Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Distribution of Government Assistance in Nueva Vizcaya
[Ilocano]
Nandito po tayo ngayon para tingnan – nag-inspeksyon po kami kasama ni Governor at inikot namin, tiningnan po namin ‘yung mga damage at kung ano ‘yung mga pangyayari.
At nandito naman kami ngayon dito sa distribution center upang matiyak na maganda at sapat ang ating mga supply para ibibigay sa mga nangangailangan.
At alam niyo po ito na ‘yung Pepito, ‘yung dumaan ay ang pang-pito – ang pang-anim na bagyo na dumaan sa Pilipinas sa wala pang apat na linggo – 23 days, 23 days ang — within 23 days anim. Ang tawag namin sa series na bagyo na ‘yun “KLMNOP” dahil nag-umpisa sa Kristine natapos sa Pepito.
Kaya naman tinitiyak namin kahit na maraming request para dito sa mga relief goods, tinitiyak ko – kausap ko nga si Secretary Rex Gatchalian na tiyakin na kahit papaano mayroon tayong sapat na maibibigay. Dahil ‘yung mga – ang report ni Secretary Rex, ang damaged homes daw limang-daan, limang-daan. So, 500 ang damaged homes.
Ngayon, lahat ng mga nawalan ng bahay o hindi matirahan ang bahay ay kailangan nandito sa – kung nasa evacuation center o kung nandoon man sila sa mga bahay, mga tirahan ng kanilang mga kamag-anak at ng kanilang mga kaibigan ay kailangan pa rin namin tulungan at mabigyan nitong food pack.
Kaya’t importanteng-importante na sapat ang aming supply. Patuloy ang aming pag-produce nito dahil nga inaalala ko lagi sa dami ng dumaan na bagyo, sa dami ng mga naging biktima ay mahirap naman eh maubusan tayo dito.
Kaya’t lahat ng ahensya ng gobyerno ay nandito upang tumulong. Nandito po ipapakilala ko na rin sa inyo at… Ito si Secretary Rex Gatchalian, siya ‘yung unang nakarating dito. Siya ‘yung sa DSWD. [applause] At siya ang laging nauuna kapagka mayroon na naman tayong nabalitaang bagyo, may mga area na tinamaan.
Nandiyan rin po para i-assess ang naging damage sa agrikultura. Nandito po ang DA Secretary, Department of Agriculture Secretary, Secretary Kiko Laurel. [applause]
Nandiyan din po para i-assess, ganoon din po. Nakita na po namin ‘yung mga ibang damage doon sa mga flood control at siya po ang gumagawa ngayon ng plano para paaayos natin para patibayin pa natin ng – kung mayroon man may sumunod pa na bagyo ay hindi na masisira ulit. Nandito po ang DPWH, Public Works and Highways Secretary, Secretary Manny Bonoan. [applause]
Nandito rin po ‘yung mga secretary dahil mayroon kaming ibang lakad mamaya at nandito po, tiga-atin din, ang Secretary ng Department of Agrarian Reform, ay mamimigay na naman ng titulo mamaya itong si Secretary Conrado Estrella. [applause]
Nandito rin po ang ating DILG Secretary dahil po lahat itong aming ginagawa, ang – hindi namin kayang gawin kung national government lamang ang lumalakad. Lalo na ang mga first responder, puro mga local government units ang first responder.
Kaya’t kung ano pa, anuman ang gagawin namin sa bawat lugar, we always coordinate very closely with the local government. At alam naman natin you are the first responders and you are the ones – kayo ang pinakanakakaalam kung saan ang problema at kadalasan kung papaano aayusin ‘yung problema. Kaya’t napakahalaga ng ginaganap ng ating DILG Secretary, Secretary Jonvic Remulla. [applause]
Ang isa pang Cabinet Secretary na kasama natin ngayong araw ay nakakunot na ‘yung noo dahil iniisip niya paano ibabalik ang kuryente sa lahat ng iba’t ibang lugar.
Alam naman natin minamadali niya, ginagawa niya ang lahat para mabalik lahat ng ating mga serbisyo para sa taong-bayan. Ang ating Department of Energy Secretary, Secretary Popo Lotilla. [applause]
At ang ibang – marami pang iba’t ibang ahensya ang kasama sa ating ginagawa. At dahil po kung titingnan ninyo, hindi lang DSWD ang inaasahan namin. Hindi lang ang NDRRMC para sa disaster response.
Eh kami ang aming ginagawa tawag namin is whole-of-government approach, ‘yung buong pamahalaan. Hindi lamang isang departamento, hindi lamang dalawang departamento kundi ang buong pamahalaan ay nagtutulungan para makatulong para sa pagdala ng tulong para sa ating mga kababayan na nangangailangan na naging biktima dito sa mga disaster.
Kaya po ay kung titingnan po ninyo, marami pong galing sa iba’t ibang ahensya.
At ‘wag po nating makakalimutan ang ating mga private sector na tumutulong. Ang private sector, ‘yung mga negosyante po, lalo na ‘yung mga malalaking negosyante, ‘yung mga mayayaman eh sa awa naman ng Diyos ay sila’y tumutulong.
Kaya’t pasalamatan din natin sila sa kanilang binibigay na tulong dahil nakikita naman natin ang malasakit nila at pagmamahal nila sa taumbayan.
Kaya po ito lahat ay pinagsasama-sama natin kasi ang aming gagawin ay mula ngayon, we will continue to distribute itong relief goods hanggang hindi na nangangailangan ang ating mga kababayan, ang mga tiga- Vizcaya, ang mga tiga-Vizcaya. [applause]
So, tuloy-tuloy ‘yan hangga’t makabalik na kayo sa inyong tinitirahan at mayroon na kayong – kaya na ninyong bumalik sa dati ninyong buhay.
At mayroon din – hindi lang dito, ay mayroon pa kaming cash na ibibigay na para sa mga nasiraan ng [applause] bahay at nasiraan ng — at ‘yung mga nangangailangan. Dahil po ang nakita namin sa mga disaster response, pagka siyempre ang una ‘yung pagkain, ang tubig, lahat ‘yan mga supply na ganyan ‘yun ang dapat uunahin.
Ngunit habang – ‘pag dumaan na ang mga isang linggo, wala pang isang linggo, bawat pamilya may sari-sariling pangangailangan na hindi kasama sa food pack, hindi kasama sa medical kit, hindi kasama doon sa mga aming binibigay.
Kaya’t magbibigay kami ng cash para doon sa mga naging biktima para mayroon silang gamitin para makabili sila, makabili kayo ng inyong mga pangangailangan. [applause]
Sa agrikultura naman, sa ating mga magsasaka ay titingnan namin – ina-assess ngayon ng DA, ang Department of Agriculture, in-assess ngayon nila kung ano ‘yung maging damage. Ngayon, hihilingin namin sa local government kung gagawa tayo ng listahan ng mga magiging farmer beneficiaries dahil kailangan natin bigyan ng assistance. Ang assistance – mayroon tayong cash assistance para sa mga farmer, para sa mga magsasaka.
Mayroon din tayong non-cash. Ibig sabihin, ‘yung mga high-value crops na nasira, na nakita natin doon sa upstream nung tulay na ipinakita ninyo sa akin kanina.
Iyon maraming gulay galing dito kaya’t nagtaasan na ‘yung presyo. Kasi hindi pa naman naging shortage. Pero in anticipation of a shortage, nagtaasan na ‘yung presyo. Kaya’t kailangan balikan natin kaagad ‘yan.
Ang maganda riyan, kumpleto naman tayo. We will provide seedlings, we will provide fertilizer, we will provide all other inputs para naman [applause] makabalik kayo kaagad sa inyong ginagawa.
At iyan ang magiging trabaho ng Department of Agriculture. Sa ngayon dahil ‘yung – early this week lang nangyari ito, panay pa rin ang assess namin. Iyong mga numero namin kung ilan ‘yung bahay na nasira ay baka aakyat pa ‘yan. Iyong listahan ng mga beneficiaries sa agriculture lalo, kailangan din patuloy ang ating assessment. Siguro hindi tayo magugulat na dadami pa ‘yan.
So, patuloy lang ang mga local offices naman, ang ating mga agency, iyan ang kanilang ginagawa ngayon, naga-assess at nagko-coordinate sa local government para malaman nga natin kung sino ‘yung mga nabiktima at sino ‘yung mga nangangailangan ng tulong.
So, hindi po kami titigil. Gagawin namin… Hindi po mauubos ito. Huwag kayong mag-alala. Kahit na sunod-sunod ‘yung bagyo ay mayroon naman tayo, kagaya ng aking sinabi, mayroon naman tayong pagkukuhanan at tuloy-tuloy ang ating pag-produce nitong mga relief goods. At tuloy-tuloy naman hangga’t may request ay tuloy-tuloy pa ang aming pagbigay.
Iyon lang po. [applause] At good luck po at mabuti naman… Ikinalulungkot ko lang ang pagbalik ko rito sa Vizcaya – nakabalik na ako ilang beses pero nakabalik na bilang Pangulo ngayon lang ako nakabalik eh bagyo pa. Sabi ko kagaya ng sinasabi ko sa lahat ng pinuntahan ko nitong dinaanan ng bagyo, sana naman sa susunod ang punta ko rito mas masaya, medyo piyesta lang siguro huwag na ‘yung bagyo. [applause]
Maraming salamat. [Ilocano]
[applause]
— END —