Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Distribution of Assistance to Farmers and Affected Families in La Union

Speeches 26 September 2025

[Ilocano]

Nandito po kami para tiyakin na lahat ng mga assistance na binibigay natin na benepisyaryo ay umabot sa lahat ng mga naging biktima. Ito, hindi pa ito ‘yung ano eh – hindi pa ito ‘yung Nando, ito pa ‘yung Emong. Oo, dahil kaya’t ang ginagawa po natin ay lahat po…Kaya, unang-una, nandiyan po ang DSWD, nagbibigay po nitong mga – nitong ating relief goods para mayroon namang kahit papaano, kahit hindi makapag-load , mayroong makain at mayroong mga health kits. Oo, may mga health kit para tiyakin naman na hindi kayo magkakasakit at lalong-lalo na ‘yung mga maliliit, lalong-lalo na ‘yung mga anak ninyo.

At – at dito naman, dito sa Department of Agriculture, nagbibigay po tayo ng fuel assistance card at saka fertilizer. Ay, mayroon tayong pong – mayroon tayong ibinibigay at [Ilocano] nga card that will iden – na parang ID which will – na magbibigay – magbibigay ng DA ng mga assistance, cash assistance, fertilizer, pati na ang binhi para kung nasira ang tanim ay mayroon tayong kapalit.

Sa buong bansa, eh naapektuhan ng bagyo ang kabuhayan ng mga magsasaka, kaya’t itong – itong fuel assistance at saka fertilizer… Oh ito na, ito na ‘yung card ni Manong Wilferdo. Okay, ito na ‘yung card. And sa gitna ng daang hinaharap nating mga hanom dahil ngayon…Nandito ako ngayon dahil na tiningnan ko kung ano ‘yung mga naging epekto nung bagong – nung nakaraan na bagyo. Pero naman, kasunod doon, mayroon na naman tayo na papasok nga sa Pilipinas.

Siguro naman nakikita niyo ‘yung sa news at doon naman tumama sa Region 8 ang pumasok sa bandang… Doon sa amin din sa Leyte, mga Waray-waray eh tinamaan na naman. Kung saan dumaan ‘yung Yolanda, parang ganoon din ang dinaanan nitong bagong bagyo.

Kaya’t lahat – kaya’t kailangan po natin gumawa ng plano para lahat ng mga tinatamaan ay mabigyan ng tulong ng ating pamahalaan.

And that – kaya naman, ang ginawa po natin ay mayroon po tayong papa… Nais kong ipaalam sa ating mga kababayan na mahigit isang daan at siyamnapu’t limang bilyong piso ang pondo ng DPWH ay ating i-a-allocate… Ito po ‘yung nakita – alam naman ninyo, nagkakagulo ngayon doon sa House of Representatives, sa Kongreso at saka sa Senado dahil iniimbestigahan ‘yung mag flood control na hindi maganda.

Kaya po nakapag-savings po tayo dahil marami kaming nakita na project na hindi talaga tumutugon doon sa problema, at saka may mga ghost project pa saka ‘yung pagkagawa.

Kaya’t eh itinigil ko lahat ‘yan para matiyak natin na tama naman ang paggamit ng pera ninyo dahil pera ninyo ito eh. Hindi pera ng gobyerno ito eh, pera ng taong-bayan ito eh. Kaya’t nakaka – tinitiyak natin na tama ang gawa.

Sa kaka – pagiimbestiga namin, nakapag-savings po tayo ng malaki. Kaya’t ‘yung savings na po ‘yon ay ‘yun na nga, doon tayo – doon natin kukunin ang mahigit isang daan at siyamnapu’t limang bilyon piso para ilalagay natin sa lahat ng pagtutulong, lahat ng beneficia – benefits para sa ating mga kababayan.

Halos tatlumpu’t anim na bilyong piso naman ang ilalaan sa DSWD para sa mga programa. [applause]

Isa na riyan ‘yung AICS, ‘yung AICS program.

Alam niyo naman siguro kung ano ‘yung AICS program. Ito naman eh ganoon din. Ito’y pang – ito’y programa para tumulong sa taong-bayan kapag sila ay nagkaroon ng sitwasyon na nagkakahirap sila.

Ito ang mga program na kung saan, mas maraming kababayan natin matutulungan kapag may emergency.

Ang ating tinitingnan ‘yung mga operasyon, sa gamot, at ibang gastos para sa inyong health, ‘yung tinatawag natin na healthcare kalusugan. ‘Yung pag-aalaga sa inyong kalusugan, sa inyong kalakasan, eh ‘yun po ay ilalagay natin para patibayin natin, palawakin pa natin ‘yung ating health care program.

At kasabay nito ay ang SLP na napaka-successful. Galing lang po kami sa Maynila at itong self – itong Sustainable Livelihood Program, tawag namin SLP, napakaganda po nito dahil ang nangyari, hindi lamang na tumutulong sa mga naghihirap, kung hindi, binibigyan din ng kaunting training, binibigyan din ng pondo para makaahon na talaga.

At ang nakita namin kaninang umaga doon sa Maynila, ‘yung mga dumaan dito sa Sustainable Livelihood Program ay talagang umahon na.

At hindi lamang nila natulungan ang kanilang mga pamilya ngunit pagka nagkaroon na sila ng pagkakataon ay tinutulungan nila ang kanilang mga kapitbahay, ang kanilang kamag-anak kaya’t mayroon na silang empleyado.

Eh noon, mahirap sila. Hindi na – halos kulang ang pagkain nila, ngayon may empleyado na sila. Hindi lamang para sa pamilya nila kung hindi tumulong pati para sa lahat ng iba.

Kaya’t napakaganda pong programa ‘yan. Kaya’t eh ito ay nakalunsad na natin ay dapat gamitin ninyo lahat para makita natin na mabibigyan ng pagkakataon na makapag…Halimbawa, ‘yung inyong mga anak, makapag-aral. ‘Yung inyo – ‘yung tinitingnan namin – ‘yung tiningnan natin kanina – Ha? O na – eh una, ‘yung isang pamilya, anim ang anak. Nagtapos lahat dahil diyan sa programang ‘yan.

‘Yung isa naman ay nakapag – nakapag-ipon at ‘yung inipon niya, bumili ng apat na bangka. ‘Yung apat na bangka na ‘yun, kumuha siya mga kasama niya, mga kapitbahay niya at naging empleyado niya, sila ngayon ang naglalaot.

Kaya’t maraming oportunidad na ating ibinibigay sa ating mga kasama upang… Kaya naman eh tinamaan tayo ng bagyo, tinamaan tayo ng sakuna ay sana naman eh ito’y makakatulong.

Hindi sapat ito ngunit malakas ang loob ko namang sabi dahil alam ko ang ugali ng Pilipino, ang ugali ng Pilipino ay talagang napakasipag, napakatapang, at hindi mo… Lalo na ‘yung Ilocano, hindi mo masasabi na, “Eh wala, hindi ko na kaya. Wala na akong magagawa.”

Hindi naman – hindi naman ganyan ang Pinoy. Kaya’t napakaganda ng ating – ang pagkakilala ng buong mundo sa atin dahil ang mga Pilipino ay nakikita nila at ‘yan ang ating – nakikita nila napakasipag, napakabait, napakahusay kagaya po ninyong lahat na nagtitiyaga, nagsasakripisyo.

Nandito lang po ang inyong pamahalaan upang tulungan kayo, hangga’t maaari, hangga’t kaya ng pamahalaan, nandito po kami upang tumulong. [Ilocano]

[applause]

— END —