakahalaga] ng dalawampu’t walong milyong piso para sa probinsya naman ng Kalinga. [applause]
Mabibiyayaan [din po ang lalawigan ng Apayao ng isang Irrigation System] na [nagkakahalaga] ng apatnapu’t dalawang milyong piso. [applause]
Sa BFAR naman, ay mamimigay ng ilang bangka, isang fish hatchery, [at] ilang proyekto para sa integrated [farming] pond culture sa ating mga benepisyaryo dito sa probinsya.
Ang DILG naman ay maghahatid ng financial assistance mula sa ating Local Government Support Fund na nagkakahalaga ng mahigit dalawang daang milyong piso para sa ilang bayan dito sa Cordillera.
Narito din po ang ating DTI na [magbibigay] ng pondo para sa pagpapagawa ng ilang Shared Service [Facilities] para sa abel [manufacturing], cacao processing,[at] fruit and vegetable processing sa mga bayan ng Luna at ng Flora. [applause]
Ang DOLE naman ay may handog naman na higit pito at kalahating milyong piso bilang livelihood assistance [para] sa ilang barangay dito sa Apayao.
Maglalaan din po ang DOLE ng higit dalawampu’t walong milyong piso para sa mahigit apat na libo at dalawang daang pamilya sa ilalim ng TUPAD program. [applause]
Ang TESDA naman ay may handog na tatlong yunit [ng] 3D printing [machines], pati na kasama diyan ang mga tool [kits], training support fund at allowances para sa ating mga iskolar at ilang institusyon dito sa Apayao. [applause]
Hindi pa po nagtatapos diyan ang paghahatid natin ng tulong dahil mula naman — kasama din po ang ating mga Congressman na tumutulong dahil po sa Tanggapan po ng House of Representatives sa opisina po ng ating Speaker, Speaker Martin Romualdez, ay naghanda din sila ng [tig-limang] kilo ng bigas para sa lahat ng nakadalo dito sa ngayong araw. [applause]
Higit pa sa [mga] ipinapaabot namin na tulong [at] serbisyo, sinisiguro po natin na hindi maiiwanan ang Apayao at buong CAR sa ating mithiin na sama-samang pag-unlad.
Mayroon na tayong ilang priority [projects] na isinasagawa ngayon dito sa inyong rehiyon.
Ang ilan dito ay nasimulan na gaya ng Marimay Earthfill Dam at [ang] Piddig-Carasi-Calanasan Road na inaasahan nating matatapos na sa susunod na taon. [applause]
Nagsimula pa ‘yang kalsadang ‘yan, ‘yung mga ama natin. Ngayon lang natin matatapos. Gaano katagal… Si Gov. Elias naalala ko, matagal ng — governor din ako noon. Matagal naming pinag-uusapan ito. Sana mabuo natin. Sana mabuo natin. Ngayon nga, mabubuo na natin. [applause]
Patuloy din po ang pagpapagawa ng Apayao Sports Complex o Convention Center [cheers and applause] at kasalukuyan sinusuri naman ng DPWH ang hinihingi ninyong karagdagang pondo para sa proyektong ito. [applause]
Ngayon naman ay parating ang tag-ulan, minabuti po namin na maghanda ng pondo, pagkain, [at] non-food items na nagkakahalaga ng higit walumpu’t tatlong milyong piso para dito sa region.
Mga minamahal kong kababayan, asahan po ninyo na hindi tumitigil ang inyong pamahalaan [sa pagpapatupad] [ng] ating mga proyekto at programa na magsusulong nang mas maganda na buhay para sa ating
magsasaka at mangingisda [applause] kung hindi ng lahat ng mga mamamayan ng Apayao at buong Cordillera.
[Ang] tanging hiling ko lamang ay magtulungan at magkaisa po tayo upang makamit natin ang ating [magagandang] hangarin para sa isa’t-isa. [applause]
Asahan ninyo na narito lang ako, nandito lang po ako at ang inyong pamahalaan na handang umagapay sa inyo sa lahat ng oras,
anuman ang panahon, anuman ang problema, anuman ang pangangailangan ninyo. [applause]
Kapit-bisig po nating tahakin ang daan tungo sa isang mas produktibo at masaganang bukas!
Agbiag ti mannalon tayo! (Mabuhay ang ating mga magsasaka) Agbiag ti mangngalap tayo! (Mabuhay ang ating mga mangingisda) [applause] Agbiag ti Bagong Pilipinas! [applause]
Dios ti agngina kadakayo amin apo. Naimbag nga aldaw yu amin apo.
— END —